"Ces? Tulog ka na ba?"
Saktong kalalabas ko lamang ng banyo nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto at boses ni Ate Rinalyn sa labas.
Kaagad ko itong nilapitan at binuksan. "Ate Nalyn, susunod na lang po ako sa baba." Hinawakan ko nang mabuti ang pagkakaipit ng dulo ng tuwalya sa puno ng dibdib ko upang hindi malaglag.
"Oh, naligo ka pala. Kakain na tayo. Bumaba ka na, ha. Tapos na silang kumain."
"Sige po. Salamat, Ate Nalyn. Magbibihis lang po ako."
"Oh, sige. Bababa na ako."
"Opo."
Tumalikod na siya at mabilis ko namang isinara ang pinto. Siniguro ko rin itong nakakandado.
Nagtungo ako sa closet at kumuha ng mahabang pajama at maluwag na t-shirt. Nagsuot muna ako ng underwear. Pinili ko 'yong bago kong bili kahapon na may mga lace. Nilabhan ko naman ito kaagad kahapon pag-uwi namin ng bahay at natuyo din naman kaagad kinabukasan.
Inalis ko ang tuwalyang nakabalot sa ulo ko at mabilis na sinuklay ang buhok ko. Hindi na ako nagpabango pa. Napakabango naman pala no'ng shower gel na binili ko at napaka-smooth sa balat. Parang ang lambot-lambot tuloy ng balat ko ngayon.
Bibili ulit ako sa susunod pero susubukan ko naman ang ibang fragrance.
Isinampay ko na muna ang mga ginamit kong tuwalya sa banyo. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng silid ko. Kinakabahan ako. Sana ay hindi ko makita si Sir Dame Lei. Hindi ko alam kung paano haharap sa kanya ngayon.
Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko ngayong gabing ito ang ari niyang 'yon na napakalaki! Dapat ay itinatago niya lang 'yon at sa girlfriend niya o sa asawa lang niya ipinapakita! Pero hindi ko alam kung mayroon na ba siyang nililigawan, ganun din ang iba pa niyang kapatid.
Ayon naman sa mga tsismosang kasambahay, wala pa sinuman sa mga lalaking anak nila Sir Damien at Ma'am Liezel ang nag-uuwi ng babae dito. Wala pa silang ipinapakilalang girlfriend sa mga magulang nila. Si Ma'am Damzel pa lang ang may asawa na ngayon.
Kunsabagay, mga bata pa naman din sila. Sa pagkakaalam ko ay 24 pa lang si Sir Damiel. Ang mga kambal naman ay kasing-edad ko na 23. Si Sir Dalton naman ay 22 at 18 si Sir Zean. Sunod-sunod pala ang pagbubuntis ni Ma'am Liezel noon. Grabe. Nakaya niya 'yon?
Tuloy-tuloy na akong naglakad sa pasilyo hanggang sa makalabas ako, ngunit bigla kong nakasalubong sila Ma'am Damzel at Sir Tyrone na magkahawak-kamay. Hinihimas-himas pa ni Ma'am Damzel ang malaki niyang tiyan.
"Oh, Ces, kumain ka na ba?" tanong niya.
Yumuko ako sa harapan nila. "Magandang gabi po sa inyo, Ma'am/Sir. Hindi pa po. Bababa pa lang po ako."
"Oh, go ahead. Sumabay ka na sa kanila."
"Opo. Salamat po." Muli akong yumuko sa harapan nila. Nagtuloy-tuloy naman na silang naglakad hanggang sa malampasan na nila ako.
Napahabol na lamang ako ng tingin sa kanila, lalo na kay Sir Tyrone na ngumiti lang ng bahagya sa akin kanina. Malabo talagang siya 'yon kaya burado siya sa list ko. Nagtuloy-tuloy na akong bumaba ng hagdan.
"Ces, you're here!"
Napahinto naman ako nang matanaw ko sa living room ang magkakapatid na lalaki. Naroroon sila Zean, Sir Dalton, Sir Dauvit at Sir Dame Lei, at lahat sila ay nakatingala at nakatitig sa akin.
Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko. Naku naman, nagsama-sama pa nga ang mga 'to! Mga fafalicious na kay gugwapo! Mabuti na lang wala si Sir Damiel. Nakauwi na kaya sila Ma'am Liezel at Sir Damien?
Sana pala hindi na muna ako bumaba o kaya ay sumilip na lang muna ako dito mula sa taas. Ano pa bang magagawa ko? Nakita na nila ako at malapit na ako sa baba.
Kaagad na naglakad si Sir Dalton patungo sa hagdan. Mukhang sasalubungin pa niya yata ako! Hindi ko naman malaman ang gagawin ko, lalo't nakita kong nakatitig din sa akin si Sir Dame Lei. Ngunit katulad ng dati ay wala akong mabasang anumang emosyon mula sa kanya. Parang nasusuklam na naman yata siya sa akin ngayon, na parang wala siyang ginawang kabalbalan sa akin kanina.
"You look fresh, and I can sense your pleasant aroma," ani Sir Dalton.
Hindi naman ako nakasagot at hindi ko rin malaman kung paano ngingiti sa harapan nilang lahat.
"Do you remember our conversation before you left last Saturday?" tanong niya. Sinalubong niya ako dito sa hagdan at kinuha ang kamay ko. Hinila niya ako pababa.
"Ano namang usapan 'yan?" tanong naman ni Sir Dauvit, ang kambal ni Sir Dame Lei habang may hawak na canned beer. Nakaupo ito sa single sofa. "You're holding her hand like—Is Ces your girlfriend now?"
Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya.
"What's wrong with that? I'm planning to court her anyway!" sagot naman ni Sir Dalton na siyang ikinanganga ko!
What the... Seryoso ba siya do'n?!
"Pakainin mo muna si Didi ko!" Bigla naman akong inagaw ni Zean mula sa kanya. "Ligaw-ligaw. Hindi kayo bagay, oy!" Kaagad niya akong hinila patungo sa kusina.
"Hey! What the f**k is 'Didi'?! ... What the heck, man—are you a baby or a s**t?!" sigaw naman ni Sir Dalton. "We've got something important to talk about!"
"Kakain nga muna siya!" sigaw din sa kanya ni Zean. Hinila niya ako hanggang sa kusina kung saan nagsisimula nang kumain ang mga kasambahay.
Napalingon silang lahat sa amin. Labis ang hiyang naramdaman ko. Hindi ko masalubong ang kanilang mga mata. Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa! Kaagad ko nang inagaw ang kamay ko mula kay Zean.
Natawa naman siya. "Kumain ka na muna. Don’t mind that weirdo."
"O-Opo. Pasen--"
"Ano'ng opo na naman, Ma'am?"
Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Shet! Nakalimutan ko na naman! "S-Sige, kakain na ako." Kaagad ko na lamang din siyang tinalikuran at lumapit sa mesa.
"Halika na, umupo ka na dito," alok naman sa akin ni Ate Malou sa isang silya sa tabi niya.
"Salamat po, Ate Malou."
"Busugin niyo 'yang Didi ko, ha. Ayoko nang nagugutom 'yan," turan naman ni Zean sa kanilang lahat.
Naghagikgikan ang mga kasambahay.
Hay, Diyos ko naman. Ano ba naman 'yang pinagsasasabi niya? Ano bang didi? Hindi pa naman niya siguro nakita ang didi ko, no. Hindi naman siguro siya 'yon! Parang gusto kong sumampal sa noo!
"Opo, Sir Zean! Aalagaan po namin ang didi niyo!" sagot din naman ni Ate Rinalyn kasabay nang paghalakhak niya! Kaya natawa din ang lahat!
Tumawa din si Zean kasabay nang pag-finger gun niya at pagkindat kay Ate Nalyn.
"Ang cute niyo po talaga, Sir Zean!" turan naman ni Ria, na kilig na kilig.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang tuluyan na siyang lumabas, at sana ay wala nang sinuman sa mga kapatid niya ang pumasok dito sa kusina!
"Baka ang ibig sabihin ni Zean sa didi ay older sister o nakatatanda sa kanyang babae. 'Yan kasi ang ibig sabihin niyan sa Indian. Parang endearment."
Napalingon naman kaming bigla sa mayordoma na si Nanay Julie dahil sa sinabi niya. Bigla akong napanganga, pati na rin ang iba.
"Ooh, 'yon po pala ang ibig sabihin niyon, Nanay Julie?" tila 'di makapaniwalang tanong ni Jenna, isa pa sa mga kasambahay.
