CHAPTER 43 ANG BILYONARYONG KARGADOR “Sunny, kumusta ang–” "Hindi siya umalis Yaya?” "Si lolo mo? Nasa kwarto, may kausap kanina sa phone ewan ko lang ngayon at baka tulog na–” "Hindi po, si Manong Lance po? Hindi niyo po napansin na umalis?" Tanong ko kay Yaya habang nagmamadali na nilagay ang mga gamit sa sofa at nakita ko na makahulugan ang kanyang mga ngiti. “Kaya pala nagmamadali ka. Hindi naman, baka tulog na iyon." saad niya. “Ganoon po ba? Puntahan ko na lang po habang wala pang 12 midnight po. Wala pa siyang naririnig na birthday greetings mula sa akin at baka magtampo iyon." Paalam ko sa kanya . “Don't tell lolo, Yaya, okay? Thank you, " kindat ko sa kanya, hindi ko na hinintay ang sagot at kumarepas na ako ng takbo palabas ng bahay pagkatapos kong ibaba lahat ng gami