"How about Bless?" Bulalas ni Alfred nang marinig nitong sumang-ayon ang ama sa naging kahilingan ni Fin. Malugod namang nagpasalamat ang dalaga sa malaking pabor na natanggap nito mula sa magiging father-in-law. Sa isang iglap ay parang naging maalinsangan ang hangin sa loob ng silid. Unti-unting bumalot dito ang maitim na aruang nagmumula kay Alfred. "Why Alfred? May mali ba?" Mabilis na tanong ng ama nito. Napatayo si Alfred sa kanyang kinauupuan dahil sa disappointment na nararamdaman. "Yes, Dad. She's the CFO of Raven's at pinaghihirapan niyang ayusin ang finances ng kumpanya ngayon," madiing paliwanag nito sa kanyang ama. Tila naglaho naman ang mga mata ng ginoo nang ngumiti ito kay Alfred. Masaya nitong tinitigan ang anak. "It's okay son. She can be the Assistant Director of Af