9

1584 Words

SA IKALIMANG araw ng absence ni Gareth Montalvo ay binulabog naman ang Rayos ng isang masamang balitang itinawag ni Daniel kay Jasmin. "Jas?" Napahinto si Connie sa pagdaan nang makita ang wala sa loob na pagkapit ni Jasmin sa mesa at ang nanghihinang pag-upo. Pakiramdam ni Jasmin ay nanlamig ang buong katawan niya pagkarinig sa masamang balita. "Si...Si Sir G, Connie..." halos wala nang tunog na sambit niya. Nagsimulang mamasa ang mga sulok ng kanyang mga mata. Nagbalik sa isip ni Jasmin ang lahat ng kabutihang ginawa ni Sir G mula nang unang araw niya sa Rayos. Inalalayan siya nitong matuto sa sarili niyang paraan. Maraming beses siyang nakagawa ng mali bilang baguhan—ng bagay na hindi ayon sa nais mangyari ni Sir G—pero itinama nito ang mga pagkakamaling iyon sa pamamagitan ng const

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD