MARGARETH
"Pssst, pssst!" Mabilis na napabalikwas ako at bumangon ng makarinig ako ng pagtawag. Tiningnan ko ang orasan sa kamay ko alas-dos na ng madaling araw.
"Psst!" Nasundan pa ito, kaya naging mas alerto ako.
Nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng itim, mula ulo hanggang paa. Itinulak nito ang naka-plastic na tinapay at naka-pack na juice.
"Bilisan mo bago pa ako mahuli," sabi nito.
Dahil gutom na gutom talaga ako at kailangan ng lakas ay mabilis ko itong inabot at kinain. Kung may lason siguro ito ay baka mamatay agad ako, pero okay na ang ganito, kesa mamatay ako sa gutom.
Habang mabilis akong kumakain mahina itong nagsalita. "Kailangan mong makatakas agad dito," mahinang sabi ng lalaking lumapit sa akin, sabay abot sa akin ng stainless pin na p'wede kong magamit na pang bukas sa kahit anong lock.
Alam ko ang pin na ito, gamit namin itong mga agent. Yung sa akin, nakuha nila kanina ng mag-body search ang grupo ni Gustavo. Kinuha ang suot kong sapatos na pinahubad si Allan. Hindi man nila nakita ng actual, pero nakasiksik naman iyon sa secret hole ng boots ko.
"Papatayin ka nila mamaya, pagsapit ng umaga. Magsisimula ako ng apoy pag-labas ko. After twenty minutes, tatakas tayo kapag nagsimula na ang sunog. Hindi mo ako kailangang hanapin o hintayin. Tumakas ka agad para sa safety ng bawat isa sa sa atin. Kung kinakailangang maghiwalay tayo ng daan gawin natin. Ang order ay mai-takas kita rito sa kahit anumang paraan at kahit ano pa ang mangyari," mahabang paliwanag ng lalaking kausap ko.
"Thank you, code?" tanong ko.
"Black Panther," maikli lang na sagot nito saka nawala sa paningin ko.
Sabi ko na nga ba at darating ang rescue ko. Ito ang nag-iisang confirmation code na ibinigay ng superior ko na gagamitin ng kahit sinong darating for my rescue when it comes to worse time of my cover. Only my superior and I know this secret code. Masaya ako na dumating ang tulong para makalabas ako at makaalis dito.
Dahan-dahan akong gumapang palapit sa pintuan ng selda. Kinapa at inaabot ko ang padlock at maingat na ipinasok ang stainless pin sa lock sa labas. Isang mabilis na ikot ng kamay ang ginawa ko at walang hirap na bumukas ito.
Bingo! Makakalabas na ako.
Bigla ay nagkagulo na at kasabay ng sigawan sa labas ay naamoy ko ang amoy gasolina at saglit pa ay nababalot na ng usok ang paligid.
"Now it's show time," bulong ko sa sarili.
Sa tagal ko nang nagmamasid sa grupo ni Gustavo ay kabisado ko na ang bawat pasikot-sikot ng buong kuta ng grupo. Mabilis kong hinanap ang exit point at palihim na lumabas sa backdoor.
Dahil na rin sa malakas na apoy, naglabasan ang mga kasapi ng grupo at nagtakbuhan. Kanya-kanyang kuha ng tubig para maapula ang apoy. Ginamit ko ang pagkakataon at humalo sa karamihan at patalilis akong pumunta sa masukal na gubat.
Madilim at tanging liwanag ng buwan lamang ang tanglaw sa loob ng masukal at mabatong kakahuyan. Sanay na ako sa ganitong sitwasyon, may combat training ako noong nasa PMA pa ako, kaya wala akong nararamdamang takot na pasukin ang kagubatan.
Fully trained kami sa gubat at may mga survival knowledge at skills ako na applicable sa ganitong pagkakataon. Wala akong kahit anong armas, delikado ang lugar, lalo na at pugad ito ng mga terorista. Tanging sariling kakayahan ko lang ang panangga ko sa kahit anong panganib na paparating, pero no matter what happens, makalabas man ako o hindi, mamamatay akong lumalaban.
Lakad-takbo ang ginawa ko, kailangan kong makababa ng bundok. Hindi ko na alintanang naka-paa at tumatama ang talampakan sa matutulis na bagay na natapakan ko. Balewala ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa posibleng sapitin ko, once na mahuli ako.
