Chapter 12 - Fist

1495 Words

NAGTATAKANG sinundan ng tingin ni Marcus ang lalaking biglang dumating. Nakangiti itong lumapit sa kanilang tatlo ni Zhamara at Nanay Rita pero nang mapatingin ito kay Zhamara ay biglang nagbago ang emosyon sa mukha nito. Parang biglang galit at naiinis. "Anong nangyari sa'yo, Mara? Bakit basang-basa ka?" takang tanong nito habang hinahagod ng tingin ang buong katawan ni Zhamara. "Nabasa lang ng tubig. Ayos lang ako," mabilis nitong sagot sa lalaki. "Halika. Magbihis ka na. Baka magkalagnat ka pa sa lagay na 'yan," nag-aalala nitong sabi pero parang galit ang tono ng boses nito. Hinawakan nito ang kamay ni Zhamara ay saka hinila ito papunta sa loob ng bahay. Nakita niyang lumingon si Zhamara kay Nanay Rita at halatang hindi ito komportable habang hinahawakan ang kamay nito. Wala si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD