Margareth POV Naging masaya ang naganap na luna ceremony kahapon. Ito ang unang araw na haharap ako bilang official na luna ng pack land. Kinakabahan man ay panatag ako dahil nasa tabi ko si Marco. "Breakfast is ready love," sabi ni Marco ng pumasok itong may dalang tray ng pagkain. Napangiti ako ng lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo. Napakaswerte ko talaga sa isang ito. Aside sa sobrang maalaga ay napaka-sweet pa. Palagi akong ini-spoiled kahit sa maliit na bagay. "Thank you," sabi ko saka yumakap sa katawan nito na ginantihan naman ng mas mahigpit na yakap. "Go and freshen up," bulong nito saka ako binitawan. Pumasok ako ng banyo at ginawa ang usual routine ko tuwing umaga. Ilang araw na rin akong walang matinong ehersisyo kaya masakit na din ang katawan ko. Nabuo tuloy