Alas-tres ng madaling araw sa Pier- Singko sa lungsod ng Navotas. Dalawang grupo ang ngayo’y naroroon para sa isang transaction na magaganap. Ang isang grupo ay may dalang mga ipinagbabawal na gamot, habang ang kabilang grupo naman ay isang maletang pera ang dala.
“Kumpleto ba ang mga epektos?” tanong ng lalaking nakasalamin at naka-suit. Sa ayos nito sino ang magsasabing nagpapanggap lamang itong sindikato.
“Kumpleto ito, Boss! Ang pera? Kumpleto ba?” tanong naman ng lalaking nasa kabilang grupo. Nasa gitna sila ng mga napalilibutang container van kung saan walang taong pumupunta. Masiyado nang tahimik sa pribadong lugar na iyon. Ilang sandali lang ay nagsimula na ang palitan ng pera at epektos sa dalawang grupo.
“Teka! Mayroon ba kayong ibang baon d’yan bukod pa sa pera?” tanong naman ng isa pang kasama ng nasa kabilang grupo.
“Oo, bagwis! Dalhin ang mga chickababes dito!” sigaw naman ng lider sa grupo.
Ilang sandali lang ay papalapit na sa kanilang kinaroroonan ang sampung babae na pawang naka-blindfolds.
“Good! Siguradong matutuwa si Madam nito at Master,” sabat naman ng isa pa na mukhang gutom sa laman.
“So, nasaan na ang mga epektos?”
“Kulang itong pera ninyo! Hindi ninyo ako maloloko!” sigaw ng lalaki na siyang tumanggap ng pera.
Agad itong bumunot ng baril at unang pinaputukan ang lider sa kabilang grupo. Ngunit mabilis itong nakailag at naagaw ang baril mula sa lalaking nagpaputok. Nagsimula ang barilan sa dalawang grupo at iilan na lang ang buhay. Sinubukan ng lider na iligtas ang mga babae sa mga tumangay rito ngunit nabigo siya dahil isang patalim ang bumaon sa kanyang dibdib na mabilis naitusok sa kanya ng taong may takip sa mukha mula sa kanyang likuran. Mabilis itong kumaripas ng takbo matapos siyang mabuwag sa malamig na sementadong daan.
Nang matapos na ang putukan ay agad na lumabas ang isang binatilyo na kanina pa nakakubli sa ’di kalayuan. Nasaksihan niya ang lahat ng nangyari at lumapit siya sa isang duguan na lalaki na nakahandusay malapit sa mga container van.
Ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang unti-unti na nitong makilala ang lalaki. “Dad!” umiiyak nitong sambit habang nakahawak ang mga kamay sa kutsilyong nakatusok sa dibdib ng ama.
“I-I’m so s-sorry, a-anak,” huling winika nito bago nalagutan ng hininga.
Pabalikwas na napabangon siya sa higaan at inihilamos ang dalawang palad sa mukha nang matantong panaginip lamang ang lahat. It was a nightmare na halos gabi-gabi na lang yatang umaatake sa kanya. Kahit na anong pilit niyang gawin ay hindi niya kayang makalimutan ang masalimuot na gabing iyon. Feeling niya ay bangungot iyon na walang katapusan hangga’t wala pa siyang nakukuhang sagot kaya hindi talaga siya matitigil.
Patalon siyang nanaog sa kama at tinungo ang nakabukas nang banyo. Alas-sais na ng umaga ngunit madilim pa rin sa labas dahil sa nagbabadyang ulan. Binuksan niya ang switch ng cold water mula sa tubong nakakonekta sa kanyang banyo at mabilis na nag-shower upang maibsan ang nag-iinit niyang pakiramdam. Ilang araw na siyang balisa at hindi mapakali sa rami ng reports at trabaho sa opisina pero mas pinili niya munang umuwi sa kanyang condo at gawin ang gusto without hesitation.
Matapos ang ilang minutong pagligo ay hindi muna siya nagbihis. Nagsuot lang siya ng roba na kita ang malapad niyang dibdib. Tinungo ang kitchen at nagtimpla ng kape at pagkatapos ay nagtungo sa maliit niyang sala saka roon naupo. Nahagip ng kanyang paningin ang isang makapal na folder na nakapatong sa bilog at babasagin na lamesa.
“Oh sh*t!” sambit niya nang mabasa kung ano iyon. Kagat-labi niya itong pinasadahan at napaiiling sa tuwing may nababasa na hindi naaayon sa kanyang gusto. “Is this serious?” tanong niya sa sarili habang binabasa pa rin ang nasa folder.
Hindi na niya tinapos ang pagbabasa dahil nagsimula nang sumakit ang kanyang ulo. Matapos higupin ang mainit pang kape ay tinungo niya naman ang telepono at doon ay sinubukang tumawag sa opisina ngunit puro lamang operator ang sumasagot, mukhang busy talaga ang mga tauhan niya.
Akmang magbibihis na siya nang mahagip naman ng paningin ang sulat na nakadikit sa kanyang refrigerator, agad niya itong kinuha at binasa. Mula pa rin iyon sa mga staff niya. Wala siyang nagawa kung hindi ang mapapikit na lamang sa inis. Mukhang dumating na ang pinakamalaking dagok at sakripisyong gagawin niya sa buong buhay niya.
Sa kabilang banda.
“Oh! Harder, baby boy! H-Harder . . . ” Ang mga katagang iyon ang nagpapukaw sa nahihimbing pang si Vanessa.
Nakapikit pa ang isang matang nilinga ang paligid sa pag-aakalang nasa tabi niya lang ang may-ari ng boses na iyon. Ngunit wala siyang makita bukod sa kanyang anino na naiilawan ng kanyang maliit na lampara. Pinatay niya ito at pinindot ang switch ng ilaw. Bigla niyang naitakip ang dalawang kamay sa mga mata dahil sa biglang pagliwanag.
Painot-inot siyang bumangon habang nagkakamot sa ulo. Malamang, baka sa kanyang kalapit-kuwarto na naman nagmula ang ingay na iyon.
Nagtungo siya sa kusina upang kumuha ng maiinom sa ref. Napangiwi siya sa ngilo dahil sa sobrang lamig.
“Faster! Faster!” muli ay narinig niyang sambit ng babae.
Nagdadalawang-isip siya kung muling lalapit sa pader na bukod tanging namamagitan sa kuwarto niya at ng lalaking nagmamay-ari naman ng kabilang kuwarto. Madalas niyang mapansin na marami itong dinadalang babae sa kuwarto nito, minsan ay bata at mas madalas ay matanda. Hindi niya alam kung ano talaga ang trabaho ng lalaking ito dahil bagong salta lang ito roon sa boarding house nila. Ilang gabi na siyang hindi nakatutulog nang maayos dahil sa madalas na naririnig na mga pagdaing ng mga babaeng naikakama nito. Kaya’t ang utak niya na natuyo na yata sa kakakape ay biglang nakaisip ng kalokohan.
Dahil ’di naman masiyadong makapal ang pader na flywood sa pagitan nila ay naisipan niya itong butasan gamit ang kanyang maliit na kutsilyo. Maliit lang naman, kasing liit lang ng butas ng kanyang panty. S’yempre siya ang gumawa, eh ’di dapat gawan niya rin ng paraan upang hindi mahalata ni neighbor na namboboso na pala siya. Tinakpan niya ito ng kanyang picture frame na nakasabit sa dingding. At kapag oras na ng bakbakan sa kabilang kuwarto ay iaangat niya lang ito, at ‘yon na, kita niya na ang sabong.
“Isa, dalawa, tatlo . . . go,” mahina niyang sambit bago dahan-dahang lumapit sa may butas. Maingat niyang iniangat ang nakasabit na litrato doon at mabagal pa sa pagong na inilapit ang mga dilat na mata sa butas.
“Pak! Huli ka balbon!” mahina niyang bulong. Kitang-kita ni Vanessa kung paano paligayahin ni mister neighbor ang babae. “Wait! She look’s familiar to me,” sambit niya sa sarili.
Ang tinutukoy niya ay ang kaniig ng guwapo niyang kapitbahay. Ito ay si Madam Victory o mas kilala sa tawag na “Madam V”. Kilalang-kilala niya ito dahil sa mga magagandang gawain nito sa lugar nila. Nagmamay-ari din ito ng mga lugawan doon na libre lang sa mahihirap.
“Oh my God!” tutop ang bibig niyang sambit.
Nagulat siya dahil hindi niya naman akalaing mahilig pala ito sa mga lalaki. Ang buong akala niya ay kagalang-galang ito, dahil nga tinitingala ito ng karamihan dahil sa yaman nito. Kilala rin ito bilang isang matulungin sa kapwa. Ilang beses na ba itong nasa news dahil sa kabutihan.
Ang bilugang mga mata ay mas lalo niya pang nilakihan, lalo na nang makita ang ginagawa nito sa guwapong neighbor niya. Napapikit siya saglit ngunit agad ring dumilat, namumula ang mukha niya, parang bigla siyang nahiya sa paninilip niyang iyon.
Ilang minuto rin siyang naging CCTV at nakadama ng inggit kay Madam V. Buti pa ito ay natikman ang mala-Adonis na katawan ng kanyang guwapong neighbor. Siya nga na matagal nang nagpapantasya rito ay hindi niya man lang ito nahawakan. Sino ba naman kasing hindi mahuhulog dito? Macho, guwapo, at matangkad.
Ngunit bigla siyang napangiwi nang maalala ang mga pinaggagawa nito. Walang pinipiling babae, pati matanda ay pinapatulan. Malakas siyang napabuntonghininga at muling tinungo ang kama.
Sinulyapan niya ang kanyang wall clock. Alas-tres na ng madaling araw. Sigurado siyang tatanghaliin na naman siya nito at male-late na naman sa trabaho. Malapit na siyang buminggo kay Mister Tingga. Baka sa susunod na araw ay masisante na siya.
Pinilit niya na lang makatulog kahit na may tila baka pang umaatungal sa kabilang kuwarto. Kahit pa magtakip siya ng unan sa dalawang tainga ay maririnig niya pa rin ang atungal ni Madam V. Sarap na sarap ito sa masahe ni neighbor.
Kung bakit kasi pinahiram niya pa kay Agot ang kanyang headphone na hanggang ngayon ay ‘di pa rin isinasauli ng bruha niyang kaibigan.
Kaya kinaumagahan ay dinaig pa ni Vanessa ang walang tulugan sa laki ng eyebags.
“Pahingi!” kantiyaw ni Agot kay Vanessa pagdating niya sa trabaho. Saktong ala-siete at kasisimula lang ng mga ito sa pagbubukas ng tindahan.
“Ng ano?” kunot ang noong tanong niya habang hinuhubad ang suot na blazer.
“Eyebags.” Abot hanggang EDSA ang ngiti ng kanyang kaibigan. “Ano ang nangyari? Mukhang buong magdamag kang hindi nakatulog, ah,” muli nitong tanong sa kanya.
“May malaking tiktik kasing dumapo sa bubong ko kagabi, mas’yadong maingay ang kalabog nila kaya hindi ako nakatulog,” nakasimangot niyang tugon.
“Nila? Mukhang maraming tiktik ‘yan, ah,” mukhang hindi kumbinsidong sabi nito.
“Dalawa kasi sila.” Nagpatiuna na siyang pumasok ng tindahan dahil alam niyang hindi siya titigilan katatanong ni Agot. Daig pa nito ang mga chismosang tambay sa kanto kung mag-usisa.
Ngunit hindi nakayanan ni Vanessa ang antok kaya’t nakatulog pa rin siya sa kanyang puwesto. Buti na lang at wala si Mister Tingga dahil may biglaang meeting na pinuntahan.
“May kita ka naman siguro d’yan, ano?” nakakalokong tanong ni Agot sa kanya nang siya’y magising. “Aba’y baka naman malugi ang negosyo ni Mister Tingga dahil sa tinulugan mo ang mga paninda niya.”
“Hindi naman mabili ngayon kaya okay lang na makatulugan ko,” naiinis niyang saad. Kung hindi niya lang matalik na kaibigan si Agot ay baka nabulyawan niya na ito sa sobrang pakialamera.
“Ganoon ba? Sana lahat malakas ang loob na matulog kapag wala ang amo.”
Natawa na lang si Vanessa sa sinabi nito. Kung sa bagay, die-hard talaga ito pagdating sa trabaho. Marami kasi itong binubuhay na pamilya kaya nga kahit sobrang taklesa nito ay nakakasundo niya, dahil sa isang bahagi nito ay may mabuti itong puso at magkapareho sila ng hinanaing sa buhay.
She was seventeen years old nang magsimulang maghanapbuhay. Dahil sa kahirapan ay napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang makapagtrabaho at makatulong sa nanay niya sa gastusin. Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay kaya kailangan niyang magsakripisyo upang makapag-aral ang dalawa pa niyang kapatid. Siya na ang naging breadwinner ng pamilya nila. Nang matapos ang isa niyang kapatid sa pag-aaral ay huminto siya sa pagiging kasambahay at namasukan naman bilang saleslady ng mga appliances. At heto nga’t ilang taon na siya rito sa pinagtatrabahuan niya.
“Oh, ano? Wala na akong utang sa ‘yo ‘wag mo akong titigan ng ganyan,” nakairap na wika ni Agot sa kanya nang mapako rito ang mga mata.
“Gaga! Huwag mo akong aawayin, ililibre kita ng kape,” nakangiting tugon niya rito.
“Kape na naman? Naku, ‘wag na! Makarinig lang ako ng kaunting kaluskos ay kumakabog kaagad ang dibdib ko, baka bukas pati tunog ng utot ko ay ikamatay ko na dahil sa nerbiyos,” reklamo nito.
“Ayaw mo yata. Sige, ‘wag na lang,” bawi niya.
“Ito naman, ‘di mabiro. Sige, mamaya, ha.” Natawa na lang si Vanessa sa mga sinabi ng kaibigan, alam niya naman kasi na adik rin ito sa kape kaya sigurado siyang hindi ito tatanggi.
Nagpaalam siya sandali kay Agot at nagtungo sa rest room at doon ay sinipat ang sarili sa malaking salamin sa laboratory. Talagang ‘di maitago ang pangangalo ng mga mata niya. Mas’yado itong halata. Kinuha niya ang foundation at nilagyan ito, ngunit may bakas pa rin na makikita.
Napabuntonghininga na lang siya nang malalim. “Kasalanan talaga ito ng neighbor kong babaero at ni Madam V,” kausap niya sa sarili habang nagdadabog na lumabas ng banyo at bumalik sa puwesto.