HABANG hinihintay si Uno, nagpunta muna sa CR si Kira kasama si Zuri at Sami.
"Uy, girl. Una na kaming umuwi ha?" paalam nito Sami.
"Sige, ingat kayo. See you tomorrow!"
"See you. Have fun with Uno," tudyo ni Zuri sa kanya.
Ngumiti siya at kumaway sa mga ito. Nang makaalis ang mga kaibigan ay saka siya humarap sa salamin at nagsuklay. Nagpahid ng konting powder sa kanyang mukha. Pagkatapos ay nag-apply ng konting liptint sa pisngi bilang blush saka naglagay din siya sa labi. She smiled to herself.
Palabas na sana si Kira nang makasalubong sa pinto si Claire at mga kaibigan nito. Agad nagtama ang mga mata nila at isang matalim na tingin ang binigay nito sa kanya.
"Kira, tama?"
Kumunot ang noo niya. "Yes."
"Ano ba talaga kayo ni Kian?"
Nagkibit-balikat siya. "Uh best friend? Halos alam yata ng buong school 'yon," sagot niya.
"Best friend pero bakit parang nilalandi mo siya?"
Tumaas ang kilay ni Kira. "Ako? Nilalandi siya? Bakit? Nakita mo ba kaming naghahalikan? Saka eh ano naman kung sakali, girlfriend ka ba?" mataray na sagot niya.
Bumuntong-hininga si Claire at pinag-krus ang mga braso.
"Hindi pa. Pero hindi ako makalapit sa kanya dahil palagi kang nakadikit."
"Girl, bakit hindi ka magreklamo sa mga magulang namin, ha? Itanong mo bakit pinalaki nila kami ng sabay. Baka sakaling masagot ang problema mo."
"Puwede bang layuan mo si Kian?"
Nagkibit-balikat ulit siya. "Bakit sa akin mo sinasabi 'yan? Bakit hindi mo sabihin 'yan kay Kian? Ikaw mismo ang magsabi sa kanya na layuan ako ah," kaswal na sagot ni Kira sabay ngiti at tuluyan lumabas ng CR.
"Feelingera," naiinis na wika niya sa sarili.
Pagbalik sa kaninang puwesto kung saan siya naghintay ay naabutan ni Kira si Uno at Kian na nag-uusap. Salubong ang kilay ng matalik na kaibigan nang mapatingin sa kanya. Agad siya nitong sinalubong.
"Nag-make up ka pa talaga, ha?" puna nito.
"Make-up ka diyan, powder lang 'yan."
"Powder ka diyan, hayan at namumula 'yang pisngi at labi mo."
"Exag ka talaga!"
Huminga ng malalim si Kian. "Talaga bang sasama ka sa kanya?" malungkot na tanong nito.
"Oo nga. Kakain lang kami. Sandali lang 'to. Gusto ko lang siya pagbigyan kahit ngayon lang, nakakahiya naman ilang beses na niya akong niyaya palagi ako tumatanggi."
"Hihintayin kita dito, sabay tayong umuwi."
"Sure ka?"
"Oo."
"Ikaw ang bahala pero kung gusto mo mauna na. Text mo lang ako, magpapahatid na lang ako kay Uno."
"Hindi na. Hihintayin na kita. Hindi rin naman ako mapapakali kapag iniwan kita dito."
Nanunudyong ngumiti siya saka sinundot ito sa tiyan. "Sabi na hindi mo talaga ako matitiis."
Matapos iyon ay nilapitan na niya si Uno.
"Ready ka na?"
"Oo. Let's go."
"Okay," sagot nito sabay lingon kay Kian. "Una na kami, pare."
"Huy, ibalik mo dito 'yan ah. Hihintayin ko kayo," bilin ni Kian.
"Oo sige."
Nakakailang hakbang na sila palayo nang may biglang naalala si Kira.
"Ay saglit lang ha?" paalam niya kay Uno sabay takbo pabalik kay Kian.
"Oh, hindi ka na tutuloy?" nakangiting tanong agad nito paglapit niya.
"Sira, hindi. May sasabihin pa ako."
"Ano 'yon?"
"Iyong baliw na baliw sa'yo si Claire, nagkita kami sa CR kanina tapos sinabihan niya ako na lumalandi daw ako sa'yo at layuan kita. Pagsabihan mo 'yang loka-lokang 'yan ah, sa susunod baka hindi ako makapagpasensya diyan."
"Sinabi n'ya 'yon?" gulat na tanong nito.
Marahan lang siyang tumango. Nanahimik ito at tila nag-isip.
"Sige, huwag kang mag-alala. Akong bahala," sagot nito.
"Okay, una na ako."
"THANK YOU," nakangiting sabi ni Kira kay Uno matapos nitong ilapag ang mga order nilang pagkain.
Nag-order sila cheeseburger, fries, iced tea and ice cream. Pagkatapos ay pumwesto sa isang tabi.
"You're welcome. Kain na tayo."
Nagkatinginan sila saka ngumiti sa isa't isa bago kumain ng fries.
"Gusto sana kitang dalhin sa isang mas maayos na restaurant eh. Kaya lang nagagalit si Kian."
"Okay lang 'yon, hindi pa naman din ako masyadong gutom eh," sagot niya.
"Mabuti naman at pumayag ka nang lumabas tayo, ang lakas makabakod ni Kian."
Natawa si Kira. "Hayaan mo 'yon, pagpasensiyahan mo na. Medyo overprotective talaga siya pagdating sa akin. Lumaki kasi kami ng sabay no'n tapos magkasama kami halos sa lahat ng bagay. Naturally, binilin din ako ng Daddy ko sa kanya."
"Okay lang, naiintindihan ko naman. Pero sa weekend, puwede ba tayong lumabas ulit?"
Natigilan si Kira saka ngumiti. "Eh hindi ko alam eh. Hindi rin kasi ako pinapayagan ng parents ko na lumabas na lalaki lang ang kasama, unless si Kian."
"Ganoon ba? Eh kung isama natin sila Sean?"
"Puwede naman," sagot niya.
Nabuhayan ng loob si Uno pagkatapos ay pinagpatuloy nila ang pagkain. Mayamaya ay tumikhim ito.
"Uhm, Kira."
"Hmm?"
"Alam mo naman na matagal na kitang gusto Kira. Hindi pa rin 'yon nagbabago hanggang ngayon."
Hindi agad nakakibo si Kira. Crush niya si Uno at matagal na rin niyang nararamdaman na may gusto ito sa kanya. It feels good to hear that someone confess his feelings for her. Pero bakit wala siyang maramdaman na kilig gaya ng kanyang inaasahan?
"O-Oo," sagot niya.
"Puwede ba akong manligaw sa'yo?"
Bahagya siyang naubo matapos marinig iyon kaya mabilis inabot ni Uno ang baso ng ice tea sa kanya.
"Are you okay?"
"Oo," nakangiting sagot niya saka nagpunas ng tissue sa bibig.
"Ulitin mo nga sinabi mo," sabi pa niya.
"Ang sabi ko kung puwede akong manligaw sa'yo?"
Hindi agad siya nakasagot. Mayamaya ay humugot ng malalim na hininga si Kira.
"Uno, sa totoo lang, bawal pa kasi akong ligawan. Ang sabi ng parents ko, kapag nasa College na ako saka ako puwede tumanggap ng suitors," sagot niya sabay tungo.
"Eh di maghihintay ako na mag-college tayo."
"Ha?" gulat na tanong ni Kira sa angat ng tingin sa binata.
"Hihintayin kita. Kung saan ka mag-aaral ng college, doon din ako papasok. Tapos kapag puwede na, liligawan kita."
Kira felt overwhelmed. Hindi niya akalain na ganoon kaseryoso si Uno sa nararamdaman para sa kanya. Ang buong akala niya ay simpleng crush lang ang mayroon ito.
"Gagawin mo 'yon? Kaya mong maghintay ng matagal?" hindi makapaniwalang tanong ni Kira.
Ngumiti si Uno. "I love you, Kira. Seryoso ako sa nararamdaman ko. Matagal na kitang gusto at handa akong maghintay para sa'yo."
Biglang hindi nakakibo ang dalaga. Hindi niya inaasahan na ganoon kalalim ang damdamin ni Uno para sa kanya.
"I... ah... I don't know what to say."
"Wala ka naman kailangan sabihin sa ngayon. Hayaan mo lang ako na iparamdam sa'yo na mahal kita. Kahit na bantay-sarado si Kian."
Doon sila natawa. Biglang nawala ang awkwardness at gumaan ang paligid.
"May pagkabaliw din kasi 'yon."
Matapos iyon ay sunod naman nilang napag-usapan ang tungkol sa mga school works at darating na mga school activities. Eksaktong isang oras din sila nagtagal doon sa fast food bago sila nagkayayan umuwi. Gaya ng pinangako ay doon siya hinatid ni Uno sa school kung saan naghihintay si Kian.
"Nasaan na ba 'yon?" tanong ni Kira sabay nag-compose ng text message sa kaibigan.
Sa halip na umalis ay sinamahan muna siya ni Uno doon sa school habang naghihintay kay Kian.
"Teka nga, hahanapin ko lang sa court baka nandoon 'yon," sabi niya.
"Samahan na kita."
Mula doon sa gate kung saan sila naghihintay ay pumasok sila sa school at dumiretso sa court. Pagpasok pa lang ay agad niyang namataan ang bag ni Kian.
"Oh, nandito pala siya eh," sabi ni Uno.
"Nasaan na 'yon? Kian!" tawag niya.
Ngunit wala doon sa loob ng court kahit sa locker room ang kaibigan. Hanggang sa maisipan niyang hanapin ito hanggang sa likod. Nang lumiko sa dulo si Kira. Bigla siyang natigilan at natulala sa kanyang nakita. Nakasandal si Claire sa pader at nasa harapan nito si Kian at halos maghahalikan na habang nagtatawanan pa.
Pakiramdam ni Kira ay parang may sumaksak sa kanyang dibdib ng paulit-ulit. Parang sasabog ang kanyang dibdib at ano man oras ay maiiyak na siya. Mayamaya ay biglang lumingon si Kian. Mabilis napalis ang ngiti nito nang makita siya at tumuwid ng tayo. Bigla siyang tumalikod kasabay ng pagdating ni Uno. Doon ay hindi na naitago ni Kira ang nararamdaman. She found herself crying.
"Kira, sandali!" narinig niyang tawag ni Kian.
Tumingala siya kay Uno. "Puwede bang ikaw na lang maghatid sa akin pauwi?" garalgal ang tinig na tanong niya.
"Sige."
Pagkasabi niyon ay mabilis siyang tumakbo palayo ng lugar na iyon dala ang hindi maipaliwanag na sakit at lungkot sa kanyang puso.
"Kira, wait!" narinig niyang habol ni Kian.
Ngunit naging bingi si Kira sa tawag ng matalik na kaibigan. Naroon na sila sa labas ng gate ng school nang maabutan siya ng binata. Hinawakan siya nito sa braso sabay pihit paharap. Mabilis pinunasan ni Kira ang luha at umiwas ng tingin.
"Sandali lang, magpapaliwanag ako," humihingal na sabi nito.
"Hindi mo kailangan magpaliwanag. Best friend mo lang ako," mabigat ang tinig na sagot niya.
"I know. But still..."
"Uno, tara na," baling ni Kira sa lalaki.
Tinulungan siya ni Uno na magsuot ng helmet pagkatapos ay pinunasan pa nito ang luha niya. Pagkatapos ay tuluyan na siyang umangkas sa motor nito.
"Kira!" malakas na sigaw ni Kian.
NAGKATINGINAN ang Mommy niya at Mommy ni Kian nang dumating sila ni Uno. Inalalayan siyang bumaba ng binata mula sa motor pagkatapos ay naghubad ng helmet.
"Uno, mommy ko saka si Mommy Amy, Mommy ni Kian," pagpapakilala niya.
Good evening po," magalang na bati nito.
"Ay, magandang gabi naman. Teka anak, kaklase mo?"
"Opo. Ah inimbitahan ko po kasi na kumain si Kira sa labas pagkatapos ng klase kaya po medyo nahuli kami ng uwi. Pasensya na po," paliwanag ni Uno.
"Ah ganoon ba. O sige, ayos lang. Salamat sa paghatid mo kay Kira ha?"
"Walang anuman po."
"Sige Kira, mauna na ako. Sige po," paalam ni Uno.
Malungkot siyang ngumiti saka tumango.
"Bye. Ingat ka ha?"
Nang makaalis si Uno ay siya naman dating ni Kian. Bumalik sa kanyang isipan ang nasaksihan. Agad nitong hininto ang motor saka binagsak na lang ang helmet sa semento maging ang bag nito. Bakas sa mukha nito ang pag-alala at takot.
"Kira, please listen to me. Let me explain!"
Muling umagos ang luha niya. Tumalikod si Kira at tumakbo papasok ng bahay. Mabilis naman siyang sinundan ng binata. Papasok na siya sa kuwarto niya nang maabutan ni Kian. Bigla siyang niyakap nito ng mahigpit mula sa likod.
"Please pakinggan mo ako! Walang ibig sabihin ang nakita mo, okay? Wala akong gusto kay Claire. Pinapasakay ko lang siya, gumaganti lang ako dahil sa sinabi niya sa'yo kanina."
Pumiksi siya mula sa pagkakayakap ni Kian sabay harap dito.
"Ayos na pagpapasakay 'yan, halos maghalikan na kayo ah!" galit na sabi niya.
"I did not kiss her!"
"Baka naman gumaganti ka dahil sumama akong kumain kay Uno!"
"Hindi ganoon 'yon, I swear. I promise, tomorrow I will dump Claire."
Galit niyang pinukol ito ng tingin. "Sa susunod nga Kian, kapag makikipaglandian ka sa ibang babae. Huwag sa harap ko. Nagagalit ka na sumama ako kay Uno tapos mas malala pa pala ang gagawin mo!" galit na wika niya.
"Hindi naman ako..." sagot nito sabay hinto at hinga ng malalim "Okay, fine. Sorry na. Please. Huwag ka nang magalit."
Bumuntong-hininga siya. "Sige na. Umuwi ka na."
Sa halip na sumunod ay bigla na lang siya nitong niyakap ng mahigpit. Parang may malaking bato na nakadagan sa kanyang dibdib ang biglang nawala nang maramdaman na hinalikan pa siya nito sa ulo.
"You're still my only Princess. The only girl in my life. Walang papalit sa'yo. Nag-iisa ka," malambing na sabi nito.
"Puwede ba? Kapag may liligawan ka na, as in 'yong mahal mo na. Sabihin mo sa akin, ha?"
"O sige."
"Sige na, umuwi ka na doon," sabi pa niya ng bahagyang lumayo dito.
WEEKEND. Sabado at wala silang pasok sa school. Pasado alas-tres ng hapon nang bumaba si Kira mula sa kanyang kuwarto at naabutan na kumakain ang mga kapatid kasama ang mga magulang niya ng ginataang monggo.
"Uy wow! Favorite ko 'yan!" bulalas niya.
"Naku ate, ubos na!" sabi ni Emil, ang bunso sa kanilang pamilya.
"Ay ang daya!" maktol ni Kira.
"Aba'y bigay lang naman 'to ng Daddy Jo mo," sabi sa kanyang ng ama.
Ngumisi siya. "Eh di doon na lang ako makikikain," wika niya saka tumakbo palabas ng bahay.
Tumawid si Kira sa kabilang bahay at agad binuksan ang gate ng bakuran nila Kian.
"Mommy Amy!" malakas na tawag niya kahit nasa pinto pa lang.
"Sabi na eh," natatawang sabi nito.
Naabutan niya sa loob ang mga kapatid ni Kian na si Matt at ang babae at lalaking kambal at bunso na si Kai at Kyree.
"Lakas talaga ng pang-amoy mo kapag Ginataang Monggo," natatawang sabi pa ng kanyang Daddy Jo.
"Alam mo naman basta Ginataang Monggo mas mabilis pa sa alas-kuwatro 'yan."
"Nasaan na si Pangit?" tanong niya.
"Nasa kuwarto pa si Kuya," sagot ni Kyree.
"Ay tawagin mo na nga, anak. Para sabay na kayong magmeryenda," sabi pa ni Mommy Amy.
Tumakbo si Kira sa may hagdan.
"Huy, Kian pangit! Tara na labas na diyan, kain tayo!" sigaw niya.
Saglit lang naghintay si Kira pagkatapos ay lumabas na rin ito ng kuwarto. Tumambad sa kanya ang hubad nitong pang-itaas at tanging pambahay na shorts lang ang suot.
"Ba't ang ingay mo?" tanong nito habang nagsusuot ng t-shirt.
"Eh gutom na ako eh!"
Pagbaba ay agad nitong sinampay ang braso sa leeg niya. Pagkatapos ay saka siya hinalikan nito sa ulo. Sumimangot siya saka tumingala dito para lang salubungin ng nakangisi nitong mukha.
"Kumain na kayong dalawa dito, baka mamaya mag-away na naman kayo," sabi ni Mommy Amy.
"Teka nga, bakit ka ba nakikikain palagi dito? May plato naman sa inyo," puna
sa kanya ni Kian.
"Wala kang pake," pang-aasar na sagot niya.
"Ma, sabi sa inyo huwag ka magpapapasok ng iyakin at selosa dito eh," pang-aasar nito.
Mabilis niyang hinablot ang braso nito sabay kurot ng pino.
"Aw! Aray!" sigaw ni Kian.
Tumawa lang ng malakas si Kira sabay iwas nang umamba itong papaluin siya.
"Hay naku, itong dalawa talaga na 'to. Minsan magkasundo, madalas magkaaway," sabi pa ni Daddy Jo.
"Tama na 'yan, kayong dalawa ha? Kumain na!"
"Tara doon tayo sa labas," yaya ni Kian sa kanya sabay dala ng dalawang bowl na may laman ng ginataang monggo.
"Okay. Kukuha lang ako ng ice tea," sagot niya.
Doon sila pumwesto sa garden ng bakuran ng bahay nila Kian kung saan may mesa at upuan.
"Hmmm... sarap talaga!" komento pa niya.
"PG ka ba? Dahan-dahan mainit baka mapaso ka," awat nito sa kanya.
Pagsubo niya ng laman ng kanyang kutsara. Biglang nailuwa ni Kira iyon sabay takip ng bibig matapos mapaso ng dila. Natawa ng malakas si Kian.
"Ang kulit mo, sabi nang mag-ingat eh," sabi nito saka binuksan ang bote ng ice tea at inabot sa kanya.
Matapos uminom ay nilapag niya ang bote. Natigilan siya nang makitang kinuha ni Kian ang bowl niya at hinipan iyon habang hinahalo para mabawasan ang init. Lihim siyang napangiti habang pinagmamasdan ang binata. Marahil isa sa mga dahilan kaya nakaramdam siya ng selos matapos itong makita kasama si Claire ay dahil sa mga ganitong pagkakataon. Hindi rin naman niya masisi ang mga kababaihan na magkagusto kay Kian dahil talagang guwapo ito.
He stands almost six feet tall for a senior high student. He got his Korean features that he got from his dad. Bagsak at bahagyang mahaba ang buhok nito. Kian has Sunkissed colored skin. He has the most expressive eyes she ever saw. His eyes can never lie. Madali niyang makita sa mga mat anito kung malungkot ito o masaya. But one thing she loves the most is when it sparkles every time, he looks at her. Singkit ang kulay tsokolateng mga mata nito, matangos ang ilong at natural na mapula ang labi. Mahilig ito sa mga sports pero mas paborito nito ang maglaro ng basketball. He has a great physique. Mahilig din itong mag-gym kaya malaki at perpekto ang pangangatawan nito. He has perfectly shaped abs and biceps. Isa sa katangian nito na gusto ni Kira ay ang pagiging sweet at malambing. He is such a loud person. Outgoing. He has a bubbly and light personality. Pilyo at masungit din. He is very showy and expressive with what he feels. Sa kabila ng malaking pangangatawan at lalaking lalaki na personalidad nito, Kian is a big baby. When he sulks and whines, he pouts his lips like a baby.
Bumalik sa kalakuyan ang kanyang isipan. Kapag nagkaroon na ng girlfriend si Kian. Hindi na sa siya maaasikaso nito gaya ng ginagawa sa kanya ngayon. Hindi na siya ang prinsesa nito kung hindi ang magiging girlfriend nito. And why does it hurt every time she thinks about that?
"Oh, malamig na 'yan," sabi nito.
"Thank you," sagot niya sabay ngiti dito.
Nang tikman niya ay napatango siya. "Hmm," usal niya habang tumatango.
Habang kumakain ay palagi niyang nahuhuli si Kian na nakatingin sa kanya at pinapanood siyang kumain pagkatapos ay ngingiti at mapapailing. Nang matapos kumain ay saka siya sumandal sa silya.
"Ang sarap talaga, super!" komento niya.
"Marami pa doon sa loob," sabi ni Kian.
"Hindi na, mamaya na. Busog na ako," sagot niya pagkatapos ay nagde-kuwatro at bahagyang minasahe ang likod ng binti.
"Masakit?" tanong nito sabay nguso ng binti niya.
"Medyo, tumakbo kasi ko sa treadmill kanina," sagot niya.
Inurong nito ang silya palapit sa kanya pagkatapos ay tinapik ang hita nito.
"Akin na, ako magmamasahe."
Pinatong ni Kira ang isang paa sa hita nito pagkatapos ay dahan-dahan minasahe iyon. Habang minamasahe siya ni Kian ay kinuha niya ang phone at tumingin sa binuksan ang kanyang social media account. Pagkatapos ay lihim na kinuhanan ng picture si Kian at nilagyan niya ng caption.
"Princess treatment. Libre masahe after meryenda. Thank you, pangit."
Matapos iyon ay tinag niya si Kian saka pinost iyon. Hindi nagtagal nang sunod-sunod na dumating ang notifications alert.
"Ang prinsesa ng buhay ni Kian," sabi ni Zuri.
"Bawal po landi dito," sabi naman ni Sean.
"Tapos bukas mag-aaway na naman sila," komento naman ni Sami.
Samantala si Uno ay tinag ang pangalan ni Kian. "Pare, baka pagod ka na. Ako na diyan," sabi pa nito.
Napatingin siya kay Kian nang mapansin na nakatingin ito sa kanya. Sandali itong huminto sa pagmasahe sa paa niya para magreply kay Uno. Mayamaya ay natawa siya nang mabasa ang sagot nito.
"Gunggong, eto ka. Sabi ko sa'yo Uno tantanan mo pagporma kay Kira," sagot nito na sinamahan ng middle finger emoji.
Muling nag-comment si Sean ng picture ng great wall of China kaya natawa na silang dalawa.
"Grabe ka talaga kay Uno," sabi niya.
"Huwag ka makialam," sagot nito.
Mayamaya ay binunggo nito ang siko niya kaya napalingon siya.
"Hindi ka na ba talaga galit sa akin?" tanong nito.
Huminga siya ng malalim saka binawi ang paa mula dito at sinampa iyon sa
kinauupuan niya sabay yakap sa mga tuhod.
"Hindi na nga."
"Pero nagselos ka ba talaga?"
"Hindi ko alam kung selos ba talaga, pero siguro kaya ako nagreact ng ganoon dahil ayoko ng nakita ko. Hindi ako sanay na makita ka na may kasamang ibang babae. Ewan ko, baka dahil nasanay lang din ako na sa akin lang palagi ng atensiyon mo."
"Sa tingin mo ba talaga ipagpapalit kita sa ganoon klase ng babae?"
"Hindi mo naman kasi kailangan gumanti para sa akin."
"Pero gusto ko, sa ganoon paraan malalaman n'ya na hindi ka basta puwedeng galawin ng kahit sino," sabi nito.
Napailing siya. "Kaya tayo nai-issue sa school eh grabe ka makabantay sa akin."
"Wala akong pakialam sa sinasabi nila, dahil mas importante sa akin kung anong iniisip mo."
"Eh paano kung main-love ka ng husto sa isang babae, tapos pinagselosan ako at pinapalayo ka niya sa akin?"
"I will choose you," walang gatol na sagot nito.
"As in?"
"If you love someone genuinely, kasama mong mamahalin at tatanggapin ang mga tao sa paligid niya. At alam ko naman na hindi ka ganoon klase ng kaibigan, iyong toxic at possessive."
"Totoo naman 'yon, pero ikaw ganoon, clingy pa."
"Iniingatan lang kita," sagot nito. "Ah nga pala, ano pala napag-usapan n'yo ni Uno? Tinanong ko ayaw sabihin."
"Ayun, nag-confess siya."
"Na?"
"In love daw siya sa akin, na mahal daw niya ako tapos nagpaalam kung puwede daw siyang manligaw."
Napatuwid ng upo si Kian sabay dampot ng phone. "G*go 'yon ah!" sabi nito.
"Ay teka lang!" awat niya sabay agaw ng phone nito.
"Ayan ka na naman eh. Relax! Hindi naman ako pumayag na manligaw siya eh."
"Talaga?"
"Oo. Kasi alam mo naman na bawal pa, baka magalit si Daddy. Saka, wala pa sa isip ko ang mag-boyfriend."
"Akala ko ba crush mo?"
"Oo nga pero literal at simpleng crush ko lang siya. Wala naman sa isip ko na seryosohin 'yon. Pero ang sabi n'ya maghihintay daw siya hanggang sa puwede na akong ligawan."
"Huwag mong sasagutin 'yon ah. Ako ang magsasabi kapag puwede ka nang mag-boyfriend."
Sumimangot siya. "Ikaw ba tatay ko sa past life? Daig mo pa talaga si Daddy," sabi niya.
Umiling na lang ito at hindi na kumibo pa.