Magkahawak kami ng kamay. Tumatakbo kami papasok sa Kweba ng Pagsibol, kung saan isa umanong nakakapangilabot na nilalang ang isinilang. Kinakabahan ako dahil nabanggit na ni Aravella ang tungkol dito noong mga bata pa kami. Ang mga Bulaklak, isang beses sa kanilang buhay, ay nagtutungo dito sa Kweba ng Pagsibol upang mag-anyong halaman. Sa kanilang anyong halaman, sila ay magpupunla ng isang buto sa lupa. Di magtatagal at tutubo ang buto at magiging isang halaman. At papatakan siya ng kanyang ina ng dugo upang ito ay mag-anyong tao. Sa ganung paraan isinisilang ang mga panibagong Bulaklak. Ngunit may mga Bulaklak umano na imbes na magpunla ng buto, sila ay nagkakaroon ng mga bunga. Mga bunga na may lamang nakakatakot na nilalang. Nangyayari ito kapag ang isang Bulaklak ay nagnanais n