Episode 1

1615 Words
Nay ,huwag na kaya kayong tumuloy sa Cagayan,masama ang balita may bagyong paparating,ayon sa weather forecast kinakabahan ako nay. Naku anak hindi naman siguro maglalayag yung barkong sasakyan namin kung may bagyong parating,pangungumbinsi sa akin ni Tatay, Magdasal tayo na matiwasay ang aming byahe. Oh sya na baka mahuli pa kami mag iingat ka dito. Isang mahigpit na yakap kina Nany at Tatay ang aking ginawa,pakiramdam ko ito na ang huling yakap ko sa kanila. Naluluha tuloy ako. Naku anak huwag kang ganyan parang ayaw na naming umalis tuloy ng Tatay mo. Mamiss ko kayo kahit ilang araw lang kayong mawawala.balik po agad kayo, Ito namang bata ka!,tawagan mo ang ninang Basing mo sa mansion pag nalulungkot ka, "alam mo naman ito talaga ang pangarap namin ng Tatay mo ang makapag bakasyon,sa probinsya. Sa ilang taon ba naman na tutok kami sa paghahanapbuhay at pagpapa aral sayo.ngayun lang kami nabigyan ng pagkakataon. Tumango tango ako. "pagbalik nyo nay luluwas na tayo ng Maynila, Oo kaya habang nasa bakasyon kami sulitin mo yung oras mo dito sa mga kaibigan mo, "aba mahirap naman at pag nasa maynila tayo ay maninibago ka. Sya aalis na kami ingat ka dito. Muli kaming nagyakap tatlo ni nanay at tatay, hinintay ko na makalayo ang tricycle na kanilang sinakyan bago pumasok sa loob ng aming bahay. Sabado bukas at tiyak akong uuwi si Ken kaya naghanda ako ng mga dadalhin kong pagkain. Pag gising ko agad akong naligo nagsuot ako ng tshirt at short,nakailang ikot pa ako sa harap ng salamin bago isinuot ang aking white rubber shoes. Naglagay ako ng konting blush on at lip tint,agad kung kinuha ang aking picnic basket na nasa lamesa,doon na ako kakain sa batis,tyak nandoon na si Ken ngayun. Inayos ko muna ang basket sa harap ng aking bisikleta,at mabilis na pinadyakan ito. Tunog ng mga ibon at malamig na ihip ng hangin ang sumalubong sa akin,habang nasa daan ako papunta sa batis,tuminga ako sa taas tanging tunog ng nagsasalpukang kawayan ang maririnig mo sa daan na ito. Ang sarap mamuhay sa ganitong klaseng lugar,walang pollution kahit asensado na ang lugar namin ay nanatili parin ang pagka province style nito.pati pamumuhay ng mga tao dito ay hindi binago ng sebilisasyon. Dinipa ko ang aking mga kamay habang tumatakbo ang bisikleta,ipinikit ko pa ang aking mga mata,ganito ako,kabisado ko ang bawat anggulo ng daan,kahit nakapikit ako at tumatakbo ito. Napadilat ako ng may bumondol sa aking likod. Whoa!! Ang nakangiting mukha ni Ken ang aking nalingunan,napatulala ako ng inilapit nya ang kanyang bike sa akin,magkapantay na kami ngayun habang napapasulyap ako sa kanya. Naka shade ito ng itim,at pareho pa kami ng suot short na puti at tshirt,naka rubber shoes din ito,habang may nakasampay na bulaklak sa harapan ng kanyang mountain bike. Hoy mababangga ka! Agad kung iniwas ang aking bike sa kahoy na nakausli sa daan,at nagbrake. Whew!!!muntik na ah,, Paano kasi sa akin ka nakatingin,hindi sa daan,,hahaha Inirapan ko sya,at ngumuso ako,tinulak ko ang aking bike papunta sa batis. Uyyy,,pikon,,,if I know kagabi kapa excited para sa araw na to,,panunudyo nya sa akin, Agad akong pumihit at kinurot sya sa tagiliran, Aray,,,,,,nagtitili ito sa sakit,, Ysa,,masakit ha!!habang sapo