LUNA Mag-uumpisa na sana akong kumain nang sabay na dumating si Sir James at si Sir Forrest. Nagkatinginan pa sila bago sila lumapit sa amin. Tumayo naman ang mga kasama ni Sir James na tauhan. At akmang aalis sa mesa kaya sa kanila dumako ang tingin ko. “Saan kayo pupunta?” Tanong ko sa kanila. “Doon na lang kami sa baba kakain.” Sagot nang isa sa kanila. “Bakit? Hindi naman dito kakain si Sir Forrest. Nagsabi na rin akong dalhan siya ng pagkain sa kuwarto.” Sabay-sabay kaming tumingin sa kanya. Dahil yun naman talaga ang sabi niya. Lumapit siya sa tabi ng upuan ko at naupo. “Sit down kayong lahat. Dito na ako kakain baka may ahas na naman sa kuwarto ko.” Pagdadahilan niya. Naiilang na bumalik sila sa pagkakaupo at naupo na rin si Sir James sa kaliwa ko. Amoy na amoy ko ang