“IYONG Bonakid, Anikka. Huwag ‘yang Nido,” pigil ni Felix sa akin ng akmang kukunin ko ang Nido. Napangiti ako. “Sorry naman. Ito kasi gatas ko nung bata pa ako, eh. Kwento kasi ni mama sa akin noon, allergic ako sa Bonakid kaya ayun.” I shrugged my shoulders. Bumaling ako sa kanya. “Ilang box kukunin ko?” tanong ko sa kanya na ikinasimangot niya. “Grabe ka naman. Isa lang! ‘Di ako gano’n kayaman,” sabi niya. Napatawa ako sa nakasimangot niyang mukha. Ang cute niyang tingnan! Tapos pogi rin! Ang unfair. Ba’t gano’n? Cute at pogi pa rin siya kahit nakasimangot. Tapos kapag ako. . . okay huwag nalang natin pag-usapan. Kumuha na ako ng Bonakid at inilagay ito sa pushcart. Tumingin si Felix sa listahan ng mga bibilhin. Tiningnan ko si Kylie na karga ni Felix. Nakalaga