nya ang kanyang tagiliran, Wala ka bang alam gawin kundi asarin ako?ngayun nga lang tayo nagkita mang aasar kapa!sabay sipa ko sakanya. Hinuli naman nito ang aking paa. Ay,,,anu ba Ken,,,bitiwan mo ang paa ko. itinaas pa nito lalo ang paa ko na hawak nya, Hindi ko to bibitiwan! hanggat hindi ka mag promise sa akin,, Aray,,ano ba!!masakit na!nangangalay na ako. Promise me first!namumungay ang mata nitong nakatingin sa akin. Grrrr,,pabilog kong inikot ang aking mga mata. Anong promise ba yan? Promise me that you won’t like anybody except me! hahaha ngumiti ito at biglang nag serious, Ano? Napangiti ako na kinikilig,, Oo na!i will promise you,,,! Basta bitiwan mo na ang paa ko.bilis at nangangalay na ako.! Here!! sabay baba ng aking paa,inabot nya naman sa akin ang bulaklak na nakasampay sa kanyang bike kanina. Agad akong umupo at hinilot hilot ang aking binti,na nangangalay Masakit ba? Medyo okay na..ikaw kasi bakit ba nag aasar ka.?sabay hampas ko ng bulaklak sa kanya Hahaha na missed kita eh,sabay akay sa akin pa tayo at,niyakap ako. Uy,,tara ang drama mo,nauna na akong bumaba sa batis,nilock pa nito ang aming bike na nasa taas, Agad kung nilapag ang basket na dala ko,sinabit naman nito sa dalawang puno ng kahoy ang duyan na dala nito. Kain muna tayo hindi pa ako nakapag agahan eh, Sumandok ako ng fried rice at binigay sa kanya, Hmmmm…ang bango,,,ang sarap mo talagang magluto, Tse!nambobola ka pa! Pahingi ng tuyo, Inabot naman nya sa akin ang tuyo at suka,nagkakamay kami habang kumakain, Grabe the best talaga…ang pagkain dito anu?ibang iba sa maynila. Alam mo lilipat na kami sa maynila sa pasukan Ken, Talaga?kita nalang tayo doon,,saan ka ba magkokoliheyo?anung university? Hindi ko pa alam dalawa kasi ang kumuha sa akin na scholar,pilian ko pa kung saan ako makakamura ng gastusin. Tawagan mo ako pag nakaluwas na kayo,sasamahan kita. Salamat,,don’t worry ikaw ang una kung twagan pagdating namin ng maynila. Nang matapos na kaming kumain ay nanguha kami ng mga prutas na lansones at rambutan,may ilang buko rin kaming nakuha kaya nilapag namin yun para sa tangghalian, Hinubad nito ang suot na tshirt at humiga sa duyan. Ysa,halika kana,mamaya kana magsindi ng apoy, Pinausok ko muna ang mga baging at tuyong dahon bago lumapit sa kanya, Baka kasi may lamok,alam muna allergy ako doon. Agad akong sumampa sa duyan, magkatabi kaming umupo at humiga sa magkabilang panig, Hanggang kaylan tayo ganito Ysa..? Ha?agad akong napatingin sa kanya,, Bakit ayaw mo na bang makipag friend sa akin? Umm,,hindi naman sa ganon.. Hanggat hindi ka nagbabago dito lang,ako hindi ko makakalimutan ang lugar na to. Dito ang pinakamasayang alaala sa pagkabata ko hanggang ngayun, Uy,,,ang cheesy mo,,tudyo nya sa akin, Halika nga, payakap.kanina pa kita gustong yakapin eh.panunudyo nya sa akin, Agad akong bumangon at nagpayakap sa kanya,hinalik halikan nya ang aking buhok. Alam mo ba actions speak louder than words? Naguguluhan ko syang tiningnan, hindi ko man maamin pero ang lakas ng t***k ng puso ko kapag napaplapit kami sa isat isa. Im sorry,,, mahinang usal nya sabay hapit sa aking beywang, Nilapit nito ang mukha sa akin,hindi ko nakayanan ang kanyang mga titig kaya pinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ko