Wala pa akong pahinga at kain mula nang manggaling kami ni Apollo sa cafeteria ng SCU and it’s already 8 pm. Naglalakad ako ngayon sa corridor ng ospital pabalik sa kuwarto nina Jacob. Nang makarating ako roon ay bahagyang bukas ang pintuan. Papasok na sana ako nang may marinig akong nag-uusap. Nahigit ko ang hininga ko when I heard Jacob’s voice. Oh, God! How I miss his voice. “I miss you, Raine. Alalang-alala ako noong tumawag ako at sagutin ng kaibigan mo ‘yung phone at sinabing nawawala ka. After a day, cannot be reached na ‘yung phone mo. Buti na lang at nasabi ni Apollo na naiuwi ka na ni Tristan. Nakahinga ako nang maluwag though I can’t say that I’m totally happy about it.” Obvious ang pag-aalala niya sa kausap sa klase ng pagsasalita niya. May munting kurot akong naramdaman sa