CHAPTER 3

1001 Words
Chapter 3 Alam mo 'yong feeling na wala kang choice?? Ganoon ang na feel ko ngayon! At ayaw ko ang ganitong feelings!! Please help me oh God!!  "Drex! Napano ba 'yang mukha mo? Para kang natatae na ewan!!" Saway sa akin ni Mama. Pero tanging malalim na singhal lang ang aking naging tugon.  Hindi ko naman napansing nakarating na pala si Papa galing sa kanyang trabaho. "Oh, anong sinisigaw sigaw mo r'yan Mahal?" Usisang tanong ni Papa kay Mama habang kinukuha naman ni Mama ang mga dalang gamit ni Papa at hinubad rin nito ang helmet tsaka jacket nito't bota.  "Eh kasi naman ang anak nating iyan! Hindi man lang maipinta ang mukha simula pa kaninang dumating iyan dito." Matamang tingin sa akin ni Mama kahit na may inaasikaso pa sa suot ni Papa.  "Eh anak, ano ba ang iniisip mo r'yan at hindi nga maipinta ang mukha mo?" Tanong ni Papa.  Nagbuntong hininga na muna ako. "Eh kasi Pa, si Dean."  "Oh ano na namang pinagawa sa'yo nang matandang Dean?" Mapanuksong usal ni Papa.  Alam na alam na kasi nila na ganoon ang ugali ni Dean. Ako ang inaagrabyado para lang maging problema ang kanyang eskwelahan. Eh paano naman ako? May sarili rin akong buhay na aasikasuhin. Tapos may dadagdag sa alalahanin ko? Hindi naman tama iyon!  "Pa remember noong Grade six po ako? Same school?"  "Ahh, 'yon bang may favor sa'yo si Dean? Eh bakit ba??" "Kasi Pa, ngayon din kasi may panibagong alalahanin."  "Oh! Tamang tama iyan! Anak, need natin ng pera. Baka naman, walain mo na muna ang pride mo. Alam ko namang kayang kaya mo ang mapagsabay ang pag-aaral at paglelecture di ba?"  "Kasi, Pa,"  "Anak, tama ang Papa mo. Baka mayaman iyan. Malaking tulong rin 'yan. Anong year ba ang tuturuan mo?" "Same year as me!"  "Oh, ganoon naman pala e,"  "And...classmate ko rin."  "Ayon! No problem naman pala, same school, same year at higit sa lahat classmate pa. At baka seatmate rin kayo ha?" Biro ni Papa.  "Yes, katabi ko nga siya," Matamlay kong sabi.  "Sos, eh anong pinoproblema mo? Bibigyan ka ng pera kapalit ng pagtuturo mo, tapos magkatabi lang pala kayo ng upuan." Usal ni Mama.  "Kasi naman po Ma, Pa, ang kupad kupad po kasi ng tuturuan ko! ..babae pa naman sana." Pabulong kong sambit sa huling linya na sinabi ko.  "Ano? Babae?" Usisa ulit ni Mama.  "Opo,"  "Naks! Nakaswerte ka naman pala anak e! Biruin mo babae pala. Baka naman..." Tukso ni Papa. "Pa naman e!"  "Anong Pa naman eh!! Bakit bakla ka??" "Hindi noh!" "Oh ganoon naman pala bakit ka ganyan makareact!?" "Ikaw po kasi e!" Biglang nagsalita si Mama. "Kayo talagang mag-ama, siya sige kayo na muna r'yan at ako'y maghahanda na muna sa kusina nang ating hapunan." Paalam sa amin ni Mama. Sinundan ko lang si Mama ng tingin at 'di ko napansing nasa tabi ko na pala si Papa at may binulong. "Maganda naman ba?"  At dahil wala ako sa aking sarili ay nakasagot ako nang wala rin sa isip ko. Kusa lang na bumuka ang bibig ko.  "Maganda naman po,"  "Sexy ba?" "Tama lang din," "Makinis ba?"  "Medyo," "Gusto mo ba?" "Medyo." At bigla naman akong tumilapon dahil sa malakas na pagkatulak ni Papa sa akin. "Aray ko naman po Pa!" Daing ko.  "Ang arte mo! Gusto mo rin pala!" Panunukso ni Papa pero hindi ko naman naiintindihan ang kanyang pinagsasabi.  "Gusto? Anong gusto?" Takang tanong ko. Wala talaga akong naiintindihan sa pinagsasabi ni Papa.  "Wala! Tara na! Puntahan na natin Mama mo para makakain na tayo! May lecture ka pa naman bukas." Sabay akbay naman ni Papa sa akin at magkasabay kaming naglalakad patungong kusina.  Mabuti na lang at tahimik lang kaming kumakain pero si Mama at Papa ay may kakaiba sa kanilang malalagkit na tingin. Parang mga tanga.  Ganito talaga kaming tatlo.  Matapos kumain ay naninibago naman ako kay Mama at Papa dahil sila na lang daw ang maghuhugas sa ngayon at matulog ako nang maaga para hindi ako mapagod at fresh ang utak ko para bukas. Hindi ko talaga alam ang mga iniisip nilang dalawa. At dahil mas  advantage sa akin iyon ay nag goodnight na lang ako sa kanila at nagtungo na sa kwarto.  "Woah! Finally makakatulog na rin! Grabe naman sila Mama at Papa makapag-push. Hindi madaling magturo ng isang taong may saltik. Biruin mong paiba-iba ang mood? Ano na naman kaya ang ipapakitang ugali niya bukas, baka mabaliw na naman ako nito...pero teka! Ba't ko nga ba siya pinoproblema at iniisip ngayon! Eh matutulog na nga ako diba?...diba Drex!!" Pagkausap ko sa aking sarili.  Waaah!! Nakakabaliw talaga! Tsk!  Bakit ko nga ba kasi tinanggap ang offer na 'yon! Eh alam  ko naman ang magiging resulta nito. Mapapatrouble na naman ako! "Tsk! Pag-iisipan pa raw!"  "Tsk! Pag-iisipan pa raw!" "Tsk! Pag-iisipan pa raw!" Shutang'ina! Nag-eecho na naman sa tenga ko ang katagang sinabi niya kanina sa loob ng opisina. Ano ba itong ginagawa niya sa akin.  Patulogin mo naman ako Khalia!!! Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. KINABUKASAN "Anak, ito pala ang baon mo, ingat ka ha." Bigay sa akin ni Mama sa baon at tsaka humalik naman siya sa akin. "Basta anak! Kaya mo 'yan, alam ko kayang-kaya mo 'yan! Ikaw pa!" Tsaka kumindat pa sa akin si Papa.  Umagang-umaga! Puro pinapaalala na naman nila ang magiging gawain ko sa umagang ito pagkaapak ko sa eskwelahan na iyon. Nagpaalam na lang ako kina Mama at Papa para maiwasan lahat ang kanilang panunukso. Nasa labas na ako ng gate nang eskwelahan ng biglang may umakbay sa akin.  "Hi Mr. Tutor. Goodmorning!"  Nanigas ako sa narinig na boses. Hindi ako maaaring magkamali. Dahil ang boses na iyon ang sanhi sa aking pamomroblema sa buong First year ko!  Nilingon ko siya nang makita ko na sobrang lapit pala ng kanyang mukha sa mukha ko. Isang dangkal na lang  at magkakadikit na ang ilong namin. Napatitig naman kami sa isa't isa nang magbalik ako sa aking isip ay mahina ko siyang tinulak tsaka inaayos ang aking suot na salamin, bag at polo. Tsaka naiilang na pinagsasabihan siya.  "B-Bakit k-ka ba nanggugulat h-ha!?" Nailakas ko ng bahagya ang boses para mailabas ang kaba na aking nadarama. Nag-uunahan na sa pagkabog ang aking puso. I know sa gulat lang ito.  "Oh? Hindi naman kita ginulat ah! Nag-goodmorning nga ako e," Nagboboses bata pa ang babaeng ito.  Ibang katangian na naman ang kanyang ipinapakita. Ayst!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD