CHAPTER 1

1401 Words
CHAPTER 1: Intoxicating Scent KINUSOT ko ang aking mga mata nang bahagyang makita na umiikot na ang paligid ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kalasingan o dahil ba sa malabo kong mga mata ngayon, nakalimutan ko kasing suotin ang pares ng contact lens ko na may grado. Saka ko nalingunan ang mga baso na nasa harapan namin. Naparami na rin talaga ang alak sa sistema ko. “Nahihilo na yata ako, bwisit ka talaga!” Singhal ko sa katrabaho kong si Ashley. Magkatabi kami ngayon sa counter habang nakaupo sa mataas na stool. Naiiling na hinilot ko ang mga mata ko. Hindi talaga ‘ko pwedeng mahilo muna, hindi pa tapos ang trabaho ko rito ngayon. “Bakit ako? Anong ginawa ko sa ‘yo?” Natatawang asik niya. “Hindi ba may isa ka pang customer ngayong gabi? Bakit nahihilo ka na, kaya mo pa ba lapitan iyon ngayon.” Maarte niyang tanong saka tinungga ang tequila at humiyaw. Napatingin tuloy ang ilan sa mga bartender sa kaniya at nginisihan siya. Ito rin panigurado lasing na. Napairap ako. “Nagtanong ka pa. Ikaw ‘tong nag-order ng vodka at mojito drink ko. Ilang baso na ‘yon? Paanong hindi ako mahihilo sa ilang baso na inorder mo!” Bulyaw ko para marinig niya sa pagitan ng maingay na tugtog dito sa bar ngayon. “Kasalanan mo iyan. Drink moderately dapat kahit maraming baso na inoorder ang kaibigan. Oki?” Lasing na humalakhak siya saka bumaba mula sa kinauupuan. “O, sa’n ka pupunta?” Tanong ko sa kaniya habang pinapanood itong tumayo nang tuwid kahit parang nahihilo na rin yata. Naka-stilletos pa naman na mataas ang gaga. “Saan pa ba? E ‘di maghahanap ng jowa! Boba ka talaga... alangan naman maghanap ako ng pari? Tapos pray ako while drinking tequila?” Wala na sa hulog na sagot niya kaya inirapan ko ito. “Sige na, bye-bye, Eicine Montes!” Naiiling na inirapan ko ito bago nagtungo muli ng atensyon sa inumin ko. Huminga ako nang malalim bago inilabas mula sa ‘king silver sling bag ang card na ibinigay ng boss ko sa trabaho. Tinignan ko ang pangalan at picture ng susunod kong target customer para sa gabing ‘to. “Edward Casimiro.” Basa ko sa pangalan nito matapos ilapit nang husto ang card sa ‘king mga mata, dulot ng malabong paningin. “Male, engineer, 25 years old. Wearing red polo longsleeves, fair skin, has a small mole in his forehead.” Sambit ko pa sa description na ibinigay ng babaeng customer sa organization namin. Sa pagkakaalala ko ay fiance niya ang Edward na ‘to at gusto niyang malaman kung nagloloko sa kaniya dahil hindi niya malaman kung seryoso ba talaga sa kaniya. One year older lang pala sa ‘kin ang isang ‘to. Naiiling na natawa ako. Fiance mo na pero hindi ka pa rin sigurado kung seryoso sa ‘yo? That’s weird. Tinungga ko ang natitirang alak sa ‘king baso bago tinutuwid ang tayo na lumayo sa kinauupuan ko kanina, nagsuot din ako ng face mask ko na kulay gold. Inilibot ko ang buong bar para lang mahanap ang target customer at nang matagpuan ito sa VIP floor ay tumigil muna ako sa corner. Pinagmamasdan siya at ang isa pa nitong kasama na lalaki sa kinauupuang couch habang pinagsasaluhan ang bote ng dalawang alak sa maliit na mesa sa kanilang harapan. Pinaliit ko ang aking mga mata dahil hindi ko sila masyadong maaninag sa hitsura dulot ng hindi na kalinawan na paningin, pareho pang kulay pula ang suot na longsleeves! “Hi miss, gusto mo ba ng drink?” Napalingon ako sa lalaking bumulong malapit na malapit sa tainga ko at nagbaba ako ng tingin sa kamay nitong nakapaikot na sa ‘king beywang. “No, thank you. May kasama kasi ako, hinihintay ko lang...” pagdadahilan ko na lang. “Sino?” Natatawang tanong niya. Nilingon nito ang couch sa VIP floor na tinitignan ko kanina pa. “’Yang si Edward at Kai ba?” Lumayo siya ng hawak agad sa ‘kin. “Off limits ka pala kung gano’n. I’m sorry, kung babae ka man ng isa sa kanila ‘di ko sinasadyang hawakan ka.” Bahagya akong natigilan pagkarinig sa pangalan na Kai... bigla kong naalala ang kung sino na kilalang-kilala ko. Pero malamang ay kapangalan niya lang, hindi naman iyon taga-rito. Nailing na lang ako at nagbalik ng atensyon sa lalaking kausap ko ngayon na may hawak na kopita ng alak. “Wait, pwede mo ba sa ‘kin ituro kung nasa’n ‘yung Edward na sinasabi mo?” Bahagya siyang natigilan at napaisip habang nakatitig sa ‘kin. Maya-maya ay napangisi ito. “I see, si Kai siguro ang kasama mo. ‘Yung kausap niya ay si Edward. ‘Yang nasa kaliwa.” “Oh. Okay. Thank you.” “You’re very much welcome.” Makahulugang ngumiti ito nang matamis saka umalis sa tabi ko. Swerte pang palapit pa lang ako ay nagdilim na agad ang paligid sa VIP floor at umalis ang isa sa dalawang lalaking nakaupo sa kanang bahagi, nilapitan ko agad ang lalaking kanina pa nakaupo sa kaliwa at ginawa ang trabaho ko nang masenyasan ang kasamahan ko mula sa kabilang table. Nakita kong sinimulan niya na ang pagkuha ng video sa ‘ming dalawa ng target customer ko. Ang video na ‘yan ang pinaka-mahalaga. Na-eexcite na kinausap ko ang lalaki nang makaupo ako sa tabi nito at inakit. Para sa 10k at para matapos na rin ang nakakapagod na araw na ‘to. Naging madali naman ang lahat dahil mukhang lasing na lasing na rin siya pero parang tunog-babaero pa rin. Nagulat pa nga ako nang halikan ako nito bigla matapos hilahin ang face mask na suot ko. Tsk, kapag nasira ‘yang mask na iyan papabayaran ko talaga sa kaniya. Gold pa naman! Nang mag-aya itong magpunta na kami sa hotel suite niya malapit lang dito sa bar ay tumango ako at pasikretong nag-text sa nagbayad sa ‘kin na customer para sa kaniya. Fiance niya raw ‘to ayon sa pagpapakilala ng babae na ‘yon sa ‘kin. To: Paying Customer #100 Hi, good evening. Kasama ko na ngayon ang fiance mo, inaaya niya ‘ko sa hotel suite niya. Puputulin na namin ang video kapag nasa hotel suite na kami mismo at ibibigay sayo, advice ko for you hiwalayan mo na ‘to dahil mukhang babaero talaga base sa pakikipag-usap. Paki-handa na ang 10k gaya ng napag-usapan. Dagdagan mo na rin ng tip kung gusto mo. :) Sinend ko ang message sa nagbayad na customer ko, na fiancee ni Edward. Kinukutuban daw siya na babaero pa rin ito at niloloko siya kaya heto na nga ang ebidensya. “You know what, kamukha mo ‘yung babaeng kilala ko.” Dinig kong saad nitong si Edward habang hinihila ako sa kung saan man. Hindi ko na siya tinapunan pa ng atensyon at nagpaka-abala na lang sa pagcellphone habang hinihila ako nito sa kung saan. Hindi rin naman ako interesado. Ang mga lalaking gaya ng isang ‘to ay dapat putulan ng tite! Engaged na pero nagawa pang mag-aya ng babae sa silid niya! “You kinda look like her, hindi ko tuloy maiwasang maisip kung nasa’n na siya ngayon...” “You miss her?” Tanong ko habang abala sa pagtipa sa cellphone ko. Lumalabas na kami ngayon sa elevator at patungo na sa hotel room nito. “Yes. Medyo. Hinahanap ko siya pero hindi ko na makita.” Dagdag niya pa. “Kapag nakita ko siya...” naputol ang sinasabi nito nang mabuksan niya na ang pinto ng suite. Madilim ang paligid sa loob kaya nababagot na itinulak ko na ito para makapasok na kami. “Kapag nakita ko siya ulit... hindi ko na hahayaang makalayo pa siya sa ‘kin.” Dinig kong bulong niya saka hinigit ako sa isang halik. “What do you think...” bulong niya sa pagitan ng halik. May fiancee na siya pero may iba pang babaeng iniisip. Nagawa pang itanong sa ‘kin? Kung gusto niya talaga ang isang ‘yon... bakit siya makikipag-s*x sa iba ngayon? Ang wirdo talaga ng mga lalaki sa mundo ngayon. See? Kaunti na lang talaga ang mga matitinong lalaki sa panahon ngayon. Rare species! Pero teka... bakit parang pamilyar ang pabango niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD