WET

2023 Words

Galit si Larwin at mukhang iritado kahit na nasa sasakyan na kami. Hindi ko tuloy alam kung paanong magsisimula na magtanong sa kanya kung saan niya ako dadalhin! Kung ihahatid niya ako sa corporate house ng mga Mijares ay nakakahiya! Wala na si Kuya Mark doon at kasalukuyan naman na busy si Boss Jared sa bahay nila dahil naroon si Ma’am Lady! ‘Wag niyang sabihin na mang aabala pa siya ng mga tao para lang magtanong tungkol sa tutuluyan ko ngayong dis oras na ng gabi! Kung hindi pa huminto ang sasakyan niya dahil sa traffic lights ay mukhang hindi pa siya lilingon sa akin kaya sinamantala ko na ‘yon para kausapin siya. “Saan mo ako dadalhin?” “Where do you wanna stay?” Halos sabay pa kaming nagsalita kaya sabay din kaming natigilan at nagkatitigan. Ako ang unang nakabawi kaya agad na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD