2 years and 6 months bago ako muling nakaapak dito sa SCU. Kababalik ko lang sa bansa three days ago. Pinasyalan ko ang dati kong school upang makita ang mga kaibigan ko. Gusto kong surpresahin sina Carl kaya wala akong pinagsabihan sa kanila na pupunta ako rito ngayon. Bawat hakbang ko sa university na ito ay maraming tao at alaala akong naiwan ang nagbabalik isa-isa sa isipan ko. Nakapanghihinayang man, nagpapasalamat na rin ako. Sa tulad kong lumaki na walang pamilya, wala akong pagpipilian kundi ang tanggapin ang mga tulong na maibibigay sa akin. At ang bawat sentimo na naitulong sa akin ay kailangan kong higitan pa at ibalik iyon sa bahay-ampunan na kumalinga sa akin ng maraming taon. Napangiti ako nang mapait. Wala ring kuwenta kung manisi man ako ng pamilyang pinanggalingan ko. Hi