Chapter 48 - Friends

1484 Words

NAGISING si Zhamara nang maramdaman niyang tumunog ang tiyan niya. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya at bumungad sa kanya ang mukha ni Marcus na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Napatingin siya sa labas nang bintana at maliwanag na. Anong oras na kaya? Inikot niya ang paningin sa loob ng silid at nang makita niya ang wall clock ay mag-aala sais na ng umaga. Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang marinig na tumunog ang tiyan niya. Hindi na nga pala sila kumain ng hapunan dahil sa pagod at antok na naramdaman nila. Pero ngayon, mukhang hindi na niya kayang tiisin ang gutom. Dahan-dahan niyang inalis ang braso ni Marcus na nakapatong sa tiyan niya. Nang maalis niya ito ay walang ingay siyang umalis sa kama. Napangiwi pa siya nang maglakad siya papunta sa banyo dahil na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD