CHAPTER SIXTY-THREE

2154 Words

NAPAPAILING na lamang si Richard sa mga nangyari. Malas lang ng taong nagtangkang pumatay kay Camillo dahil buhay pa rin ito. Alam niya naman na matinik at mautak si Camillo kaya alam niyang makakalusot ito. May sa pusa yata ang kanyang pamangkin. Pina-raid niya na nga ito ay nakalusot pa rin. Ganun ito katindi. “Malas lang nila dahil hindi sila nagtagumpay,” natatawa niyang wika kay Migs. “Bakit parang natutuwa pa kayo sa nangyari?” tanong sa kanya ni Migs na nakatitig sa kanya. Nasa hotel sila ng mga oras na yun. Hinatid niya lang si Agnes sa bahay niya at bumalik siya kaagad sa hotel. “Bakit naman ako matutuwa? Natatawa lang ako sa taong nagtangka sa buhay ng pinsan mo. Kung hindi ba naman gago at kalahati bakit siya susugod sa lugar natin?” wika niya pa upang ikubli ang pagkadismaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD