Althea's POV
.
Mr. Tuxedom
.
.
"Ang tagal mo ah? Akala namin iindiyanin mo na kami!" ikot ng mga mata ni Cherry.
"I miss you, best friend!" Agad na yakap ni Bea sa akin.
"I miss you, too. Tinapos ko pa kasi ang blueprint para kay Mr Lagdameo."
.
Tumaas agad ang kilay ni Geoff nang matitigan ko. Natawa siyang bahagya at napailing pa.
.
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan, bakla. Kung 'di susungkitin ko iyang mga mata mo!" panakot ko at natawa agad siya.
"Ba't ba kasi mainit ang ulo mo?" si Cherry.
Tinawag niya agad ang waiter na nasa gilid lang.
"Isa pang ladies cocktail, please. Para sa kanya. Thank you," tugon niya rito.
"Remember Mr. Lagdameo?" si Geoff sa kanilang dalawa.
"Oh? The rich dirty old man?" si Bea. Sabay inom sa juice niya.
.
Inilapag ng waiter ang inomin ko at si Cherry na mismo ang nagbigay sa akin nito.
.
"Sino pa ba? Kung hindi lang talaga kliyente namin ang manyak na matandang iyon ay tiyak pinakain ko na sa kanya ang mga ginawa ko." Napangiwi ako at ininom ang alak ko.
"Hayaan mo na. Tutal malaki naman ang nakukuha mong porsyento, girl," taas kilay ni Geoff. "Sa lahat ng mga aspiring beautiful Architect ay ikaw ang pinakapaborito ni Mr Lagdameo. Kaya sa'yo napupunta ang kalahating proyekto na dapat sana sa iba. Oh 'di tibatiba ka naman, girl!" Pilantik ng mga kamay ni Goeff sa ere. Ang arte ng bakla!
"Tiba-tiba nga minamanyak naman ng mga mata niya! Nakakabwesit talaga!" reklamo ko.
"Okay lang 'yan. Basta huwag lang hahawakan," tawang tugon ni Cherry sabay tingin sa dibdib ko. Napatingin na tuloy silang tatlo rito at napangiwi na ako.
"Ang gifted mo talaga, girl. Sana all!" si Geoff. Bakla ka nga naman!
"Malaki rin naman ang sa akin ah." Inihayag agad ni Bea ang dibdib niya. "O 'di ba magkapareho na kami ni Thea," bahagyang tawa niya.
"Natural lumalaki iyan. May gatas at may ginagatas," kantyaw ni Cherry sa kanya.
"E, iyang sa'yo nadaan yata ng tren 'te," kantyaw ni Bea sa kanya. Natawa lang din kami.
"Mabuti nga kaya meron... E, ako?" ngusong tugon ni Geoff at sinabunutan na agad siya ni Cherry. Magkatabi kasi sila.
"Ambisyosa ka, bakla! Hindi bagay sa'yo. Engineer ka pa naman ano!"
"Aray! Oo, alam ko. Kaya umaayos ako ng tudo. Pero alam mo na, lalaki rin naman ang gusto ko," pouty lips niya. Naghahanap na ang mga mata niya sa paligid.
"Ang landi ano! Ibigay na natin iyan kay Thea. Gurang na!" kantyaw ni Bea.
.
Nawala na tuloy ang ngiti sa labi ko. Napangiwi pa akong tinitigan siya. Natawa agad siya, natawa na sila!
.
"Kapag ako nakahanap ng jowa na mas hot at gwapo kaysa sa mga asawa ninyo. Maglalaway talaga kayo!" taas noo ko. Inubos ko na ang alak at wala ng laman ang baso ko. Hinanap ng mga mata ko ang waiter, para maka-order pa ulit.
"Talaga? Sure ka?" arteng boses ni Geoff.
"Isa pa kaya. Saan na ba mga waiter dito?" Sabay tingin ko sa paligid.
"Ay huwag na! Tama na iyan. Lilipat tayo sa Naked Me Bar! Nandoon sina Matet. Dark Naked model ngayon at ang sasarap nila 'te! Kaya roon na tayo."
.
Tumayo na agad si Geoff at mabilis na kinuha nag pouch niya. Ang bakla talaga!
.
"Ako na ang magbabayad. Sige na! Bilis!" Patakbong tugon ni Geoff.
.
Napaawang tuloy ang labi ko na parang hindi ako makapaniwala na mangyayari ito.
.
"L-Lilipat tayo? A-Akala ko ba?"
"Oo, lilipat tayo. Kaya halika na! Kanina pa sana dapat tayo roon. Kaso ang tagal mo, Thea. Maghahanap tayo ng young hot bachelor na future husband mo. Dali!!" Sabay hila ni Bea sa braso ko.
"Ano? N-Nagbibiro lang naman ako. T-Teka lang," reklamo ko.
.
Hinila na nila ako ngayon. Nakahawak si Bea sa kabilang braso ko, samantalang si Cherry naman sa kabila.
.
"Ano ba ang requirements natin, Cherry?" tanong ni Bea sa kanya.
"Tall, dark, and handsome ba?" pagpatuloy ni Cherry. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.
"Pwede! Kaso mukhang malabo na yata makahanap ng ganyan sa edad na kwarenta 'te!" lakas na tawa ni Bea at napailing na ako sa dalawa. Mga baliw talaga!
"What about if we strike on one of the hot models?" pilyang ngiti ni Cherry kay Bea.
"Oh my goodness me! Let's do that!" tili ni Bea.
.
Napaawang na ang labi ko. Kung hindi ako sasama sa kanila ay tiyak magwawala ang mga ito. Wala na rin akong kawala sa mga baliw na ito. Kaya sinabayan ko na, para wala ng gulo.
.
"Ayaw kong maging sugar mommy ha. Dios ko!" Hinawi ko ang buhok at mas natawa na ang dalawa.
.
Ang ending si Bea ang kasama ko sa kotse at sina Cherry naman at Geoff ang sa kabila. Malapit lang naman ang Naked Me Bar mula rito. Magkatabi ang sasakyan namin ni Cherry nang mahinto kami. Sabay rin ang lahat na lumabas. Hinila ko pa pababa ang suot kong jeans na mini-skirt. Napapakabagets ako sa sarili, at nagdadamit na parang teenager.
.
"Alam mo, Thea. Hindi halata na kwarenta ka na. Ang payat mo. Kumakain ka pa ba?" ngiwi ni Bea sabay titig sa kabuuan ko.
"Oy, ang cute nito ah." Hawak ni Cherry sa pulang ribbon sa balikat ko.
"Kumakain ako ano! Hindi lang ako tumataba." Sabay ayos ko sa damit.
Off-shoulder na may malaking ribbon na pula ang balikat ko. Mini-skirt na jeans, na sobrang ikli at heels na pula na rin.
"Terno ka, best friend. Bumalik ka sa pagiging high school natin," kantyaw ni Bea.
"Sana all talaga..." awang na titig ni Geoff sa hinaharap ko. Napatitig na din ang dalawa. Kaloka!
"Tumigil nga kayo. Ang tanong makakapasok ba tayo?" taas kilay ko.
Inilabas agad ni Geoff ang apat na VIP ticket niya sa event night show.
"Magpapahuli pa ba ang, bakla!" tugon niya sabay pakita nito sa amin.
"Oh my excited! Makakakita ako ng ibang katawan maliban sa katawan ng asawa ko. Tayo na!" Agad na hila ni Cherry sa kamay ko.
"Ako rin. OMG! Pandesal, baby!" tugon ni Bea.
"Pandesal at hotdog. Here I come!!" tiling tugon ni Geoff at tumakbong nauna sa amin na parang kabayo. Natawa na kami. Ang baliw ng bakla.
.
.
NAPALUNOK ako nang makapasok kami. Nagsisimula na kasi at panay na ang sigaw ng karamihan. Since VIP ang seat namin ay sa harap kami pinaupo ng staff na umalalay sa amin. Pormal akong ngumiti at tahimik lang din. Samantala si Cherry ay panay ang hila sa kamay ko pababa. Napatingin ako sa likod at ang daming mga bading dito. Kumaway pa si Geoff sa kumpanan ng mga bakla sa unahan. Tumili ang lahat nang lumabas ang iilang mga modelo.
.
"Oh my pandesal..." pabulong na tugon ni Geoff sa akin. Kinagat pa niya ang pang-ibabang labi.
.
Napangiwi ako sa reaksyon ng bakla. Pero mas napaawang ang labi ko nang makita ang pumuputok na abs ng mga lalaking modelo. Kolaka bitamina sa mata! Isip ko.
.
Nang mapaku ulit ang paningin ko kay Geoff ay natawa ako sa mukha niya. Para siyang asong naglalaway sa mga modelo na rumarampa.
Suot ng mga batang lalaking modelo ang summer jeans at hubad ang mga katawan nila. Napailing na ako. Ang daming tumiling bakla sa paligid at pati na mga kabataan na babae. Kami lang yata ang gurang dito. Kaloka!
.
"Sino ang bet mo? Pili ka na." Sapak na hila ng baklang Geoff sa braso ko.
"Ano ba! Ang sakit ah!" reklamo ko. "Wala ano! Ang babata pa nila. Makakasuhan ako, bakla. Corrupting minor ito. Nakakaloka! Kaya titig na lang ako," pilyang ngiti ko.
"Oy, bet ko iyong naka blue ang necktie. Ang hot... Ang laki," tugon ni Cherry.
"Kapareho yata ang size ng hotdog niya sa asawa ko 'te!" pagpatuloy niya.
"Sure ka, Cherry? Ang sarap pala!" tili ulit ni Geoff.
.
Napailing na ako at tinakpan ko na ang tainga ko. Ang laswa ng pinag-uusapan nila.
.
"Tangalin mo nga 'yan!" Sabay hila ni Bea sa kamay ko pababa. "Mamili ka na. Magtatake-out ako para sa'yo, bruha!" tugon ni Bea.
"Kaloka! Ano 'to pagkain? Turo-turo? Take-out? Gaga!" ikot ng mga mata ko.
.
Natawa na sila at sumigaw na. Nakikisabay sa sigaw at inggay sa paligid. Tahimik na akong tumitig sa mga modelo at panay nga naman ang ngiti at titig ko sa mga pandesal nila. Pero mas napaawang ang labi ko nang lumabas ang panghuling alas ng grupo.
.
"Oh my god! Mr. Tuxedom!!!" sigaw ng bakla sa tabi ko.
.
Mas uminggay ang lahat at tinakpan ko na talaga ang tainga ko. Nagwala ang lahat ng mga babae at bakla rito nang lumabas siya. Kumunot pa ang noo kong tinitigan siya. Kakaiba nga naman siya sa lahat ng modelo dahil may takip ang mukha niya.
.
He's wearing a black savage hot mascara. He's body? Jaw dropping 'te! Makalaglag panga. He's physically tall fit and solid. Size? OMG, mukhang malaki!
Napalunok pa ako dahil kahit na tight wrangler cowboy jeans ang pantalon na suot niya ay ang laki ng hinaharap nito.
.
What the-- ang landi ko! Isip ko habang nakatitig sa umbok na harap niya.
.
.
C.M. LOUDEN