MARGARETH Napangiti ako ng bumungad sa mga mata ko ang wolf ni Marco. "Kennedy…” Mahinang usal ko. Tumungo siya at ibinaba ang ulo, malapit sa balikat ko at tila ba inaamoy niya ako. Marahang itinaas ko ang aking kanang kamay at nagsimula akong haplusin siya sa ulo ng dahan-dahan, pababa sa leeg. Nakita ko ang pagpikit ng mga mata ng wolf ni Marco at marahang ungol, habang hinahaplos siya. Mukhang nagustuhan niya ang ginagawa ko, kaya hindi ako tumigil. Napakalambot at napakakintab ng kanyang balahibo. Masarap haplusin at natutuwa akong hawakan si Kennedy kahit napakalaking niya. "Nice to meet you, Kennedy," marahang bulong ko, malapit sa kanyang tenga. Bahagyang gumalaw ang kanyang ulo at tila ba gustong magsumiksik ng mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko para amuyin ako. Ang