NAPASABUNOT ng sariling buhok si Zhamara habang sinusuklay niya ito. Kakatapos niya lang maligo at kailangan niyang magmadali dahil kailangan pa niyang sagutin ang tumatawag sa kanya sa telepono. Pero distracted siya dahil sa nangyari kanina sa loob ng banyo. She let Marcus kiss her a lot of times, and the craziest part about it is that she somehow liked the kiss. Marcus stole a lot of kisses from her, but she never felt any hatred or disgust. Sa halip na magalit rito ay nakaramdam pa siya ng kilig na ngayon lang niya nararamdaman. She even agreed to let him court her. Naiinis niyang tinitigan ang sarili sa salamin. Ayos ka lang ba, Mara!? Anong pumasok sa utak mo at sumang-ayon ka kay Marcus?! Hindi ka ba nag-iisip, Mara?! Liligawan ka raw niya! Malakas siyang nagbuntong-hininga at s