nalang na hinalikan nya ako sa labi. The kiss was very soft,gentle and full of respect!i feel his sincerity,I don’t know how to react this time,nahihiya akong bumitaw at napayuko. Agad nya akong niyakap,Im sorry,, niyakap ko din sya ng mahigpit. This is my first kiss,,mahina kung bulong sa kanya I know,,me too.inangat nya ang mukha ko at hinalikan ako sa pisngi. Agad akong nag blush,pulang pula ang aking mukha, Tara na maligo tayo. Bumaba ako sa duyan ay naghubad ng short at tshirt ,tanging sando at bikini underware lang ang itinira kung saplot. Agad akong tumalon sa malalim na bahagi at sumisid.ilang minuto akong sumisid bago ko napagpasyahang umahon, Agh…napasinghap ako mula sa tubig, agad kong hinilamos ang kamay ko sa aking mukha, Mukha ni Ken ang aking nabungaran, seryoso itong nakatingin sa akin, hubad baro din ito at boxer short lang ang tanging saplot nito sa katawan. Hindi ko mapigilan ang mapalunok ng mapatingin ako sa kanyang abs. Ngumisi ito at umiling iling, habang palapit sa akin, Hindi ko tuloy maiwasan ang kabahan,kaya sinabuyan ko sya ng tubig,ng sa ganon ay mawala ang tension na aking naramdaman. Ysa stop it! No I won’t! Agad akong lumangoy palayo sa kanya hinabol nya naman ako ng lagoy. Ay!!!!ano ba Ken,,,impit kung tili ng maabutan nya ako. Sshhhh…ang ingay mo..agad nya akong ikinulong sa kanyang mga bisig,pakiramdam ko sa mga oras na yon ay tumigil ang ikot ng mundo pati oras, Ken,,, naguguluhan akong tumitig sa kanya, I want to kiss you now Ysa. Sabay halik sa aking mga labi,,, hindi ako marunong humalik,at ngayun lang ako nakatikim ng halik,kaya hindi ko alam ang gagawin, Hanggang sa iginiya nya ako sa kanyang ginagawa, hinawakan nya ang ulo ko at ang isa nyang kamay nakasuporta sa aking likod, Napapikit ako ng maramdaman ang kanyang mainit na labi na lumalapat sa aking labi,the feeling is very stranger,but deep inside there is an excitement may umuudyok sa aking isipan na gayahin ang kanyang ginagawa, Kaya iginalaw ko ang aking mga labi, ginantihan ko ang kanyang mainit at maalab na halik,napaungol ako ng ipasok nya ang kanyang dila, Hah!!halos hindi ako makahinga sa aming ginawa, napayuko akong lumayo sa kanya at lumangoy. Ysa!!wait..mabilis itong lumangoy palapit sa akin, Galit ka ba? No im not! Nabigla lang po.agad nya akong niyakap. Maya maya naghiwalay kami ng yakap masaya kaming nagpaligsahan ng langoy, Hahahaha Ken,sabay saboy ko sa kanya ng tubig, Uy ang daya mo ha! sabay saboy din sa akin ng tubig,hanggang sa lumapit ito sa akin at hinuli ang mga kamay ko,sabay yakap sa akin. Magkayakap kaming lumoblob sa tubig at umahon ng sabay itinaas nya ako habang yakap nya ako sa beywang,nakayuko akong tiningnan sya habang nakayakap ang mga braso ko sa kanyang leeg, Sana hindi ka magbago Ken, magkalayo man tayo at hindi magkikita ng ilang taon I will hope that you never forget me. Yeah I will promise.basta huwag kang mag boyfriend,hintayin mo ako, Promise,sabay naming ikinawit ang aming mga kalingkingan. Tara na magbihis kana,!baka may makakita pa sayo ganyang ang suot mo. Hahaha baliw!ikaw lang naman ang nakakakita na ganito ang suot ko eh. Sabay kaming umahon at niligpit ang aming mga dala para umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD