Matagal ko na siyang gustong makaharap. Matagal ko na rin siyang gustong makausap. Siya ang taong kumuha ng puso ko. Si Alexar Vander. Ang dati kong kasintahan. "Mabuti naman at kilala mo pa ako," sabi niya. Hindi ako nakakilos sa sobrang gulat. Hindi parin kasi ako makapaniwala na andito siya ngayon sa harapan ko--- sa katauhan ni Yohan. Nakakapanibago na makita ang madilim na aura ng maamong mukha ni Yohan. Nakangiti siya sa akin ngayon, yung ngiting nakakasindak. "Paano--- paano ka---?" "Paano ako narito?" pagkompleto niya sa tanong ko. "Hahaha! Aravella! Parati akong narito!" "Anong ibig mong sabihin?" gulat na tanong ko. Hindi ko siya maintindihan. Tinutukoy niya ba si Yohan? "Aravella... hindi ako nawala..." sagot niya. Lumapit siya sa akin at agad akong napaatras. May kung ano