CHAPTER 28 ANG BILYONARYONG KARGADOR Sa sobrang excited ko ay napatakbo ako sa bahay-kubo ni Manong Lance. “Manong Lance! Manong Lance! Where are you?” Tawag ko sa pangalan niya. Pagkarating sa tapat ng bahay niya ay tinawag ko ulit ang pangalan niya pero walang sumasagot. Lumapit ako sa pinto at pinihit ko ang doorknob ng kubo niya at dahil hindi naman nakalock kaya agad kong binuksan at pinasok ang sarili na walang paalam kung pwede ba akong pumasok. Bahala na. “Manong Lance– the heck!” Agad akong tumalikod na makita ang abs niya na nag hello sa akin. Nakahiga pa siya sa kanyang kama at tulog pa? “Manong Lance, gising!” "Hmm,” daing niya. Hays, hirap pa naman siya gisingin minsan. Wala akong choice kundi ang harapin siya dahil may kailangan ako sa kanya. Natutulog siya na wa