Chapter 1

1111 Words
Chapter 1 Prologue "We are gathered here today to witness the sacred union of Ivy Manansala and Charles Gonzales. We stand here to honor and celebrate the love shared between these two people, as they come together to start their new life with a solemn vow, surrounded by their closest family and friends." Said the Officiating Priest. "Let us now hear the declarations and promises that Charles and Ivy make to each other here today." Kapwa nakatitig sina Charles at Ivy sa isa't isa, puno ng pagmamahal ang kanilang mga mata. Unang nagsalita si Charles para sa traditional wedding vows nito. "In the name of God, I, Charles Gonzales, take you, Ivy Manansala, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part. This is my solemn vow." Charles said. Sumunod na nagsalita si Ivy. "In the name of God, I, Ivy Manansala, take you, Charles Gonzales, to be my husband, I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life. I promise to stand by you forever, and I will always be there for you. This is my solemn vow." Muling nagsalita ang Officiating Priest para sa declaration of intent. "Charles, will you take Ivy to be your partner through life? Will you love her, protect her, and spend your days in laughter together forever?" "I do," Charles answered. Sunod namang nitong tinanong ay si Ivy. "I do," Ivy answered. "And now, let's proceed to the exchanging of rings." The Officiating Priest said. "Your rings symbolize the eternal commitment that you make to each other, and the never ending circle of your love. May these rings always remind you of the commitment you are making here today." Pagkatapos isuot nina Charles at Ivy ang wedding bond nila, muling nagsalita ang Officiating Priest. "By the power vested in me, I pronounce you husband and wife. You may now kiss." Mabilis na itinaas ni Charles ang veil na nakatakip sa mukha ni Ivy, saka kinintalan ng mabilis na halik sa labi. Pinamulahan naman ng mukha si Ivy na tila ba nahihiya sa mga taong nakapaligid sa kanila. "It is with great honor and delight that I present to you Mr. and Mrs. Ivy and Charles Gonzales." Announced the Officiating Priest . Nagpalakpakan ang lahat ng mga bisita at kasama sa wedding entourage ng groom and bride. Malalapad at matatamis naman ang ngiti nina Charles at Ivy. Masayang iginiya ni Charles si Ivy palabas ng simbahan pagkatapos ng picture taking. Habang ang iilan naman ay nakasunod sa kanila. Paglabas nila sa simbahan ay nakaabang na sa kanila ang mga flower girls at bridesmaid. Sinasabuyan sila ng mga rose petals. Masayang masaya ang bagong kasal. Lalo na si Charles, dahil halata sa hitsura nito ang kasiyahan at ang pagmamahal nito para kay Ivy. Hindi nito alintana ang nakataas na kilay ng ina na si Isolde. Nag-iisang anak si Charles at tagapagmana sa malaking kompanya ng mga magulang kaya ganoon na lang ang disgusto nito nang magpakasal ang anak sa edad na dalampu't apat na taon gulang. At higit sa lahat hindi niya gusto ang napangasawa nitong si Ivy, bukod sa bata pa ay wala pa itong maipagmamalaki sa buhay. Pero wala na rin siyang magagawa dahil buntis na ito sa edad na labing-siyam na taon gulang pa lamang. Sa kagustuhan niyang ayaw na maging bastardo ang unang apo ay pumayag na lang siyang pakasalan ito ni Charles kahit labag sa kalooban niya. "Congratulations, hijo." Masayang bati ni Isolde sa anak, pagkatapos ay binalingan nito si Ivy, pilit ang ngiting ibinigay niya rito. "Salamat, Mommy." Masayang sabi ni Charles sa ina, saka niyakap ito. Pagkatapos yakapin ni Charles ang ina, binalingan na nito si Ivy na halatang naiilang pa sa kanyang ina dahil naka-yuko. Nakaakbay siya rito kaya masuyo niyang pinisil ang braso nito para tumingin sa kanya. Nag-angat naman ito ng tingin. He stared at her lovingly. "Let's go?" bulong niya kay Ivy. Tumango naman ito. Inalalayan na niya itong sumakay sa kotse. "See you at the reception..." Narinig niyang saad ng mommy niya pero hindi na niya pinansin dahil nagmamadali na rin siyang sumakay sa kotse. "Charles, parang hindi ito ang daan papunta sa reception?" nakakunot ang noong puna ni Ivy. Napangisi siya saka tiningnan ito na siyang nakatingin din sa kanya. Pagkatapos ibinalik na niya ang atensyon sa pagmamaneho. "We're going somewhere." Seryoso niyang sabi rito. "Hindi ba tayo hanapin ng Mommy mo at mga bisita?" nag-aalala nitong tanong. "Relax baby, stop worrying," he said. "It's our wedding day." "Saan ba tayo pupunta?" tanong nito ulit, hindi pinansin ang sinabi niya. "Gusto ko lang ipakita ang wedding gift ko para sa'yo." "Charles, hindi ba makapaghintay ang gift mo? Magagalit ang Mommy mo kapag hindi tayo dumating sa reception ng kasal natin." Napangiti siya, masyado itong worried sa kung ano ang mararamdaman ng mommy niya. Halata sa boses "Trust me, okay?" nakangiting saad niya. Bumuntonghininga na lang ito at hindi na umimik. Sinulyapan niya ito na ngayon ay nakatingin na sa labas ng bintana. She was young and beautiful. Mahal niya ito kaya niya niyayang pakasalan hindi dahil sa na buntis niya na ito. Mahinhin itong kumilos at sobrang malumanay kung magsalita, isa sa mga nagustuhan niya rito. Pumasok sila sa isang malaking subdivision kung saan puro mga mayayaman lang ang mga nakatira. Inihinto niya ang kotse sa harapan ng malaking bahay, mabilis siyang bumaba sa kotse at pinagbuksan ng pinto si Ivy. "Charles, ano 'to?" nagtatakang tanong nito. "Surprise!" nakangiti niyang sabi. Saka inakbayan ang asawa. Pareho silang nakatingala sa two storey na bahay. "Ito ang wedding gift ko sa'yo, baby. Our own home." Napasinghap ito at natutop ang sariling bibig. Naluluhang tumingin sa kanya. Akala kasi nito na pagkatapos nilang ikasal ay sa bahay ng parents niya titira. "Talaga?" usal nito sa naiiyak na boses. Hinapit niya ito sa beywang saka hinalikan sa noo. Alam niyang hindi ito komportable na tumira sa bahay nila dahil naiilang pa ito sa mommy niya. He wanted to give her everything, he loves her. She was young, innocent and vulnerable, he needs to protect her. "Diyan na tayo titira, let's get inside." Pagkapasok nila sa loob ng bahay, kaagad niya itong siniil ng halik. Pinigilan naman siya nito. "Charles, kailangan na nating bumalik sa reception." "Mamaya na, binyagan muna natin ang bago nating bahay." Sabi niya rito, saka muli itong hinalikan. Kusa naman itong nagpaubaya sa kanya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD