CHAPTER 25 ANG BILYONARYONG KARGADOR “Wala raw pasok mamaya guys kaya saan tayo gagala mamayang hapon?” tanong ni Nimfa sa amin. Nasa canteen kami ngayon at kumakain ng aming lunch. Pinabaunan ako ni Yaya Bebang ng pritong isdang bangus at ginisang monggo. Nakalagay ito sa magkahiwalay na lalagyan. “Sa beach? Mall? Or park? Or saan ba pwede?” Tanong naman ni Tanya. “How about visiting my old friend? Meron siyang tinitinda like milk tea, fries and anything sweet daw sa kanyang mini cafe, hindi masyadong kalayuan sa school natin, we can bond there if you want guys. What do you think?" Suggestion ko sa kanila, gusto ko sanang umuwi agad pero wala na naman akong ibang kausap sa bahay kundi sarili ko lang. Minsan natutulog sina Yaya or di kaya kuya Saimon tuwing hapon at ayoko naman sila