TUWANG-TUWA SI Giezl kahit papaano ay sahuran na nila. Maibabalik na rin niya ang limang daan kay Zacky. Alam niyang ito ang naglagay noon sa bag niya. Dalawang araw din halos hindi masyado nagpapahalata rito dahil nahihiya siya rito. Atleast kapag binalik ngayon, aarte na lamang siyang ngayon niya lang nakita ang limang daan sa loob ng bag niya. "Oh yes! Yes na yes girl, bakla, tomboy. Saan tayo ngayon. Don't tell me di ka na naman sasama Giezl. Kasasahod lang natin." Saad ni Reyn sa kaniya. Napatawa siya. "Saan ka na naman ba magyayaya bakz. Hindi ko carry sa mamahaling resto." Wika rito. "Beside kailangan kong umuwi agad ngayon dahil baka di pa kumakain ang mga.....alam niyo na." Aniya. "Hay grabe girl, pasan mo ang daigdig." Saad naman ni Felize. "Oo nga eh, mula kasi nang mawalan