MARGARETH Nakatapos akong kumain na panay ang lagay ng kung anu-ano ni Marco sa kaharap na pinggan ko ng pagkain. Kung siguro ay hindi ko ito pinandilatan, baka hindi ako nito tinigilan. Napaka-attentive niya na akala mo ay wala akong sariling kamay. Ang nakakainis lang ay hinayaan ko ito kahit pa gusto kong magreklamo. Masyado kasing maraming tao at ayaw ko naman na mapahiya sa harap nila, kaya wala akong magawa kung 'di pagbigyan at hayaan si Marco kahit na alanganin ako sa kinikilos niya. I'm not fan of a sweet guy, ako lang yata ang babaeng hindi man lang kinikilig pagdating sa ganyang bagay. Kaya siguro hanggang sa ngayon ay dalaga pa ako at hindi nagkaka-interest sa lalaki, maliban kay Marco na masyadong pa-sweet ang drama nito. Mukhang pinaninindigan talaga niya ang sinasabing