CHAPTER 30 ANG BILYONARYONG KARGADOR "Ewan ko sa'yo! Dami mong alam!" Natawa siya sa sinabi ko. “Ito naman, binibiro lang kita, high blood ka na naman agad.” "Tse! Ikaw kasi… ano na? Ganito lang ba ang gagawin natin, nagkukwentuhan hanggang lumubog ang araw? Baka mamaya niyan, nagtatampo na si Cola dahil kanina pa siya nakatayo. Nangangalay din kaya ang hayop.” Sambit ko. “Okay, mahal na prinsesa." Nang-aasar pa oh. Ang sarap sabunutan ang buhok niya na makapal na. Dahil excited na akong makasakay ng kabayo kaya nagpatulong ako kay Manong Lance. Ingat na ingat niya akong hinawakan sa bewang para makasampa ako ng maayos kay Cola. “Umupo ka ng maayos at baka kalahati lang ng pwet ang nasalo mo." “Okay. Ganito ba?" Tukoy ko kung paano hawakan ang tali malapit sa leeg ng kabayo. "Y