The Eagle's Empire Bachelor

2251 Words
Chapter 8 Matapos ang kanilang agahan sa gym ay agad na silang gumayak. Deretso silang hinatid ni Mang Rodelio sa paboritong salon ni Madam V. Kasama pa rin si Miguel, pero nagbabalak na siyang pumuslit. Kanina pa pana'y tawag sa kanya si David. May mahalagang sasabihin daw ito sa kanya tungkol sa bagong impormasyon sa kaso nang minamanmanan nitong Chinese. Naghahanap lang siya ng tamang tiyempo kung papaanong makakaalis nang hindi maghihinala ang mga kasama. “What's wrong, Miguel?” tanong ni Madam V. Gulat naman siyang napalingon dito, hindi niya kasi inaasahang mapapansin nito ang pananahimik niya. “Wala po, Madam. Iniisip ko lang po kasi kung ano ang ibibigay kong regalo sa tiyahing ko,” gustong batukan ni Miguel ang sarili dahil sa dami ba naman na puwede niyang sabihin ay iyon pa talaga. “Bakit? Birthday ba ngayon ng tiyahing mo?” “Y-yes! kaso malabong makapunta ako ngayon sa kanya, dahil may lakad pa kayo,” tugon niya. Nilagyan niya ng konting lambing ang boses. Si Vanessa na nakikinig ay nagsitaasan ang mga kilay. Halata sa mukha ang pagka-irita sa dalawa. “Ano’ng malabo? It's your aunt's birthday, it's ok with me kung pupuntahan mo siya. Minsan ka lang naman lumiban. Saan ba ang bahay n’ya at ihahatid ka na lang namin.” Nagliwanag ang mukha ni Miguel sa sinabi ni Madam V. Kaya agad siyang nagpahatid sa bahay ni Manang Ason. Pero hindi ito pumayag na hindi siya makabili ng regalo, kaya dumaan muna sila sa isang malamit na department store upang makabili ng kunwa'y regalo niya. Pagkatapos ay agad naman siyang hinatid ng mga ito sa pupuntahan. Gulat na gulat si Manang Ason nang dumating siya sa bahay nito. Si Manang Ason ay katiwala nila Miguel. Matagal na itong naninilbihan sa kanila even now kahit wala na ang kanyang mga magulang. Stay in ito sa kanila, pero dahil linggo ngayon ay day off nito at nasa pamilya. “Miguel, bakit ka naririto, anak?” takang tanong nito nang mapagbuksan siya. “Manang, biglaan po kasi, pero hindi naman po ako magtatagal. Kailangan ko lang pong salisihan ang amo ko, baka magduda sa akin,” paliwanag niya habang ibinibigay rito ang dalang pasalubong. Agad naman nitong nakuha ang ibig niyang sabihin. Hindi naman kasi lingid sa matanda ang trabaho niya at ang pinagkakaabalahan. “Ganoon ba? Uuwi ka ba sa bahay ngayon?” “Hindi po. Diretso po ako ngayon sa opisina. May meeting na magaganap ang mga boys kaya kailangan nandoon din ako.” “Oh, siya! mag-iingat ka ha!” “Si Carla po ba, kumusta na sa bahay?” pangungumusta niya sa kapatid. “Laging nagha-hang out kasama ang mga kaibigan. Nabuburyo na raw kasi siya sa bahay.” “Sige po, Manang. Balitaan n’yo na lang po ako tungkol sa pasaway kong kapatid kapag nakabalik ka na,” bilin niya bago tuluyang nagpaalam na aalis. Dapat kasi bago magtakip silim ay makabalik na siya sa bahay ni Madam V. Hindi na nga siya nakabalik pa sa apartment na inuupahan. Mabuti na lang ay napakiusapan niya ang kaibigan na anak ng may-ari na huwag magpapasok habang wala pa siya. Dahil naiwan sa tinutuluyan niyang silid ang mahahalagang gamit. “Look who's here!” malakas na wika ni David nang makita si Miguel. Sinadya nitong lakasan ang boses upang marinig nang iba pa nitong mga kasama na abala sa kani-kanilang gawain. “Boss! longtime no see!” ani Felix na agad sumalubong sa kanya. “So, how's the Bachelor boys?” saad niyang pasalampak na naupo sa mahabang upuan. “Well, nothing has changed still a Bachelor,” natatawa namang tugon ni Brent. “Where are the others?” “On the way na ang mga iyon. May mga amats pa yata, dahil birthday kagabi ni Cruz,” tukoy ni David sa isang staff nila sa ibang despartamento. Ilang sandali lang ay nagsidatingan na nga ang mga ito. “Mukhang may pa-Bachelor party na magaganap mamayang gabi, ah!” agad na wika ni Tred pagkakita sa kanya. “Kayo na lang. Hindi pa ako puwede baka mahalata ako,” tugon ni Miguel na tumayo na sa pagkakasalampak. “Don't tell us na babalik ka kaagad doon?” ang pinsan niya namang si Ernie. “No choice! this is our job. We need to sacrifice and put habits aside first. sumaglit lang ako rito para sa isang meeting at para na rin kumustahin ang mga mission n’yo. Any updates?” Agad nagsipuntahan ang mga ito sa mahabang lamesa na nagsisilbing meeting place nila. Isa-isang kumuha ng mga swivel chair ang mga ito. Ikinawit sa mga likuran ang mga jacket na may mga nakasulat na TEEB (The Eagles Empire Bachelor) dahil lahat sila ay wala pang mga asawa. Puro pagpapayaman at luho lamang ang pinagkakaabalahan. Nagsisimula na ang meeting nila nang dumating si Carla. Nakasuot ito ng tube dress na halos lumuwa na ang dalawang dibdib at ang mukha na napuno na ng kolorete. “Am i late?” matamis ang ngiting tanong nito. “Mukhang mali ka ng lugar na pinasukan. This is office not a cabaret!” galit na saad ni Miguel. “Kuya. . . !” sambit nito na tila batang paslit. Mabilis itong lumapit sa kanya at yumakap. “I miss you, Kuya!” “Ang sweet n’yo namang tingnan. Pahiram nga ng camera at nang makuhanan,” biro naman ni Clyde. Naiinis na binato ito ng ballpen ni Miguel. “Look at yourself, Carla! mukha kang bayaran sa ayos mo!” galit na saway dito ni Miguel. “I was supposed to go to a birthday party. But i changed my mind, so i went straight here,” nakalabi nitong sabi. Humila ito ng isang upuan at pinagkrus ang mga binting umupo sa tabi niya. Napakamot na lang sa ulo si Miguel habang nagtatawanan naman ang mga kasamahang naroon. “So, who will speak first in front? Nawalan na kasi ako ng gana,” pagbibiro niya. “Sige, ako na ang mauuna. Total ako naman ang nagpatawag sa inyo para sa pagtitipon na ito,” tugon ni David na agad namang nagtungo sa unahan. Naglabas ito ng ilang mga gamit na ginamit nito sa pag-iimbistiga. Isang Chinese na nagmamay-ari ng mga gotohan sa Maynila ang nakatukang trabahuin nito. Ipinaliwanag nito sa kanila isa-isa ang mga nakuhang ebedensiya at impormasyon. “Ang lahat ng ito ay proweba pa lang, ang talagang pinagtutuunan ko ng pansin ay ang kasosyo niya, dahil mas marami itong hawak na negosyo. Kaya madali lang mailigaw ang mga kapulisan,” paliwanag ni David. “So, papaano mo papasukin ang teritoryo ng taong iyan kung masiyado naman pa lang maingat pagdating sa negosasyon?” tanong ni Miguel. “That's a good question! he had a daughter at tiyempong naghahanap sila ng puwedeng magturo rito ng self defense. Ilang beses na raw kasi ito mumuntikang makidnap. So i applied and thanks god, natanggap ako.” “Good! bahala ka na sa diskarteng gagawin.” Sumunod naman na nagsalita ay si Brent. Ito kasi ang pupunta ng isla para sa mahalagang misyon. Siya kasi ang magiging mata roon ng TEEB kaya kailangan niyang sabihin ang mga gagawin at hindi dapat gawin. Ayon dito ay nakakuha na ito ng bagong impormasyon sa mahiwagang isla ng Virgin Island. Pero hindi pa tukoy king sino-sino ang mga namamahala rito. Sa ngayon ay patuloy rin nila hinahanap ang tamang daan papunta sa isla, dahil halos nalibot na nila ang Visayas at Luzon pero wala silang mahanap na ibang daan patungong Virgin Island. Tahimik lamang na nakikinig si Miguel sa mga impormasyong nakalahad. Ngunit ang kabilang isip niya ay naglalakbay sa ibang bagay. Hindi maalis sa isip niya ang mukha ni Vanessa, lalo na ang malambot nitong katawan na ilang beses niyang nadama, sa tuwing aangkas ito sa motor niya. Na-miss niya na ring tingnan ang pinakatago-tago nito na madalas nakikita niya nang nasa apartment pa lang sila. Hinahanap-hanap niya ang bahaging iyon na ilang beses ding nagpainit sa kanyang kaibuturan. “Kuya, are you listening?” kalabit sa kanya ni Carla. Bigla ay natauhan siya sa kapilyuhan ng isip. “Yes?” “Pare! mukhang nasa ibang planeta ang isip mo, ah?” natatawang tanong ni Clyde. “I'm sorry! may bumabagabag lang sa isip ko,” tugon niya, habang ini-exercise ang ulo. “Mukhang, nagugulo na ni Madam V ang isip mo, Pinsan,” sabat naman ni Ernie. Matalim siyang tumitig dito na naging dahilan ng tuksuhan. “Ok, meeting dismissed!” saad niya na tumayo agad at tinungo ang water dispenser. Nagsalin siya ng tubig at sunod-sunod iyong nilagok. Bigla na lang kasi nag-init ang kanyang pakiramdam. “Mamaya ka na lang bumalik doon. Shot muna tayo kahit ilang bote lang,” saad naman ni Theo na nakasunod pala sa kanya. Tinapik-tapik nito ang kanyang balikat. Sinulyapan niya ang oras at alas-onse pa lang pala ng umaga. Mayroon pa siyang apat na oras na pananatili roon. “Sige,” tipid niyang tugon sa kababata. Nagsibalikan na ang lahat sa kanya-kanyang puwesto, maliban kay Carla na mukhang balak doon mag stay ng buong maghapon. “Hindi ka pa ba uuwi?” baling niya rito. “So bored, Kuya! mag-isa lang ako sa bahay,” nakasimangot nitong sabi. “Then go shopping! malling, bonding with your friends.” “Ayaw ko! mas lalo kong nararamdaman ang pag-iisa.” “Wala ka pa bang boyfriend?” “I'm to young for that!” Napahalakhak si Miguel sa narinig. “To young? Sa pagkakatanda ko ay twenty five ka na. Ready to mingle na. Pihikan ka yata sa mga lalaki, My Baby Sister?” “So hayan! lumabas na mismo sa bibig mo, Kuya. I'm your Baby Sister.” “Ano ba kasi ang gusto mong gawin?” “Katulad ng mga ginagawa mo,” seryosong sabi ng dalaga. “Paulit-ulit na lang ba tayo, Caring? ’Di ba sabi ko naman sa ’yo, hindi ka puwedeng tumulad sa akin. Nangako ako kay mom.” “So, wala na pala tayong dapat pang pag-usapan. The answer is there! at maliwanag naman talaga!” Tumayo si Carla at mabilis na lumabas ng opisina. Wala nang nagawa pa si Miguel nang tuluyan