CHAPTER 45 ANG BILYONARYONG KARGADOR Masaya ang gising ko. Pagkatapos kong manghilamos ng mukha ay naglagay ako ng konting lip balm at perfume sa katawan ko saka pa lumabas ng kwarto. Ang mga regalo na bigay ng mga kaibigan sa aking birthday at ng aking secret admirer since day 0 ko raw na walang iba kundi si Mayor ay nasa tabi lang ng aking kama. Mamaya ko yan ilalagay sa tamang lagayan ang mga iyan. Nasa hagdan pa lang ako ay may naririnig na ako na familiar na boses. Malamang, nagkakape o di kaya nag-almusal na sila. “Oh, Sunny, gising kana pala, halika na at kumain." Ngumiti ako kay kuya Saimon na unang nakakita sa akin pagbaba ng hagdan, saka pa bumaling si lolo at Manong Lance. Himala ay narito ang isa na ito. At himala rin na hindi siya pinalayas ng lolo. Ano na naman kaya ang