Chapter 6. Hotdog

1290 Words
Althea's POV  . Hotdog  .  . "Ang gwapo niya, bakla!" tugon ni Cherry kay Geoff.  . Tapos na ang show kanina pa, at heto kami ngayon kumakain sa labas ng night café. Ito ang bahagi ng syudad na hindi yata natutulog. Gising pa ang mga tao at kumain sa bawat display ng pagkain dito.  . "Grabe ang hot ng panghuli. Ang gwapo niya ano?" si Bea. Puno ng pagkain ang bibig niya.   "Si Mr Tuxedom? OMG, hindi ko inaasahan na sasali siya. Pero may nagsabi na sa akin na baka raw. Kaya hindi ko talaga pinalampas. Ang gwapo 'di ba? Ang laki ng harap 'te!" laway na tugon ni Geoff.   "At ang ganda ng katawan ano. Pang world class na modelo. Kaso 'di natin nakita iyong mukha," ngiwi ni Bea.  . Tahimik lang ako habang kinakain ang chicken barbeque. Sang-katirbang kanin na ang ipinasok ko sa bibig. Minsan lang ako kumakain ng ganito dahil purong fruit at vegetable drink lang ang iniinom ko.  I kept my body healthy at all times and even count my calories. I know it's stupid specially if I grave for something delicious like this. Pero ngayon? Hindi ko na muna iisipin si diet, bukas na!  . "Hoy, Thea! Magsalita ka naman, bruha!" Sapak ni Cherry sa balikat ko.  . Nag-angat agad ako nang tingin sa kanya na puno ang bibig ng pagkain.  . "Ano sa tingin mo? Type mo ba si Mr Tuxedom?" si Geoff sa akin.  . Ininom ko muna ang tubig bago ako nagsalita.  . "Well, he's good looking there's no doubt about it."   "So, type mo?" si Cherry sa akin.   "Of course not! Ano ba ang sinabi ko kanina? I don't want to be a sugar mommy. E, halata naman na mas bata ang mga modelo kaysa sa akin atin ano!" ngiwi ko.   "Have you notice? Mr Tuxedom is a more matured? I'm pretty sure mas matanda siya kaysa sa'yo, Althea. Kaya siguro tinatakpan niya ang mukha niya dahil baka may edad na siya." Pilyang natawa ni Bea at napailing na ako. Hindi ko muna sila pinansin dahil panay ang subo ko.   "And why do they call him Tuxedom?" si Cherry kay Geoff.  Pumilantik agad ang kamay ng bakla. Hawak pa niya ang stick ng barbeque.   "Tuxedom in short for Tuxedo mask," tugon ni Geoff.  . Nakanganga tuloy ang dalawa habang pinagmamasdan siya. Umaksyon kasi siya na parang sailor moom.  . "Huwag mo nga'ng ipahalata na matanda ka na, bakla," ngiwi ko sabay nguya.  . Napalingon na siya sa paligid at pa simpling umupo. May iilang tao na katabi ng table namin at kami lang din ang pinakamainggay rito. Natawa agad si Cherry at sumunod na si Bea.  . "Nakalimutan ko 1980's ka pala, bakla!" si Bea. "Ay kasali rin pala si Althea," tawa ulit niya.   "1981 ako ano! Mas hamak na bata pa ako kaysa kay Geoff, 1978 ang bakla e," pilyang ngiti ko.  . Sa aming apat ay si Geoff ang pinakamatanda, forty three na siya. Sumunod ako, forty at sina Bea at Cherry ang pinakabata, thirty seven. Naging kalapit na magkaibigan kaming apat simula noong college. Mahabang kwento kung paano kaming apat naging magkaibigan. Purong kabaliwan at nagkakasundo kaming apat pagdating sa mga bagay na ganito. Iyon nga lang may asawa na sina Bea at Cherry, at ako magpahanggang ngayon ay single pa rin.  . "Kailangan ko ng umuwi mga, bakla. Ang dami ko ng deposit na gatas sa bra," si Bea. Inayos na niya ang padding sa bra niya.   "Ihahatid na kita. Uuwi na rin ako. Naghihintay na ang pinakamalaking hotdog ko," pilyang ngiti ni Cherry sa amin ni Geoff.   "Ang swerte mo talaga, girl! Pero may hotdog din naman na naghihintay sa akin." Sabay tayo ni Geoff. "Uwi na rin ako!" Pilantik ng kamay niya sa ere.   "Kaloka kayo. Puro kayo hotdog. Don't worry I will soon find my own hotdog too!" Irap ko sabay kuha sa bag sa gilid.  Natawa na ang tatlo at inayos kong madalian ang hinaharap ko. Medyo hayag na kasi ito masyado.   "Sana all talaga ang dibdib mo, Thea ano?" kantyaw ni Cherry.   "Oo, sana all talaga! At sana all may hotdog. Kaloka!" Hawi ng buhok ko.  . Nauna na silang humakbang at nakasunod lang din ako sa kanila. Panay ang inggay ng tatlo, habang ako? Heto naiwan dahil hinalungkat ko pa ang sling bag ko. Hinahanap ng kamay ko ang susi ng sasakyan.  Nahinto akong saglit  at rinig ko ang inggay ng mga lalaki sa gilid. Pa-unti unti ang hakbang ko at hindi mahagilap ng kamay ko ang susi. Hanggang sa nahulog na ang iilang bagay na galing sa bag ko, ang lipstick.  . Hindi ko muna pinulot ito dahil naramdaman na ng kamay ko ang susi.  . "Oh, got you baby!" mahinang tugon ko sa sarili nang makuha ang susi sa kamay.   "Yep, I got you, baby," pilyong ngiti niya habang pinulot ang lipstick sa lupa.  . Kumunot agad ang noo ko sa kanya. Umayos ako nang tayo at tinitigan lang siya. Pero napaawang ang labi ko nang pormal na siyang tumayo... Ang tangad niya masyado at ang gwapo pa.  . "You drop this?"  . Hindi siya ngumiti at kunot-noong nakatitig sa akin. Seryoso ang mukha at kakaiba ang kulay ng  mga mata niya. He's got a deep hoodie eyes that somehow I feel attractive to it. His pointy nose, chisel jaw and his perfect hearty lips is to die for.  Mas napalunok ako nang maramdaman ang paglunok niya dahil gumalaw ang adams apple nito. Hanggang sa gumihit ang ngiti sa labi niya.  . "M-Miss? Hello? I think we have--"   "Oh, thank you!"  . Pinutol ko ang pagsasalita niya at agad kong kinuha ang lipstick na hawak niya. Mabilis akong tumalikod sa kanya at iniwan na siya.  . My goodness me, Althea. Gumising ka! Halata na ang bata pa niya. Napailing na ako sa sarili at patakbong hinabol ang tatlo. Pero nagtaka ako dahil si Geoff ay nakatitig na sa akin ngayon ng husto.  . "Nakita ko iyon. Ang gwapo niya! Perfect na maging hotdog mo, Althea!" tiling sigaw ng bakla at binatukan ko na.   "Nakakahiya ka! Tumahimik ka nga!" Sabay hila ko sa buhok niya. E, halos wala na nga akong mahawakan dahil maikli nga naman ang buhok ng bruha!   "Aray ko, Althea Montes! Bruha!" sigaw niya.  Binitawan ko na rin ng matapat kami sa kotse. Napatingin na tuloy ang dalawa sa amin at natatawa pa.   "Anong meron?" si Cherry. Alam kong papasok na sana siya sa driver seat, pero bumaba lang muli.   "A-Ang hotdog ni Althea!" Sigaw ni Geoff sabay turo sa banda ng lalaki kanina.  . Tinakpan ko na ang bibig niya. Napatitig ako sa banda na kung nasaan ang lalaking iyon, at talagang nakatayo pa siyang nakatitig sa amin.  . "Nakakahiya ka, bakla!" Sabay takip ko sa bibig niya.   "Wow ang kisig. Siya ba?" Turo ni Althea sa banda niya.   "Ano 'yan? S-Sino raw?" litong tanong ni Bea. Bumaba na rin ang bruha para maki-asyoso.   "Ang hotdog ni Althea," ngiti ni Cherry na parang baliw.  . Abala ang kamay ko sa pagtakip sa bibig ni Geoff. Kilala ko kasi ang baklang ito. Hindi marunong magpigil ng bibig ang baklang 'to. Kinagat niya agad ang daliri ko, kaya napabitaw na ako.  . "Aray! Ang sama mo!" kunot-noo ko sa bakla.   "Hello, fafang!" Kaway ni Geoff sa lalaki.  . Namutla ako at kinabahan ng tudo. Uminggay ang mga bruha at kumaway sa kanya. Napayuko siyang namaywang at mukhang natatawa pa. Tumalikod din agad siya. Nakahinga agad ako ng mabuti.  . "Althea's hotdog is the best!" sigaw ng bakla.  . What the- Namilog na ang mga mata ko at mabilis akong tumakbo papasok sa kotse ko.  . "Bahala na kayo! Uuwi na ako!" sigaw ko.    . . C.M. LOUDEN                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD