QU

1533 Words

"BAKIT MO sinabi kay Oscar 'yon?" Hinampas ko nang mahina si Felix gamit ang binigay niyang bulaklak sa akin. Hawak niya ang kamay ko habang mabilis kaming naglalakad patungong parking lot. Teka, ang bilis naman! Dahan-dahan lang!       "Eh, bakit ba? Ano ba ang problema mo ro’n?" nakasimangot niyang tanong. Huminto siya nang makarating na kami sa kanyang kotse. Napahawak ako sa aking dibdib at hinabol ang aking hininga. Mabuti naman! Ang bilis naman kasing maglakad, eh!       "Baka kung anong isipin no’n! Sa pagkakaalam ni Oscar, wala pa akong boyfriend!" Humarap siya sa akin. Magkadikit ang kanyang kilay.       "Edi sabihin mo na niligawan kita tapos ‘di mo sinabi sa kanila na nanliligaw ako! Ayon, no’ng hindi ka pumasok, sinagot mo ako! Ganyan lang!" sabi niya habang may actions pa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD