CHAPTER 4

929 Words
Chapter 4 "Woah? Totoo pala talaga ang balita na sila na." "Pero akala ko ba hindi? Di ba nga nilapitan ni Jigs si Drex dahil nalaman niya ang tungkol sa kanila ni Khalia." "Oo nga at pinagsasabi rin ni Jigs sa room niya na walang katotohanan ang balitang 'yon!" "Selos lang ang damuhong 'yon! Eh pang ilang beses na ba 'yon na busted ni Khalia, tsk!" "Oo nga naman! Kahit na nerd 'yang si Drex, makikinita rin naman ang kagwapohan niya."  Mga tilian at bulongan ang sumalubong sa amin ni Khalia, sino ba namang hindi pag-uusapan e grabe makakapit itong si Khalia sa braso ko. At sinasandal pa ang ulo sa balikat ko. Ayts! Ano na namang nakain ng babaeng ito! "Hoy Khalia, umayos ka nga, pinag-uusapan na tayo ng mga estudyante oh!" Saway ko sa kanya habang ginalawgalaw ko pa ang braso ko.  "Eh ano ngayon, inggit lang sila."  Napasapo na lang ako ng noo. "Minsan talaga hindi ko matantya kung ano ang ugali mo," Nasabi ko rin ang matagal ko nang pasaring.  Napansin ko namang napahinto siya sa paglalakad. Kaya kinabahan ako at baka mag-iba na naman timpla nito. Ito na, seryoso na ang mukha. "Ahh K-Kha-" "I'm hungry," Naikunot ko ang noo at kilay. "What?" "Sabi ko, gutom ako..." She said.  "Seriously? H-hindi ka aalma sa sinabi kong ugali mo?" Nalito talaga ako, kung bakit parang ibang Khalia ang kasama ko ngayon. "Bakit? May dapat ba akong ereact?" Tanging nasabi niya.  What the ! Bakit ganito, I feel like...argh! "Drex! Canteen muna tayo, gutom na talaga ako," Hila naman niya palayo sa daan papunta sa room namin, instead ay dinala niya ako sa canteen, wala bang pagkain sa kanila? "Hindi ka ba nag-breakfast sa inyo?"  "Nope!" "Bakit?" "Walang gana,"  "So ngayon you're telling me na may gana ka nang kumain, tsk!" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.  "Oo, kasi kasama na kita." Tsaka nagpuppy eyes pa siya sa akin matapos niya hawakan ang baba ko para maiharap ako. "Isang set po nong breakfast meal, at ice tea. Thank you...tara?"  Hindi ako nakahakbang kaagad dahil sa sinabi niya kanina. Dahil sa kaba ay napatingin ako sa buong estudyante na nasa loob ng Canteen.  Sheez! Kailan pa ako nahiya? Nerd ako, pero hindi ako mahiyain! "Drex?" Agaw niya sa pansin ko.  "Here's your order Miss," Sabi ng waiter.  Yes may waiter ang canteen. Abot tenga naman ang ngiti ni Khalia. "Thank you,"  Nagsimula na siyang sumubo sa kanyang pagkain. Titig na titig talaga ako sa kanya sa bawat subo na kanyang ginagawa, para bang kinakausap niya ako sa pamamagitan ng kanyang pagsubo.  "Hey, Drex?"  Nagbalik naman sa realidad ang sarili ko. "H-ha?"  "Ehh! Hindi ka naman nakikinig sa akin e! Ganoon na ba talaga ako kaganda para mapatunganga ka sa kakatingin sa akin?"  I smirked, "Ha! In your dreams!" Usal ko tsaka tinignan ulit ang paligid, nasa amin pa rin talaga ang atensiyon nila kahit na hindi nila pinapahalata.  "By the way, tapos ka na ba sa assignment mo?" Nagscan na muna ako ng notes habang naghihintay na matapos siyang kumain.  "No," Kalmado niyang sagot.  "Anong no?" Nagulat ako. "No, meaning wala, never, not yet, hindi, ganoon!"  "Ganoon lang? Edi gumawa ka na!" Napatingin naman ako sa relos ko. "May 20minutes ka pa para gawin ang assignment mo." "Hindi ako marunong," Kalmado pa ring pagkasabi.  "Ahh! Oh ito! Copy this!" Sabay lapag ko sa mesa nang assignment namin sa Science. "I'm not in the mood to write e," Umaakto pang pagod. "Shoot! Sana umabsent ka na lang!" Suhestyon ko dahil sa inis.  "Eh paano ang assignment? Hindi ako makapagpass? Paano ang grades ko? Magagalit na naman si Mommy at Daddy sa akin?" Pagboboses bata pa nito. Like ang sarap sapakin. Kung hindi lang talaga 'to babae! "Wow, nag-alala ka na baka hindi ka makapagpass 'pag umabsent ka! Pero pagkopya na nga lang gagawin mo hindi mo pa magawa! Ayst!" Bulyaw ko sa kanya. Kahit na nasa amin na ang mga mata.  "Wala nga kasi akong gana,"  "Stop that nonsense reason! Akin na ballpen at notebook mo! Ako na lang ang gagawa! Baka ako pa mapagalitan! Tsk! Tamad kasi!" Hininaan ko ang last words.  "Ano?" Nilapit pa niya ang kanyang tenga sa akin. . Pero hindi na ako sumagot pa, nagsimula na lang ako sa pagkopya sa assignment sa kanyang notes. At sakto rin na natapos ako at nag-ring na ang school bell.  Nagmadali kaming naglakad papasok nang room. Mabuti na lang at hindi pa dumating si Mrs. Ochanco.  "Uy! Ayan na pala ang lovebirds!" "Oo nga noh! Hashtag DrexLia!"  "Wooooh! DrexLia!! DrexLia!!" Hiyawan nang buong klase. Nahiya naman ako, kaya tinignan ko si Khalia, I am sure galit na it- wait? Aba! Tumatawa at pumalakpak pa.  "Nice combination, I love it! DrexLia forever!!" Sigaw pa niya. Kaya umingay pa lalo ang buong klase. Tumahimik lang ito nang biglang nagsisigaw ang tiga sabi ng 'papunta na si Ma'am!' Kaya nagsiupuan na sa kani-kanilang respected seats. As usual ay magkatabi pa rin kami ni Khalia, at magsisimula na akong tanggapin ang katotohanang katabi ko nga siya sa buong year at isa pa! Magiging tutor niya ako for the whole year! Lord, anong nagawa kong kasalanan at parang ako'y iyong pinaparusahan.  Kakasimula pa nga lang magdiscuss ni Mrs. Ochanco, matapos namin e pass ang notes namin sa assignment ay ang katabi ko nagsimula na naman sa hobby niyang matulog sa klase! Paano ito matututo kung tulog lang nang tulog sa klase, hindi porket nandito ako para turuan siya ay hindi na siya makikinig, useless naman iyon! Hindi ibig sabihin na binabayaran ako ay okay lang sa aking matulog siya sa klase! Kaya tinabig ko siya hanggang magising siya. "Hmmp!" Halinghing niya. . "Bangon ka nga! Nagdidiscuss si Mrs. Ochanco! Makinig ka naman! Paano ka matututo niyan!?" "Ikaw na lang makinig, tapos sabihin mo na lang sa akin ang discussion mamayang uwian. Inaantok kasi ako," Walang kalakas lakas niyang pasaring.  Naiinis ako, sobrang init na nang ulo ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD