SIMULA

1008 Words
SIMULA MARIING hinalikan ako ng lalaking nasa ibabaw ko ngayon, dumadagan sa ‘king katawan at parang sabik na sabik sa init na bumabalot sa ‘ming katawan sa mga oras na ‘to. Narito na kami ngayon sa loob ng hotel suite at malambot na kama niya kung saan ako nito hinila matapos naming makapag-usap at makapaglandian sa bar na pinanggalingan kanina lang. Napadaing ako nang bumaba ang kaniyang mainit na halik sa ‘king leeg at unti-unting maramdaman ang pagdapo ng malapad nitong kamay sa ‘king malulusog na dibdib. Ramdam ko na rin ang pagbukol ng kaniyang p*********i na tumatama sa pagitan ng aking mga hita ngayon. Mahinang napadaing ako, mas lalo siyang kumilos nang pagkarinig noon. Pero sa lahat ng naging customer ko, ito yata ang pinaka-mahusay at marahan lang sa paghawak sa ‘kin. Hindi marahas. At hindi ko malaman kung bakit... parang pamilyar na pamilyar ang pabango nito. Lalo akong nawawala sa sarili sa amoy ng panlalaking perfume nito at sa mahusay niyang pagtrabaho sa ‘king katawan. Parang may naaalala akong ganitong amoy ng pabango... hindi ko lang matukoy kung sino ‘yon. Lalo akong nahilo nang mabilis na bumaba ang kamay niya sa ‘king makikinis na hita at sa pagitan no’n. “Aah...”  I moaned. Mabilis na natakpan ko ang bibig ko para pigilan na lumabas ang iilan pa sa daing ko dulot ng mainit nitong ginagawa. Maya-maya pa ay siya na mismo ang bumaba roon at hinalikan ako sa pagitan ng aking mga hita. Pinaghalong gulat at pagkawala sa sarili ang naramdaman ko. Napa-arko ang aking likuran at napalakas ang aking ungol dahil doon! Oh my god, he’s an expert! “Please... stop...” paos na iyak ko out of pleasure, ngunit ang naging tono ko ay naging kasalungat sa kagustuhang patigilin ito. Idinilat ko ang aking mga mata at pilit ibinalik ang aking sarili. Naalala kong hindi dapat ako magpadala sa sensasyong nararamdaman ko, hindi na parte ng trabaho ko ang maka-s*x siya nang tuluyan. Pasikretong nilingon ko ang pintuan ng silid at nakitang naroon pa rin ang katrabaho kong kinukuhanan kami ng video. Sinadya kong iwan kanina na hindi naka-lock ang pinto ng suite kaya tagumpay siyang nakasunod. Humugot ako ng malalim na paghinga at kahit gusto pa ng katawan ko ang ginagawa ng lalaking ‘to sa ‘kin ay itinukod ko na ang mga siko ko sa kama at bahagyang ibinangon ang katawan ko. “Wait, sandali. Ayoko na palang ituloy ‘to.” Paos ang boses na pigil ko sa kaniya. Nahihirapang pinigilan ko siya sa pamamagitan ng bahagyang pagtulak sa kaniyang hubad na mga balikat palayo sa ‘kin. Kasi naman! I already could feel the heat in between my thighs! Ito yata ang pinaka-mahirap na parte ng trabahong ko. At sa maniwala man ang lahat ng tao sa mundo o hindi, birhen pa rin ako kahit ganito ang trabaho ko! Kakaibang self-control na lang ang mayro’n ako kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nadidisgrasya sa kama. “What the f**k?” Dinig kong react niya. Mabilis na lumayo ako sa kaniya at hinila patungo sa ‘kin ang naabot kong mga underwear ko. Nakita kong nasa malayo naman ang dress ko, na itinapon niya yata kanina roon, kaya mabilis ko ring pinuntahan iyon at isinuot. “Tangina, baliw ka ba?!” Ani niya sa mas galit na boses ngayon. “Sinadya mo ‘to? Akala mo nakakatuwa?” Dugtong pa nito. Nahagip ng paningin ko ang pasikretong lumalabas na ngayon ng hotel suite na kasama ko, bitbit ang videocamera niya. Saktong pagkaharap ko sa target customer na si Edward ay kabubukas niya lang ng ilaw sa buong kwarto, naka-board shorts na ito ngayon na suot at ngayon ay nakikita na namin ang isa’t-isa. Namilog pareho ang mga mata naming dalawa! Ilang segundo kaming hindi nakaimik hanggang sa umatras ako ng hakbang. Iniwan yata ako ng lahat ng dugo ko sa katawan! “Kai...” Napaawang ang bibig ko. Kaya pala kanina pa parang pamilyar ang pabango na naaamoy ko rito... maging ang boses nito na ngayon ay malalim na kumpara noong huli kaming magkasama noong teenager pa lang kami. “Eicine?!” Oh gosh. Kilala niya pa ako. Mabilis na napatalikod ako sa kaniya at napangiwi habang yakap ang sarili. Kung sa bagay, bakit hindi namin matatandaan ang isa’t-isa... buong childhood days namin ay nag-aaway kami kahit noong araw na umalis ako ng bahay niya at ng parents niya! Si Kaijin Valencia ay ang isa sa kambal na anak ng umampon sa ‘king mag-asawa na nagngangalang Kael at Zarina Valencia noong bata pa lang ako. Masaya ang pamilya nila, kahit ilang taon lang ang itinagal ko sa kanila ay naramdaman kong parang nagkaroon din ako ng kumpleto at mapagmahal na pamilya kahit papaano. Lahat naman sa kanila ay kasundo ko talaga at itinuring akong parang tunay na pamilya, mula kay Sir Kael, Ma’am Zarina at sa isa sa kambal nilang anak na si Kendric. Itong si Kai lang talaga ang kakaiba. Mainit palagi ang dugo sa ‘kin at madalas pakialamanan ang buhay ko kahit wala naman akong maling ginagawa sa kaniya. “Bakit ikaw... hindi ko sinasadyang ikaw ang...” nagpa-panic na paliwanag ko. “Hindi talaga! Promise! Kung alam ko lang na ikaw iyan, hindi kita lalapitan! ‘Yung Edward talaga dapat ang target customer ko...” padalos-dalos na saad ko makapagpaliwanag lang. Baka kasi isipin niyang... type ko siya? O bayarang babae na ako ngayon? Kasi hindi naman! Hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko saka iniharap sa kaniya. Bumungad sa ‘kin ang ekspresyon nitong galit. Ngunit hindi ko napigilang mapatitig sa kaniyang mukha ngayon... nag-ingay ang dibdib ko nang magtama ang aming mga tingin. “L-Long time no see?” Nakangiwing bati ko na lang saka pilit na ngumiti at inalala kung bakit ako nagkamali sa kung sino dapat ang target customer ko na kasama ko ngayon!  Palpak! Ngayon ay nagtagpo pa kami ng landas ng lalaking... matagal ko nang hindi nakikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD