MALAKAS na nagbuntong-hininga si Zhamara at saka pinunasan ng maayos ang luha sa pisngi niya. Nang makitang maayos na ang mukha at buhok niya ay lumabas na siya ng public restroom. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa niya at tinignan kung ano ang mga kailangan niyang bilhin. Pumasok siya sa loob ng palengke at saka sinimulang bilhin ang mga kakailanganin niya para sa birthday bukas ni Nanay Rita. Magluluto siya ng pagkain na pagsasaluhan nila kasama ng mga magsasaka bukas. Ilang minuto ang lumipas ay isang bag na ng eco bag ang dala-dala niya. Puno na ito ng mga pinamili niya pero may madami pa siyang bibilhin. "Sana pala di ko na sinama si Nikko dito. Dinala ko na lang sana ang kotse ko," mahinang bulong niya sa sarili. Nahihirapan na kasi siyang dalhin ang isang bag na puno n