Chapter 2

2059 Words
"HOY, galit ka pa ba sa akin?" tanong agad ni Kian nang sabayan nito sa paglalakad si Kira. Huminto siya sa paglalakad pagkatapos ay humarap sa binata. "Hindi ako galit, naiinis lang ako sa inasta mo kanina. Nakakahiya kay Uno. Ang akala ko pa naman best friend mo rin siya tapos ganoon ang gagawin mo," sagot niya saka pinagpatuloy ang paglalakad. Muli siyang napalingon kay Kian nang isampay nito ang isang braso sa balikat niya. "Alam mo, inaalagaan lang kita. Binilin ka sa akin ni Dade, siyempre kapag alam ko na may umaaligid sa'yo hindi puwedeng basta na lang sila makakaligaw. Ano sila sinuswerte? Baka mamaya lokohin at paiyakin ka lang nila eh." Pabiro niyang siniko ito. "Si Uno pinag-uusapan natin dito. Kilala natin 'yon, malayo siya sa iniisip mo." Biglang huminto sa paglalakad si Kian kaya natangay siya nito at napaatras. "Teka nga, bakit ganyan pagtatanggol mo sa kanya? May gusto ka ba talaga kay Uno?" Tumaas lang ang kilay niya. "Secret," sagot niya sabay takbo palayo. Tumatawa na tumatakbo si Kira habang panay ang lingon sa likod matapos siyang habulin nito. Pagliko sa dulo ng hallway, bigla siyang napaupo nang bumangga sa isang matangkad na estudyanteng lalaki. "Ah!" malakas na daing ni Kira sabay hawak sa noo niya na nasaktan. "Miss, sorry. Okay ka lang?" Naramdaman ni Kira na hinawakan siya nito sa braso at inalalayan tumayo. Nang tumingala ay bumungad sa kanya ang isang lalaki na pamilyar ang mukha. Senior din ito pero taga-ibang section. "Ah... oo," sagot niya. "Sorry, hindi kita nakita." "Wala 'yon. Sorry din." Bahagyang napaatras si Kira nang mapansin na humawak ang lalaki sa braso niya. "By the way, ako nga pala si Rey," pagpapakilala nito sabay lahad ng palad. Nag-alangan si Kira na tanggapin ang pakikipagkamay nito. Nang tatanggapin na sana niya ang kamay nito nang magulat na lamang siya matapos may humawak sa kamay niya sabay hila palayo mula sa lalaki. Nang tumingala ay bumungad sa kanya si Kian. Nakapormal ang mukha habang nakikipagtagisan ng tingin sa kaharap. "Halika na, nagugutom na ako," sabi pa nito sabay tingin sa kanya. "Okay." "Hinahanap kita sa canteen eh, nandito ka lang pala." Nang hinila siya ni Kian palayo, nagulat si Kira nang may humawak sa kanya sa kabilang kamay. Nang lumingon ay nakita niyang ang lalaking nagpakilalang Rey ang humawak sa kanya. Sa gulat ay agad siyang napaatras sabay bawi ng kamay. "Sandali pare, gusto ko lang makipagkilala." Tinago siya ni Kian sa likod nito at dinuro sa mukha si Rey. "Kilala kita, g*go. Lumayo ka. Huwag na huwag kang lalapit sa kanya," banta ni Kian. "Lakas mo makabakod ah, bakit boyfriend ka n'ya?" nakangising sagot nito. "Ano ngayon kung binabakuran ko? Lumayo ka baka hindi kita matantiya." "T*ngina mo ah!" galit na angil ni Rey kay Kian sabay tulak dito. Nagulat si Kira sa ginawa ni Rey at mabilis siyang pumagitna sa dalawa. Dahil mas matangkad at malaki sa kanya si Kian, halos mawalan siya ng balanse ng sumugod ito kay Rey at tinulak din ito. "Oh t*ngina mo rin! Ano? Suntukan na lang ulit?!" matapang na hamon ni Kian. "Kian, tama na!" awat niya. Bago pa tuluyan magkainitan ay dumating na si Uno at pumagitna. "Kian, pare. Tama na 'yan, tara na! Rey, sige na umalis ka na!" Hindi na nagsalita ang dalawa. "Halika na kasi, Kian. Doon na tayo sa loob!" sabi pa ni Kira saka pilit na hinila ito palayo. Pagdating sa loob ng canteen ay pumwesto sila sa isang bakante at mahabang mesa. "Sino ba 'yon? Bakit ganoon ka na lang makareact?" nagtatakang tanong ni Kira. Salubong pa rin ang dalawang kilay na tumingin ito sa kanya. "Huwag na huwag kang lalapit doon kahit anong mangyari. Lalo na huwag kang sasama kapag niyaya ka," mahigpit na bilin nito. "Kaaway mo ba 'yon?" sa halip ay sagot niya. "Siraulo 'yon si Rey," sabad ni Uno saka naupo sa tabi ni Kian. "Lalo na sa mga babae, ilan na 'yong mga estudyanteng babae dito na nagrereklamo na hina-harass ni Rey. Medyo may konting bad history na sila ni Kian. Minsan na silang magpang-abot ni Rey sa court habang nagbabasketball, nagkasuntukan." "Kaya lumayo ka doon, huwag kang sasama kahit anong mangyari." "Okay, pero bakit hindi ko alam na nakipag-away ka?" sagot niya. "Eh di nag-alala ka lang, saka matagal na 'yon. Kalimutan mo na. Ang mahalaga, lumayo ka sa kanya." "Sige na." "Mangako ka." "Fine. I promise." Matapos iyon ay nilabas na niya ang baon na pagkain. "Kumain na lang tayo para mawala na 'yang init ng ulo mo." Mayamaya ay sumama na ang iba pa nilang kaklase sa mesa nila. "Ano Kian? Makikikain ka na naman sa baon ni Kira?" natatawang tanong ng isang kaklase nilang lalaki. "Loko, nandito na 'yong sa akin. Kasama ako sa pinagbabaon ng Mommy n'ya," depensa nito sabay kagat ng porkchop. "Yup, that's true," sang-ayon ni Kira. Napalingon siya kay Uno nang nilapag nito ang apple juice sa harap niya. "Uy apple juice, thank you!" nakangiting sabi niya. "You're welcome." Biglang pinandilatan ni Kira si Kian nang makitang masama rin ang tingin nito kay Uno pagkatapos ay sinipa niya ito sa ilalim ng mesa. "Aw!" daing nito. "Umayos ka," saway niya. "KIRA!" Huminto siya sa paglalakad nang marinig iyon. Agad ngumiti si Kira nang makita ang mga kaibigan na si Zuri at Sami. Tumakbo ang dalawa palapit sa kanya at agad na yumapos sa magkabila niyang braso. "Saan ka punta?" tanong ni Zuri. "Sa court, manonood ng basketball practice," sagot niya. "Tara, sama! Nandoon si Sean," sabi ni Sami. "Hulaan ko pinapapunta ka ni Kian ano?" wika ni Zuri habang naglalakad sila. "Oo, dala ko kasi 'yong tumbler n'ya. Saka pinapunta din ako ni Uno, manood daw ako." "Yieee!" tudyo sa kanya ng dalawa. Natatawa na napailing na si Kira. "Ano ba kayo? Para pinapapunta lang ng tao eh, issue agad kayo." "Saan mundo ka ba galing? Ang ibig sabihin lang no'n pinapapunta ka para may inspirasyon siya," sagot ni Zuri. "Oo nga, pampagana ba!" "Pampagana? Ano ko, vitamins?" Nagtawanan silang magkakaibigan. Nang makarating sa court ay pumwesto sila sa bleachers. Agad natuon ang atensiyon nila sa laro. Kahit na practice pa lang ay hindi mapigilan ni Kira na pumalakpak sa tuwing nakaka-shoot si Uno. "Go Uno!" sigaw pa ni Kira. Biglang lumingon sa gawi niya si Kian kaya napatingin din siya dito. Habang tumatakbo ay tinuro nito ang sarili. Then, he mouthed. "Ako?" Ngumisi lang siya. "Go Kian pangit!" sigaw niya. Sumimangot ito sabay taas ng nakatikom na kamao. Tumawa lang ng malakas si Kira. Nang maka-three points si Kian ay bigla silang nagsigawan. Sa sobrang tuwa ni Kira ay napatalon pa siya habang pumapalakpak. Matapos nitong maka-shoot ay nakangiti itong lumingon sa kanya saka siya tinuro at kumindat pa. Kira's heart skipped. Bigla na lang siyang natulala habang sinundan ng tingin si Kian. That was the first time she felt something like that. A strange feeling, she is not very familiar. Bahagyang nagulat si Kira nang muling magsigawan ang mga nanonood, lalo na ang iba pang babae na estudyante. "Love you, Kian!" narinig niyang sigaw ng isang babae. Nagsalubong ang kilay ni Kira sabay lingon. Di kalayuan sa kanilang puwesto ay naroon si Claire, senior din ito pero taga-kabilang section. Kilala ang babae na malaki ang pagkakagusto kay Kian. "Maka-I love you akala mo jowa," narinig niyang bulong ni Sami. Inalis niya ang tingin sa babae. "Hayaan mo na, ganyan naman talaga 'yan." Natigilan si Kira nang lumingon ulit sa court at mahuli si Kian na tumingin kay Claire saka ngumiti. Nakaramdam siya ng inis sa nakita. Mayamaya nang matapos ang laro ay naglapitan ang mga players sa gilid ng court. Agad lumipad ang tingin ni Kian sa kanya. "Kian, tubig!" alok ni Claire. Ngumiti ulit ang binata sabay taas lang ng kamay at turo kay Kira. Ang inis na naramdaman kanina ay agad napalitan ng saya. Nang makalapit ito sa kanya ay naupo ito sa mas mababang upuan sa tapat niya. Sinandal nito ang ulo sa tuhod niya sabay tingala at abot ng towel sa kanya. Napailing si Kira saka kinuha iyon at pinunasan ito ng pawis sa mukha. "Huy, laro lang dapat, bawal ang bebe time dito," saway ni Sean sa kanila na gaya ni Kian ay humihingal din. Pabirong binato ni Kian ng isa pang towel ito kaya nagtawanan sila. "Inggit ka lang wala kang ka-bebe time," ganti ni Kian. "Ay, foul!" Lalo silang nagtawanan. Natigilan bigla si Kira nang makitang nakatingin sa kanila si Uno. Nahihiya lang itong ngumiti sa kanya saka bumawi ng tingin. Muling bumalik kay Kian ang atensiyon niya matapos siyang kalabitin nito. "Dala mo 'yong tumbler ko?" tanong nito. "Ay, oo!" sagot niya saka nagmamadaling binigay iyon sa binata. Habang umiinom ay pinatong pa nito ang braso sa hita niya. "Nakita mo 'yon? Nakailang three points ako," pagmamalaki nito. "Oo na, pasikat ka na naman sa mga fans mo." "Luh, nakita mo na ikaw ang tinuro ko kanina eh!" Napahinto sila sa pag-uusap nang lumapit sa kanila si Uno. "Kira, may gagawin ka ba mamaya pagkatapos ng class?" tanong nito. Kumunot ang noo niya saka marahan umiling. "Wala naman, uuwi lang." "Uhm, puwede ka ba maimbitahan sandali kumain sa labas? Diyan lang sa fast food malapit dito sa school." Pinagtinginan silang dalawa ng mga naroon sa paligid nito. Sabay kantiyaw ng malakas sa kanila ni Uno. "Si Uno ay natagpuan tumatapang!" sabad ni Sean habang tumatawa. "Hindi puwe—" Hindi naituloy ni Kian ang sinasabi nang biglang takpan ni Kira ang bibig ni KIan "Sige, sure," pagpayag niya. Nakita niya kung paano lumiwanag ang mukha ni Uno. Ngumisi itong lumingon kay Kian sabay tapik sa balikat nito. "Great! I'll just wash up after the game." "Okay." "I told you about this, pare. No offense," sabi lang nito sabay talikod. Natawa si Kira nang niyugyog ni Zuri at Sami ang katawan niya sa sobrang kilig. "Kinikilig kami para sa'yo, girl!" "Hindi ko kaya tapang ni Uno, talagang niyaya ka ng date sa harap namin." "Date ba 'yon? Kakain lang naman sa labas eh." Napalingon siya kay Kian nang hawakan siya nito sa pulso pagkatapos ay hilahin. "Hoy, sandali lang naman!" sabi niya. Sa harap ng lahat ng tao doon ay hinila siya palabas ng court ni Kian. Pagkatapos ay pormal ang mukha at nakapameywang na humarap sa kanya. O mas tamang sabihin na galit ito. "What was that?" tanong nito. "Ang alin ba?" "Bakit ka pumayag na sumama kay Uno?" Napipikit si Kira saka napatungo at umiling. Ngunit mabilis na inangat ni Kian ang mukha niya. "Answer me, Kira." She crossed her arms. "Kian, niyaya lang niya akong kumain. No big deal." "Anong no big deal? Alam mo na may gusto sa'yo 'yon." "Oo nga, and so?" Nakita niyang nag-igting ang panga nito. "Binilin ka sa akin ni Dade. Sinabi niya na bawal ka pang makipag-date o magka-boyfriend." Bumuntong-hininga si Kira saka humakbang palapit kay Kian. Nilapit niya ang mukha nito. That's when he suddenly loosens up. Bahagya pa itong napaatras at tila nagulat nang ikulong niya sa mga palad ang mukha nito. Mayamaya ay napangiti si Kira. "Kakain lang kami, okay? Hindi date 'yon," sabi ni Kira saka pinisil ang pisngi nito. "Talaga?" Isang marahan tango ang sinagot niya pagkatapos ay natatawa na inalis ang kamay sa mukha nito at napailing. "Ang cute mo pala magselos." "Selos? Ako? Hindi ah!" "Yeah yeah!" pang-aasar pa niya. "Tara na sa loob!" Agad itong sumunod sa kanya sa loob ng court. Habang naglalakad pa ay bigla siya nitong inakbayan sabay ipit ng ulo niya sa kilikili nito. "Aray ko, Kian! Bitaw!" sigaw niya. Sa halip na bumitaw ay mas lalo siya nitong inipit. "G*go ka, amoy pawis ka!" Balewala lang na tumawa ito ng tumawa habang pinagtitinginan sila ng mga tao. Para makawala ay bigla niyang kinurot ito ng pino sa tagiliran. "Aray!" Nang makalayo ay hinabol niya ito sa court pagkatapos ay binato pa niya ng sapatos. "Hindi na, peace na!" sabi nito saka dinampot ang sapatos niya. "Amina nga 'yan," masungit na wika niya. Sa halip na ibigay ay lumapit ito at saka naupo at ito pa ang nagsuot sa kanya niyon. "Siraulo ka, Kian. Umayos ka talaga," banta ni Kira. "Ewan ko sa inyong dalawa, hindi na namin maintindihan kung mag-ano kayo," umiiling na komento ni Sean nang makabalik sila sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD