CHAPTER 39 ANG BILYONARYONG KARGADOR Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, napapikit ulit ako dahil sa sinag ng ilaw. Narinig ko ang mga familiar na boses sa tabi ko, pinakalma ko muna ang sarili ko at hinihintay na marinig ang boses niya pero hindi ko siya marinig kundi ibang boses ang narinig ko. “She's awake, finally." hindi ako sigurado pero parang narinig ko na ang boses niya. “Apo!" dinilat ko na ang mga mata ko na marinig ang boses ni lolo. Panaginip lang ba? "Apo, kumusta ang pakiramdam mo?” "Lo-lolo?” Hindi ako sigurado kung tama ba na nasa harapan ko ay walang iba kundi si lolo. “Ikaw po ba talaga iyan, lo?” tanong ko habang naiiyak na at pilit na umupo sa kama. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. At nang matanto ko na siya nga ang lolo ko at hindi panaginip a