Mga tatlumpung minuto ang lumipas ng nakarinig ako ng magkakasunod na putok. May hinala na akong posibleng nasundan nila ako at hinahabol na ako ng grupo ni Gustavo.
Kailangan kong makatakas at makalayo sa lugar na ito. Kaya imbis na iyong daan papunta sa ibaba ng bundok dapat ang lalandasin ko ay pinili ko ang pakanan. Dahil kung alam na nila na tumakas ako ay sa daan pababa ng bundok ang dadaanan ko. Siguradong may naghihintay sa akin doon. Kaya hindi ko pwedeng i-compromised ang sarili ko. Hindi nila ako pwedeng mahuli at talagang papatayin nila ako.
Labinlimang minuto pa ang lumipas, tanging pagtakbo lang ang ginawa ko. Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig at hinanap ko ito. Kailangan kong makainom ng tubig, sobrang uhaw at pagod ko na rin sa pagtakas. Nanuyo na rin ang lalamunan ko at naghahabol ng hininga. Siguro sa sandaling pagtigil ko ay makakapag-pahinga ako kahit kaunti lalo na at nakainom ako ng tubig.
Mabilis akong lumuhod at gamit ang mga kamay ko ay uminom ng tubig sa batis. Kay ganda ng liwanag ng buwan ngayon, lalo na at full moon pala.
Luminga ako sa taas ng bundok na pinanggalingan ko at nakita kong may mga ilaw na papalapit sa pinagtataguan ko. Mukhang alam na nila ang daang tinatahak ko. Posible kayang may tracking device silang nakakabit sa katawan ko ng hindi ko nalalaman?
How at kailan nangyari 'yon?
Tumakbo ulit ako dahil pakiramdam ko ay malapit lang sila. Hindi pa ako masyadong nakakalayo ng may lalaking sumugod sa akin mula sa kaliwa ko. Tinulak niya ako, dahilan para mawalan ako ng balanse at bumagsak ang katawan ko sa damuhan.
Mabilis ang naging reflex ko at na tuhod ko siya sa pagkalalakì. Namilipit ito sa sakit na gumulong sapo ang nasaktang ari. Mabilis akong tumayo at binigyan ko ng pinakamalakas na suntok sa sikmura at isang palo sa batok na ikinabagsak ng lalaki at nawalan ng malay sa harap ko.
Walang pagdadalawang-isip na kinuha ko ang baril ng lalaking nakalaban ko at saka mabilis na tumakbo.
"Margareth! Margareth!" Narinig kong malakas na sigaw ni Allan.
Kung gano'n, grupo nga ng demonsyong na ito ang sumusunod sa akin.
"Tsk, tsk, tsk! Sabi ko na nga ba at tatakas ka. Mabuti na lang at advance ako mag-isip, kaya kahit saan ka magpunta ay mahahanap at matatagpuan pa rin kita!" mapang-uyam na sigaw ni Allan malapit sa kinaroroonan ko.
Hindi ako sumagot at nakikiramdam sa paligid. Limang magkakasunod na putok ang pinakawalan ng mga kalaban ko, aiming my direction, pero hindi tumama sa akin, dahil naka-kubli ako sa malapad na bato.
Alam kong nasukol na nila ako sa pagkakataong ito, pero hindi ako pwedeng sumuko. Hawak ko ang caliber forty-five na naagaw ko kanina, tanging ito lang ang proteksyon ko sa ngayon, kaya hinawakan ko ng mahigpit habang naka-pikit saglit.
Tatlong putok pa ang umalingawngaw at tumama sa direksyon ko, kaya alam kong hindi nagbibiro ang kalaban ko at talagang papatayìn ako.
"Labas!" galit na sigaw ni Allan.
Hindi ako kumilos at gumawa ng kahit anong ingay. Hinintay ang susunod na galaw ng grupong humabol sa akin.
"Bang!"
Malakas na putok ng baril mula sa likuran ko. Bago pa ako makalingon namanhid na ang kanang binti ko, habang umaagos ang mainit at malapot na dugo.
Kagat-labi kong tiniis ang sakit at tumayo ng tuwid. Namalayan ko nalang na napapalibutan na nila ako. Sa bilang ko, mukhang lagpas sampu ang mga armadong kalalakihang kasama ni Allan.
"Ano, Margareth, sabi ko naman sa 'yo 'di ba? Save your energy and count your remaining hours," nakangising sabi nito sa akin.
"Napagod ka pa tuloy, at pinagod mo pa kami. Kung sana sa kama mo kami pinagod ay nasiyahan pa tayo pareho," ngising demonyo sabi ni Allan.
"Mag-kamatayan na tayo dito, hinding-hindi mo mahahawakan ni dulo ng mga daliri ko!" gigil na sigaw ko, habang itinutok ang hawak na baril ko sa ulo ni Allan.
Pinagtawanan ako ng mga kaharap ko, habang nagtangkang lumapit sa akin si Allan. Isang hakbang palang nito ng iputok ko sa gitna ng hita niya ang baril na hawak ko.
Napamura dulot ng labis na sakit si Allan at namimilipit na hawak ang binaril kong pagkalalakì niya.
"Tingnan natin kung magagamit mo pa 'yan!" gigil na hiyaw ko.
Noon ko pa gustong gawin ang bagay na ito, mga panahong nakikita ko siyang sapilitang ginagalaw ang mga babae, bago ibenta sa black market.
"Hayop kang babae ka, papatayin talaga kita!" nanlilisik ang mga matang sigaw ni Allan sa akin.
Sa masukal na gubat, sa ilalim ng bilog na buwan, heto ako nakatutok sa akin ang sampung baril na anumang oras ay kikitil sa buhay ko.
"Kunin n'yo ang babaeng 'yan! Kapag nanlaban, barilin ninyo!" Malakas na utos ni Allan sa mga kasamang tauhan, habang nakangiwi at duguan.
"Ibaba mo ang baril mo!" utos ng isang malaking lalaki sa akin na ngayon ko lang unang nakita.
Tiningnan ko lang ito, pero hindi gumalaw.
Isa pang putok ang tumama sa balikat ko mula ito kay Allan, habang matalim ang mga matang nakatingin sa akin na puno ng galit.
"It's payback time, bìtch," mapang-uyam na sabi ng kaharap ko, habang nakatutok sa akin ang hawak na baril, sabay kalabit sa gatilyo na tumama naman sa isang hita ko.
Alam ko na ang plano ni Allan na papatayin ako pa-unti-unti, dahil puro hindi fatal ang tama ko. Talagang pinapahirapan ako ng demonyong ito.
Full force at sunod-sunod na kinalabit ng daliri ko ang gatilyo ng baril na hawak ko at lima sa kaharap ko ang natumba sa likuran ni Allan.
Puro ulo ang tinarget ko, para siguradong dead on the spot ang mga ito, bagay na ikinagulat ng mga armadong kalaban ko.
Sa bilis ng kamay ko, hindi inaasahan ng mga ito ang naging galaw ko, nagpaka-play safe sila, dahil marami sila at nag iisa lang ako at babae pa. Maaaring mahina ang tingin ng mga kalaban ko sa akin at 'yan ang kanilang malaking pagkakamali, dahil lima sa kanila ang paniguradong kasama ko sa impyerno oras na tuluyan ako ng mga ito.
"Fùck, bìtch!" binaril ulit ako ni Allan at tumama sa tiyan ko. Napa-ubo ako ng dugo at pikit-matang tumayo ng tuwid. Gaganti pa sana ako ng putok ng wala ng lumabas na bala.
"Ano, Margareth, wala ka na bang bala? Just give up and accept defeat!" sigaw ni Allan sa akin.
"No way!" ganting bulyaw ko.
"The worst you can do is kill me!" matapang kong sagot at pilit tumatayo ng tuwid.
Hindi ako p'wedeng sumuko, bawat minuto ay mahalaga. Maaaring ilang sandali na lang ang meron ako, pero ang ilang minutong iyon ay pwedeng magsalba ng buhay ko.
"As you wish bìtch," hirap na sabi ni Allan. Kasunod nito ang dalawang putok ng baril na tumama sa katawan ko.
Nanghihina man, ubod lakas kong ibinato sa mukha nito ang baril na hawak ko at tumama sa mismong mata ni Allan.
Napangiti ako sa ginawa ko.
"S-serve you r-right m-motherfucker."
My last words, bago tuluyang nagdilim ang paningin ko at bumagsak sa lupa ang katawan ko.