"Hmm, may mga kaibigan kasing Indian ang batang 'yan sa school, at madalas ay nakikita ko siyang ka-videocall ang mga 'yon sa kwarto niya."
"Kaya naman pala. Ang kulit lang ng didi, eh mukhang wala namang didi itong si Ces," natatawang sagot ni Ate Malou.
Naghalakhakan silang muli. Pati ako ay napahawak din sa dibdib kong impis nga!
"May alam na rin akong salita sa Indian. Didi!" turan naman ni Ate Rinalyn. "Ma-prank nga ang mga ate ko."
Natawa naman kami sa kanya.
Nakahinga din ako ng maluwag. Akala ko tuloy ay binabastos na ako ni Zean. Mukhang ate pala ang ibig sabihin niyon. Kung ganung may respeto pala siya sa akin, baka hindi siya ang lalaking 'yon.
Sinimulan ko na ring kumain. Nakipagkwentuhan din ako sa mga kasambahay.
***
ALAS DIYES na ng gabi pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Kinakabahan ako. Paano kung pasukin na naman ako ng taong 'yon dito ngayon?
Hindi lang naman 'yong paghawak niya sa akin ang ikinakatakot ko. Paano kung isa siya sa mga may asawa na dito sa mansion? Siguradong malaking gulo 'yon. At paano kung bigla niya akong patayin? Paano na ang pamilya ko?
Ilang ulit ko nang sinigurong nakakandado ang pinto. Napapatitig din ako sa lampshade na nakabukas. Pinatay ko na ang mga ilaw sa kisame kaya ito na lamang ang ilaw ko ngayon. Naalala ko namang bigla ang mga bintana sa likod ng makakapal na kurtina.
Muli akong bumangon ng kama at sinigurong nakakandado rin ang mga ito. Gilid ng mansion ang makikita dito at tanaw na tanaw ang malaking mansion na ipinagagawa nila Ma'am Damzel at Sir Tyrone.
May mga ilaw doon ngayon. Maraming guard ang nakakalat sa paligid at sa pagkakaalam ko ay dyan natutulog ang mga construction worker.
Muli ko nang inayos ang kurtina at bumalik sa kama. Hindi ko na pinalitan pa ang suot ko na pajama. Ibinalot ko rin ang katawan ko sa makapal na comforter. Nilalamig ako sa lakas ng buga ng aircon kahit hininaan ko na ito.
Malakas ang t***k ng puso ko ngayon at hindi ako mapakali.
Maya-maya'y muli akong bumangon at lumapit sa pinto. Inilapat ko ang tainga ko dito at nakiramdam sa labas. 10:30 na ng gabi. Alam kong sa mga oras na ito ay marami pang gising. Masyado pa itong maaga, at tama nga, marami pang kaluskos at mga lagabog akong nararamdaman sa labas.
Huminga ako ng malalim at muling bumalik sa kama.
Paano kung panaginip ko lang talaga 'yon? Baka naman nag-sleepwalk o somnambulism ako noong gabing 'yon. Baka ako talaga ang pumatay sa lampshade at hindi ko na 'yon maalala dahil tulog ako no'n.
Pwede ring ganun 'yon.
Pero may sleep disorder ba ako? Wala namang sinasabi sa akin si Mama, si Joy o si Lola na may sakit akong ganun.
Hay, napa-praning na yata ako!
Dinampot ko ang phone ko at nag-scroll-scroll sa social media.
Pero maya-maya'y nagsimula nang mamigat ang talukap ng aking mga mata pati na rin ang aking katawan. Nabitawan ko na ang phone ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
NAALIMPUNGATAN lang ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan ngayon sa ibabaw ko at sa maiinit na halik na naglalakbay sa gilid ng aking leeg.
Idinilat ko ang aking mga mata, ngunit kadiliman ang bumungad sa akin. Masikip ang lugar na kinaroroonan ko. Hindi ako makakilos. Ramdam ko ang maiinit na mga bisig na nakayakap sa akin.
Gumapang ang mga halik na 'yon sa ilalim ng panga ko, patungo sa pisngi ko hanggang sa sakupin na nito ang mga labi ko.
Ganun na lamang ang kabog ng dibdib ko. f**k! Nandito siya! Heto na naman siya!
"Have you missed me?" bulong niya sa mga labi ko, na siyang ikinaawang ng bibig ko.
What? Nagsalita siya, at pamilyar ang boses niya!