CHAPTER 16 ANG BILYONARYONG KARGADOR Panay silip ko sa labas ng balcony kung umiilaw na ba ang bahay-kubo ni Manong Lance pero kahit anong silip ko ay wala pa rin, gabi na at madilim pa rin sa bahay niya. Hindi yata siya uuwi sa kubo niya, baka umuwi siya sa kanyang asawa at mga anak kaya wala siya ngayong gabi? Pagkatapos kung gumamit ng suklay ay binalik ko na ito sa ibabaw ng vanity mirror. Kakaligo ko lang at matutulog na sana kaso naalala ko ang pera na ibibigay ko kay Manong at baka bukas hindi ko na siya maibigay pag gising ko, para sana iabot ito sa kanya ang pera bago siya umalis ng bahay kaya balak ko na ngayong gabi na lang ibibigay kaso wala pa talaga siguro sa kanyang kubo. Gusto ko kasi na ako mismo ang magbigay sa kanya sa personal at baka magagalit siya na si kuya