LUNA “Anong iniisip mo?” Tanong ko sa kanya habang naka-upo kami sa gilid ng truck. Napansin ko kasing tulala siya pero hawak naman niya ang kamay ko. Ventilated naman ang loob ng truck kaya hindi mainit sa loob. At may ilaw din naman dito. “Ikaw.” “Ako? Bakit naman? Kasama mo na ako diba?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. “Muntik na akong makagawa ng desisyon kanina dahil sa pag-aakala ko na bihag ka nila. Natakot ako nang makita ko ang larawan mo habang nakatali sa poste. Hindi ko lang gaanong nakita ang iyong mukha dahil nakayuko ka at nahaharangan ang mukha ng buhok. Pero katulad na katulad mo talaga ang babaeng yun.” Paliwanag niya sa akin. “Hindi mo pa ako kilala Forrest. Pero ito lang ang masasabi ko sa’yo. Hindi ako nagpapahuli ng buhay. At hindi din nila ako madaling mahuh