CHAPTER 41 ANG BILYONARYONG KARGADOR “Lolo, kailan po ang uwi mo sa Maynila?" “Bakit pinapauwi mo na ba agad ako?" "Lolo naman, no…kasi kung pwede lang, huwag na po kayong umuwi.” sabi ko sa malungkot na boses. Umaga ng Sabado kaya nasa garden kami ngayon at sinamahan ko ang lolo ko. One week na siyang narito sa bahay kaya ang saya ko dahil kapiling ko ang aking lolo at the same time, nakapag-pahinga siya ng maayos. Binalingan niya ako pagkatapos niyang humigop ng kape na nasa tasa niya at binalik ang tanaw sa paligid, ngayon ay tapos na mag harvest ng mga prutas at sa susunod na taon na naman ang balik ng mga trabahador. "Bakit ayaw mo na bang umuwi sa bahay natin?” tanong niya kaya napaisip naman ako sa sinabi niya. “Masarap po pala manirahan dito lolo. I mean, after the c