CHAPTER TWO

2080 Words
HINDI MAPIGILANG hindi mataranta ni Aria sa narinig mula sa kanyang amain. May mga kainuman ito sa labas ng kanilang bahay. Stepfather niya lamang ang Papa Luis niya. Hindi naman sinabi ng kanyang inang si Lourdes kung sino ang tunay niyang ama. Magpasalamat na lang daw siya dahil tinanggap siya ng bago nitong asawa. “Oo nga naman Luis… Bakit hindi mo pagkakitaan si Aria. Maganda naman yang anak-anakan mo at natitiyak ko sayong marami magkakandarapa sa kanya sa club. Isa pa siguro ako na matutuwa si Don,” wika pa ng kainuman nito kaya kinilabutan siya. Third year college na siya sa kursong Bachelor of Business Administration. Seventeen years old. Scholar siya sa eskwelahan na kanyang pinapasukan at nagtratrabaho bilang cashier sa isang fastfood chain. Kung ang mga magulang niya lang ang aasahan ay hindi siya pag-aaralin ng mga ito lalo pa at may dalawa siyang kapatid na parehong nag-aaral sa pribadong mga eskwelahan. Ibang-iba ang turing ng mga ito sa dalawa niyang kapatid. Pakiramdam niya nga kung minsan ay mag-isa lang siya. Walang makapitan at makausap. “Kaysa naman maunahan ka pa ng mga manliligaw niya. Ngayon pa lang ay pagkakitaan mo na. Pambayad utang mo rin yan kay Don,” wika pa ng kausap nitong lasing na lasing na. “Iyan naman talaga ang plano ko para naman makatulong siya sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Palamunin lang naman siya rito sa bahay,” sabat naman ni Papa Luis. Mabilis siyang tumakbo sa kanyang silid. Takot na takot siya. Hindi niya malaman ang gagawin. Ilang sandali pa ay sunod-sunod na pagkatok ang kanyang narinig na kulang na lang ay gibain ang kanyang pinto. Alam niyang ang Papa Luis niya iyon. Hindi niya ito pinagbuksan kaya sinipa nito ang kanyang pinto. Narinig niyang kausap na nito ang ina. “Ano na naman ba yan?” bulalas ng ina niya. “Itong anak mo kasi ayaw akong pagbuksan!” sigaw ng amain. “Bakit na naman ba? Aria!” sigaw ng ina. “Open the door!” sigaw ng ina. Ang luha niya ay patuloy sa pagbagsak. “Alam ko na kung paano natin mababayaran ang lahat ng pagkakautang natin Lourdes,” wika pa ng amain niya. “Paano?” “Ibebenta ko si Aria sa club kapalit ng malaking halaga,” wika pa ng amain niya sa ina. Hindi niya narinig ang sagot ng ina pero hindi naman siya umaasa na tututol ito. Isa pa, alam niya parehong lubog sa sugal ang mga ito. Kahit na hindi niya nakikita ang mga ito ay sunod-sunod ang kanyang pag-iling. Ilang sandali pa ay nabuksan ang kanyang kwarto. Mabilis nitong isinara ang pinto upang walang makarinig sa kanila. Perpektong magulang pa rin kasi ang ipinapakita nito sa dalawang anak. Nilapitan siya ng Papa Luis niya at mabilis na hinablot ang mahaba niyang buhok. “Ano ba ang problema mo at ayaw mong buksan ang pinto?” tanong nitong nagliliyab ang mga mata. Nakasunod dito ang ina niya pero wala lang rito ang lahat. “Pa, maawa po kayo. Ayoko ko po,” umiiyak niyang pagmamakaawa. “Maawa po kayo… Kapag nakapagtapos naman ako ay makakahanap ako ng magandang trabaho at matutulungan ko kayo. Huwag lang sa ganitong paraan. “Ma!” pagmamakaawa niya sa ina pero hinayaan lang nito ang asawa. “Lourdes, iligpit mo ang mga gamit ni Aria.” Ang pagluha ni Aria ay ganoon na lamang. Kahit anong pagmamakaawa niya ay walang nangyari. Nagmistulang mga bingi ang akala niya ay pamilya ang turing sa kanya. "Malaki ka na, Aria at kailangan mo ng tumulong sa mga kapatid mo." "Pero Ma, hindi sa ganitong paraan. Hindi ako maruming babae," palahaw niya. "Marurumihan ka rin naman pero bago mangyari yun dapat na pakinabangan muna kita," nakangising wika ng amain sa kanya. Wala itong puso. Noon pa naman ay pagmamaltrato na ang ibinibigay nito. Oo at ibinigay nito sa kanya ang apelyedo nito pero ano ang kapalit? Ang maging punching bag nito kapag natatalo sa sugal. Kinaladkad siya ng ama patungo sa sasakyan nila samantalang ang kanyang ina ay hinatid lamang sila ng tingin na akala mo ay walang nangyari. Sa tingin niya alas diyes na iyon ng gabi. Madilim na ang buong paligid at wala nang gaanong traffic. Dinala siya ng ama sa isang malaking building. Akala mo ay hotel iyon. May mga security guard sa loob ng building at mahigpit ang mga ito sa pagpapapasok. May ipinakitang card ang kanyang ama kung kaya pinapasok sila. Mukhang VIP ang ama niya sa lugar na iyon. Hindi man lang nagtataka ang mga security guard na umiiyak siyang akay ng ama. Isinakay siya sa elevator. Napansin niyang may pinindot ng ama ang 15th floor. Iyon ang pinakahuling floor. “Pa, gusto ko ng umuwi,” pagmamakaawa niya pa sa ama. “Manahimik ka! Ayusin mo ang sarili mo.” Pagbukas ng elevator ay kaagad na sumalubong sa kanila ang hiyawan ng mga lalaki. Ang ilan ay nagpapalakpakan pa. Muling binalot ng takot ang buong pagkatao niya. Hawak siya ng ama sa braso aT muli siya nitong kinaladkad dahil ayaw niyang umalis ng elevator. Hindi niya lubos akalain na sa mistulang hotel na lugar ay night club pala. “Si Omar?” tanong ng kanyang ama sa isang security guard. “Nasa opisina,” sagot ng lalaking security guard na pinasadahan siya ng tingin. Nakakailang ang mga titig na iyon. “Si Don?” “Wala rito. Baka bukas pa ang dating non,” sagot pa ni Omar. “Sige.” Dinala siya ng ama sa opisina na tinutukoy ng security guard at nadatnan niya roon ang lalaking malaki ang katawan pero tila kagalang-galang naman naman ang itsura. "Sino yang dala mo?" tanong sa kanyang ama ng lalaking nagngangalang Omar. Nakakatakot ang boses. Ang tingin sa kanya ng lalaki ay tila ba hinuhubaran siya. Kanina niya pa iyon napapansin sa mga taong naroon sa loob ng hotel at ngayon dito sa nightclub. Nakakapaso kung tumingin ang mga ito at alam niya kung bakit... May pagnanasa ang mga lalaki na narito sa kanya. "Hindi ba naghahanap pa rin si Don ng babae? Ang magsasayaw sa club at nagbibigay aliw sa mga kliyente natin?" tanong ni Papa Luis kay Omar. "Don't do this, Pa. Maawa ka naman sa akin. Hindi ko kaya ito. Maawa ka naman," pagmamakaawa niya ulit pero bingi na ang kanyang Papa Luis. Desidido na itong ibenta siya sa kaharap. "Ilang taon na ba 'yan?" tanong ni Omar sa Papa Luis niya. Hindi man lang nito pinansin ang kanyang pagmamakaawa. "Kaano-ano mo yan?" "Anak ng asawa ko sa ibang lalaki. Seventeen years old pa lang 'yan and I assure you, Omar, virgin pa ito," nakangising sagot ni Papa Luis sa kausap. Ang pagtulo ng luha niya at tuloy-tuloy pa rin. Tinalo niya pa ang gamit na ipinagpalit ng mga taong akala niya ay pamilya. “Siguraduhin mo lang. Sige, iwan mo na yan at hintayin mo lang na ipatawag ka ni Don,” wika ni Omar sa Papa Luis niya. “Paano, Aria? Uuwi na ako? Gawin mo lang ang trabaho mo at tiyak na hindi ka naman mahihirapan,” paalam pa sa kanya nito. Punong-puno ng hinanakit ang kanyang puso pero wala siyang magawa lalo na nang umalis ang amain. “Ayoko ng babaeng iyakin!” sigaw sa kanya ni Omar kaya napasiksik siya sa upuan. “Hindi ‘yan magugustuhan ng mga kliyente at lalo na ni Don.” Hindi siya sumagot. “Anong pangalan mo?” tanong pa nito pero nagbingi-bingihan siya. “Anong pangalan mo sabi?” sigaw nito na umalingawngaw ang boses sa buong opisina nito. “A----ria,” sagot niya pigil na pigil ang paghikbi. “Ibineta ka na ng ama mo sa amin kaya sa lugar na ito kami ang batas na dapat mong sundin dahil kung hindi alam mo na ang paglalagyan mo,” wika pa sa kanya ni Omar. Hindi na siya inosente para hindi maisip kung ano ang tinutukoy nitong paglalagyan niya. Kung hindi nga lang masama ang kitilin ang sariling buhay sana noon niya pa ginawa pero may takot siya sa Diyos. Hindi niya kayang wakasan ang buhay na ibinigay nito sa kanya. “Sumunod ka sa akin!” sigaw sa kanya ni Omar kaya alumpihit siya. Kinuha niya ang kanyang mga gamit at lumabas sa opisina nito. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng lalaki. Yakap ang kanyang bag ay nanginginig na sumunod na lamang siya. Kahit pa gustuhin niyang tumukas ay mukhang malabong mangyari yun. Sa mga security guard kasi ay mukhang hindi na siya makakalabas ng buhay sa building na ito. May mga tao sa hallway na naglalakad at puro iyon ng mga babae na halos wala na yatang suot. Napapapikit na lamang siya ng kanyang mga mata. Natigilan pa siya nang mapansin na wala na si Omar. Hindi niya napansin kung sa kanan o kaliwa ba ito pumasok. Sa huli ay pinili niyang sa kanan ito sundan. Ang mga tao na nakakasalubong niya kanina ay hindi niya na nakita. Bigla siyang nakaramdam ng takot. May napansin siyang pintuan. Hindi niya alam kung kakatok ba siya o ano. Nanatili siyang nakatayo sa labas ng pintuan dahil ayaw niya naman kumatok nang biglang bumukas iyon. Isang mataas na lalaki ang nasa harapan niya, gwapo at nakaarko ang kilay. Mukhang hindi nito nagustuhan na makita siya. “Sino ka?” galit na tanong sa kanya ng lalaki. Nakaramdam siya ng takot. “Anong ginagawa mo rito?” “Tulungan mo ako… Gusto kong umuwi,” pagmamakaawa niya. Pinagmasdan siya ng lalaki. “Ibinenta ako ng Papa ko rito. I want to go home,” humihikbi niyang pag-iyak. “Alam mo bang may parusa ang taong pumupunta rito na walang pahintulot?” usig sa kanya ng lalaki kaya natigilan siya. “Hindi ko sinasadya.” “So, you’re of one the girls who will make us feel better?” tanong pa sa kanya ng lalaki. “Hindi!” tutol niya. Hinaplos ng lalaki ang kanyang mukha. Tila ba kinakabisado iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas ng t***k ng kanyang puso dahil sa ginagawa nito. Mabilis niya itong itinulak kung kaya napasandal ito sa pader. “Huwag!” sigaw niya. Napansin niya ang pagbalasik ng mukha ng kaharap. Bigla siya nitong hinila sa braso. “Woman!” sigaw sa kanyang hinigpitan ang hawak sa braso niya… Napangiwi siya sa sakit. “Damn you! Alam mo bang isang malaking parusa ang pinapataw ko sa ginawa mo? Lapastangan ka!” sigaw sa kanya ng lalaki. Ang boses nito at triple pa sa sigaw ni Omar kanina. Natulig siya sa pagsigaw nito. Ang mga mata ay nagbabaga sa galit dahil sa kanyang ginawa. Nagulat pa siya nang akmang sasakalin siya nito. “Don!” humahangos na sigaw ni Omar kaya nakahinga siya ng maluwag. Nagulat pa siya nang lumuhod ito sa harapan ng lalaki. “Patawarin mo ako kung naging pabaya ako. Hindi ko sinasadya na makarating siya rito,” takot na takot na wika ni Omar. Naguguluhan siya sa kanyang nakikita. Kanina lang ay boss kung umarte ni Omar pero ngayon biglang naging bahag ang buntot nito sa lalaking ang pangalan ay Don. Napapikit siya nang sipain si Omar ni Don. Napahiga ito sa sahig. “Pabaya ka!” sigaw pa nito kay Omar. Get out of my sight!" “Wala naman siyang kasalanan dahil ako ang may kasalanan. Hindi ko sinasadya na mapadpad dito,” sabat niya na lalong ikinagalit ng lalaking nangngangalang Don. Hinawakan nito ang pisngi niya. Ang mga daliri nito ay bumaon sa kanyang pisngi. “If nobody is talking to you, do not answer. Do you undesrtand?” sagot nitong galit na galit. Hindi niya maintindihan kung bakit sa simpleng nagawa niya ay umuusok na ito sa galit. Napahawak siya sa pisngi nang pakawalan siya ng lalaki. Akala niya ay tapos na ang parusa nito pero hinila siya nito sa buhok at kaagad na siniil ng mapusok na halik. Natulala na lamang siya sa ginawa nito. Unang halik niya iyon at sa lalaki pang magaspang ang ugali. “Ito ang tandaan mo, lahat ng mga nandito ay akin. My building, my rules! At aangkinin kita kung kailan at saan ko gusto,” wika pa sa kanya ni Don kaya natakot siya. Bahagya siya nitong itinulak bago ito umalis. Natulala na lamang siya. “Halika na,” yaya sa kanya ni Omar. Hawak nito ang sikmurang nasaktan. Bigla tuloy siyang naawa kay Omar dahil sa kanyang kasalanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD