CHAPTER FORTY-SIX

1790 Words

KANINA pa kinakabahan si Aria dahil hindi pa rin tumatawag si Camillo. Hindi rin sila natuloy sa lunch dahil sa nangyari. Ang nakakainis niya ay kinampihan pa nito ang babaeng yun... Para silang aso na tinaboy ni Camillo kanina. "Nagtext na ba?" kabadong tanong ni Richel sa kanya. Kanina pa ito hindi mapakali sa takot kay Camillo. "Siya naman kasi ang nauna. Humingi naman ako ng sorry, pero minura-mura niya na ako. Pati ang pagkatao ko na hindi dapat niya pakialaman ay dinamay niya. Alangan naman na manahimik ako, Aria," mangiyak-ngiyak nitong paliwanag sa kanya. "Naniniwala ako sayo. Ako rin naman ay hindi ko gusto ang ugali ng babaeng yun. Gandang-ganda sa sarili," sagot niya kay Richel. "Paano kapag nagalit si Don sa akin? Tulungan mo ako Aria." "Oo naman. Hindi kita pababayaan," sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD