7

1017 Words

MAY URGE si Jasmin na habulin ang papalayong kotse ni Daniel. Gusto na niyang umuwi at humilata sa kama, o kaya naman ay pakinggan ang tawanan ng mga kasama niya sa bahay sa bakery area, kaysa naroon siya sa bahay ni Sir G at makakasama pa sa mga susunod na oras ang anak nitong ipinaglihi yata sa sama ng loob. Kinalma ni Jasmin ang sarili. Trabaho niyang gawin iyon at kailangan niyang gawin para kay Sir G. Mas hahabaan na lang niya ang pasensiya. Kakayanin niyang pagtiisan si Gareth Montalvo hanggang sa pagbabalik lang naman ng ama nito. "Jasmin!" Masiglang tinig ang tumawag sa kanya. Nilingon ni Jasmin ang main door. Naroon na si Anastacia, ang kasambahay ni Sir G. "Tascia" ang tawag sa kasambahay kaya iyon na rin ang tawag niya rito. Siguro, dahil walang ibang makausap sa malaking bah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD