FORREST “Ano ba?! Pakawalan niyo ako dito!” Sigaw ko habang malakas na kinakalampag ang pintuan ng aking kuwarto. Nagpakalunod ako sa alak kagabi sa club dahil hindi ko matangap ang pag-iwan sa akin ni Luna. Sa dami ng ininom ko ay hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari. Nagising na lamang ako nandito na ako sa kuwarto ko at mahigpit na pinababantayan ni daddy. “Dad! Pakawalan mo ako dito!” Patuloy na pagwawala ko. Magulo na ang aking kuwarto at binasag ko na din ang lahat ng gamit ko para lang bigyan nila ako ng pansin at buksan nila ang pinto ngunit. Halos dalawang oras na akong gumagawa ng ingay ay wala pa ding nagtatangkang buksan ang pinto. Napasandal ako sa gilid ng kama dahil sa pagod. Masakit pa din ang ulo ko dahil sa hangover kagabi at kumukulo na rin ang tiyan ko