LUNA “Kung ayaw mong sabihin sa akin ang dahilan ng pagkakatangal mo sa trabaho Mapipilitan akong palitan kayo sa misyon at patawan kayo ng suspension ni Sol.” Pahayag ni Mr. X nang sabihin ko sa kanyang tinangal na ako ni senator.” Dito kaagad ako dumerechosa head quarters pagkatapos kong panuorin mula sa malayo si Forrest. Alam kong susundan niya ako kaya nang makita ko ang sasakyan niya ay kaagad akong nagtago. Gustuhin ko man siyang lapitan pero baka pigilan niya akong umalis. Kung tutuusin wala akong dahilan para manatili dahil wala naman kaming relasyon at hindi ko kayang makipag-competensya sa anak niya at kay Olivia. Pinaka-ayaw ko sa lahat ay magkaroon ako ng kahati sa taong mamahalin ko. Selfish na kung selfish but I deserve it! Yun lang naman ang gusto ko. Nabuhay man ako sa