When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
"Itaaay!" Saway pa rin ni Giezl sa ama. "Renato, tama na muna iyan. Hijo, pagpasensiyahan mo na muna ang asawa ko. Medyo tumatanda na kasi." Awat ng ina na noon ay nasa tabi na pala. "Halina muna kayo at nahanda na ni Alaiza ang pagkain." Dagdag pa ng ina. Tumayo na ang ama at lumapit na si Giezl kay Zacky. "Sorry ha. Makulit lang talaga ang itay." Ani ni Giezl. "Okay lang naman. Naiintindihan ko ang itay mo. Natural na protektahan ka niya." Wika naman ni Zach. Ngumiti na lamang si Giezl. "Tara.." aya sa lalaki. Agad na inaya ito sa mesa. "Kain ka lang hijo, huwag kang mahihiya." Saad ng ina ni Giezl. Napangiti siya sa ginang. Nakitang napatingin ang kapatid ni Giezl sa kaniya. Ngumiti siya rito. "Sige lang hijo, huwag kang mahiya. Siya nga pala, nagluto ng inay mo ng bicol express