MARGARETH Naging maayos naman ang lahat kinabukasan. Maalaga pa rin si Marco. Nasa akin lagi ang atensyon niya at laging pinaparamdam niya na ako ang kanyang priority sa lahat ng bagay. Maging ang mga magulang at kapatid ni Marco ay natuwa at nagpasalamat sa akin na tinanggap ko ang pagiging mate niya. "Margareth, gusto mo bang lumabas ng packland?" tanong ni Kim sa akin. Siya ang bunsong kapatid ni Marco. Sweet ang babaeng ito at napakaganda rin. Ngumiti siya sa akin, habang kaharap kong nakaupo sa hapag-kainan. "Going where?" maikling tanong ko. Wala naman kasi akong pwedeng puntahan at kung maaari ay mas gusto kong manatili dito sa bahay. Mas ligtas ako dito at higit sa lahat ay walang mga matang maaaring makakilala sa akin. "Sa city, mag-shopping tayo," masayang sagot ni Kim s