nang makaalis ang kapatid. Alam niyang may kakayahan din si Carla na sundan ang kanilang yapak ng ama, pero natatakot siyang baka mapahamak ito. Wala nang natira pa sa kanya at tanging ito na lamang. Kaya't habang maaari at kaya niya pang kontrolin ang kapatid ay hindi siya papayag na sumabak ito sa ganoong klaseng trabaho. “Baka naman magrebelde na ’yong kapatid mo. Payagan mo na kaya,” suwisyon naman ni Brent. “Hindi puwede! habang kaya ko pa siyang kontrolin. Hindi ko papayagang pumasok siya sa atin.” “How about. . . Leo? ’Di ba childhood friend niya iyon at ultimate crush noong college?” Napatigil naman siya sa pagmomonitor ng CCTV sa narinig. May punto si Brent sa mga sinabi nito. Paano kaya kung maisipan ng kapatid na pumanig sa kabilang Campo. “Hindi naman siguro iyon gagawin ni Carla. Alam niya kung paano ako magalit.” “Yes, we know that! pero kilala at alam mo rin kung gaano ka sutil si Carla. Hindi naman sa bini-brain wash ka namin, Pare. Pero mga detective tayo, advance palagi ang ating mga naiisip. Wala pa man din pero nasa dulo na at may katapusan na. Natigil siya at naisip ang sinabi ni Brent. Hindi nga malabo ang sinasabi ng mga ito. Kasi noong college days ni Carla ay makailang ulit siyang ipinatawag ng Dean sa skuwelahan, dahil madalas itong makipagbunuan. Kahit lalaki hindi inaatrasan ni Carla. “Kaya huwag palagi sa misyon ang pocus mo. Bantayan mo rin si Baby Sister mo,” saad pa ni David. Mga bandang alas-kuwatro ng hapon ay bumalik na rin si Miguel sa salon kung saan nagpapaayos si Madam V. Bahagya siyang nagulat nang masilayan ang bagong ayos ni Vanessa. Ang dating mahabang buhok ay maiksi na lang ngayon na bumagay naman sa bilugan nitong mukha. “Miguel, dumating ka na pala. Tamang-tama patapos na kami.” Napabaling siya ng tingin kay Madam V. Maging ito ay nagpaputol din ng buhok. Bumagay naman dito ang bagong ayos but not like Vanessa na tila sinipa ang puso niya nang masilayan ito. “Bagay ba?” nang-aakit nitong tanong. “You look beautiful, Madam,” simpleng papuri niya naman dito. Dahil nakainom siya at medyo sumubra yata, ay bahagya siyang nahilo. Hindi sinasadyang napahawak siya sa braso ni Vanessa na nasa gilid niya lang. Pero nanlaki ang mga mata nito nang maramdaman ang isang kamay niyang nakahawak sa isang nitong dibdib. Napaigtad siya nang maramdaman ang lambot ng dibdib nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at mabilis binawi ang kamay. Mabuti na lang at hindi iyon nakita ni Madam at ng driver na busy sa pagbabasa ng magazine. Namumula naman ang mukhang napausod si Vanessa. Unang beses kasing may makahawak ng dibdib niya. Parang may pumintig sa puson niya at para siyang maiihi sa ibang sensasyon na nararamdaman. Bigla rin nag-init ang katawan niya. Simpleng paghawak lang iyon at talagang hindi sinadya, pero iba ang dulot na hatid n’yon sa kanya. “Let's go!” Ang tinig ni Madam V ang nagpabalik sa huwisyo ni Carla. Nahihiyang dumaan siya sa harap ni Miguel upang lapitan ang amo. Naamoy niya ang hininga nitong amoy alak. “Kaya pala basta-basta na lang nanghihimas, nakainom pala,” bulong niya sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD