Never Been Touched, Never Been Kissed

2635 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ----- Sa ilang linggong lumipas simula nang tumungtong ako sa eskwelahang iyon ay nalaman ko ang mga sikat na estudyante at guro sa campus. Maliban sa exclusive na grupo ng mga estudyanteng “Cool Guys” na sinabi ni Fred, nalaman ko rin ang iba pang sikat sa campus kagaya ng mga magagaling na varsity players ng basketball, mga pamatay sa honor’s list, mga matitinik na dancers, mga matitinding student leaders, etc. At ang isa sa mga sikat na ito ay si Si Aljun Lachica. Campus crush at hinahangaan ng lahat. Paano ba naman, gwapo, matangkad, matalino, president ng student council, at sports-minded. Magaling na nga sa basketball, malakas ang dating, maganda ang PR, regional champion pa sa lawn tennis. Para bang noong magsaboy ang Diyos ng mga magagandang katangian, siya ang nakasalo sa lahat ng mga ito. Bukambibig na ang pangalan na Aljun lalo na sa mga babaeng estudyante. Siya ang laman ng kanilang mga kwentuhan at bangkaan. Kaso, hindi siya kasali sa exclusive na grupong nagsponsor sa paraffle. Ang sabi ni Fred, base sa narinig niyang tsismis, matagal na nirirecruit iyang si Aljun ng grupo ngunit umaayaw ito dahil ang priority daw niya ay ang pag-aaral at ang student council. Pero sa totoo lang, talbog ang karamihang miyembro ng exclusive na grupo sa tindi ng appeal ni Aljun. At napatunayan ko ito isang beses na nagmeeting kaming mga Liberal Arts students. Bago kami dinismiss ng aming dean, pinapaghintay pa kami dahil may sasabihin pa raw ang presidente ng student council, na si Aljun nga. Hindi ko pa nakita ng personal si Aljun noon ngunit doon ko narealize kung gaano katindi ang kamandag niya sa mga babae noong ang isa sa kanila na kasama namin sa Liberal Arts ay nagtatakbong pumasok ng room. Galing siyng CR noon at nagsisigaw habang pumasok sa room kung saan kami naghintay. “Nand’yan na siya! Nad’yan na siya!” ang sigaw niya. At nagsimulang magtitili ang mga babae na mistulang sinaniban ng masasamang espiritu. At nang makarating na sa bungad ng pintuan si Aljun, bigla rin silang natahimik. Iyon bang sa sobrang tahimik ay marinig mo ang ingay ng karayom kapag nalaglag ito sa mismong sahig ng room namin. Ngumingiti-ngiti na lang kaming mga lalaki. Pero, sa sarili ko lang, talagang makalaglag-panty at brief ang kapogian ni Aljun. Pati mga lalaki kong ka-klase ay napahanga rin sa kanya, di lang dahil sa matinding appeal niya kundi pati na rin sa kanyang talino at kabaitan at pagdala sa sarili. Chest out, maganda ang hubog ng katawan, sobrang confident tingnan, palaging nakangiti, at cool lang kahit pinuputakte ng mga tanong na minsan ay nakakairita. Syempre, pati ako ay nabighani. Kahit nga sa meeting na iyon bago siya nagsalita, may mga estudyanteng antagonista na. Walang ginawa kundi ang mag-ingay, magreklamo, sinasalungat ang sinasabi ng mga taga-hanga ni Aljun. Ngunit nang magsalita na si Aljun at pinuputakte na nila ng tanong, cool pa rin ang dating niya at napakaganda ng explanations. Lahat ng issues ay pinakinggan, sinagot nang maayos na wala kang makikitang na galit kahit iritang-irita na ang ibang mga estudyante sa mga bashers. Subalit dahil sa galing ni Aljun na mag-explain na lahat ng kanilang mga argumento ay nasagot nang maayos, naliwanagan silang lahat, at nakumbinsi. At ang kinalalabasan, lahat sila ay sumang-ayon at full support na sa kanya at sa lath ng plano niya para sa mga estudyante. Ganyan kalakas ang karisma ni Aljun. Hindi siya pumapatay ng kalaban, ginagawa niya silang kakampi. Hindi niya inaaway o iniinsulto ang mga kontra sa kanyang pamamalakad, ipinakita niyang nirerespeto niya ang kanilang mga opinion at iniimbitahan niya silang mag-usap, magdiskusyon upang magkaliwanagan at sa bandang huli ay magkasundo. Alam ko, marami ang naloloko sa kanya – babae, bakla, at may ibang mga lalaki na rin sigurong nalilito na sa kanilang sekswalidad dahil sa kapogian ni Aljun. At ewan ko rin ba, hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit nakisawsaw pa ako sa mga naaattract sa kanya. I’m sure naman kasi na hindi lalaki ang gusto niya kundi babae… at sigurado rin ako na marami ang nakapila sa kanya. May isang beses pagkatapos noong insidente na iyon, nagkasabay kami sa CR. Nauna akong umihi at nang nilingon ko ang tumabi sa akin, hala! Si Aljun! Bigla kong naramdaman ang mabilis na pagkalampag ng aking dibdib. Ngunit nagkunyari pa rin akong dedma lang. Nakatutok ang focus ko sa pag-iihi. At hinintay ko talaga siyang unang matapos. Noong naghugas na ng kamay, sinundan ko siya, naghugas din ako ngunit kunyari ay dedma pa rin ako sa kanya. Pareho kaming nakaharap sa salamin tiningnan ko kung may dumi ang aking mukha bagamat sa gilid ng aking tingin ay kanya ito nakafocus. Nang nilingon ko na siya, nagkasalubong ang aming mga tingin. At aba... tinanguan niya ako sabay bitiw ng ngiti, bago lumabas. Bigla akong nagulat. “Waaaahhh! Ano iyon?” sa isip ko lang. Hindi ko lubos maintindihan ang sobrang pagkabog ng aking dibdib. Sinundan ko siya. Ngunit mabilis siyang nakalayo. ----- Isang buwan ang nakalipas at sa wakas ay ginanap na ang pinakahihintay na paraffle. Sa gym ng unibersidad ito ginanap. Highlight ito sa disco an iniisponsoran din ng nasabing grupo. Masaya ang sayawan at punong-puno ng mga balloons at iba pang mga palamuti ang gym. Ang stage ay may mga makukulay na dekorasyon at sa gitna nito ay may nakasulat na – Cool Guys, Inc. Nakasulat din ang kanilang tema. Maraming professors at administrators din ang ang umattend. May mga raffle tickets din pala ang mga ito, game na game din kumbaga. At ang nakakaaliw ay ang isang dalagang professor namin na malapit sa mga estudyante at nasa mahigit 50 na ang edad. Noong biniro namin kung ano ang gagawin niya sa lalaki kapag nanalo siya, ang sagot ba naman ay, “Siya na lang ang tanungin ninyo kung ano ang gagawin niya sa sariwa at wala pang kamuwang-muwang kong kagandahan! I’m ready! Overripe na nga lang pero, uhmmmm, may asim pa rin!” Nagtatawanan kaming lahat. Ang saya lang namin. Alam naman namin na nandoon lang ang mga faculty at administrators upang magbigay suporta sa fund-raising ng grupo. Isa pa, ginawa na lang din nila itong parang isang breaker sa masyadong hectic at puno ng pressure na trabaho. Yearly na kasing ginagawa nila ang activity na iyon kaya hindi na naiilang o naninibago pa ang mga tao. Noong nakaraang taon nga daw, may nanalo ring professor na babae at ang ginawa niya ay pinaraffle din niya sa kanyang mga estudyante ang lalaking napanalunan upang ibigay ito sa kung sino man ang manalo. Tuwang-tuwa naman ang mga estudyante. At sikat na din sa buong syudad ang tradisyon na ito ng grupo. Maliban kasi sa pagtulong, ang isang side advocacy nila ay ang healthy lifestyle. Habang ipinapakita nila ang kanilang mga magagandang katawan, ipinaalala nila sa mga tao, lalo na sa kabataan ang kahalagahan ng kalusugan at pag-iingat sa katawan. At ipinakita nila ang resulta sa kanilang katawan mismo. Kaya maraming humahanga sa kanila. At tambak din ang mga gustong sumali. Iyon nga lang, marami rin ang hindi pumasa dahil kulang sa desiplina. Six months kasi ang pre-qualification/initiation na dapat naggigym ang applicant, nagpapaganda ng katawan at within 6 months ay dapat na may maipakita nang improvement. Kapag pasado, makapasok na sa grupo at patuloy pa rin ang regimen ng desiplilna, healthy lifestyle, at pagmaintain sa isang well-built at physically-fit na katawan dahil kung hindi niya ma maintain ito, tatanggalin siya sa grupo. Usap-usapan ang top prize nila sa gabing iyon. Ang bulung-bulungan ay ang pamangkin daw ng gobernador ito. Ang nasabing anak ng gobernador ay isang modelo. Artistahin ang dating nito bagamat may pagka-aloof at walang hilig sa limelight. Peor maliban sa anak ng gobernador, may nagsabi rin na ang top prize ay ang isang reigning champion ng Face of the month ng isang sikat na magasin. Walang sigurado kkung sino talaga ngunit bigatin daw talaga ang jackpot prize boy ng season na iyon. Anyaway, may sampung give-away prizes ang pasiunang niraffle. Na-amuse ako dahil mga alagang hayop pala ang mga give-aways. Ang una ay isang daga, pagkatapos ay love birds, sunod ay parrot, then aquarium fish, pusa, aso, at may isang sawa. Hanggang sa inannounce na ang mga major prizes. Syempre, ang mga lalaki na iyon. Isa-isang nagsilabasan ang mga nasabing papremyong mga lalaki na nagcatwalk muna na parang mga modelo. Nagsimulang magtilian at maghiyawan ang mga tao. Pagkatapos ng kanilang rampa, isa-isa rin silang nagsibalikan sa likod ng stage. Natahimik ang mga tao. Tinawag ang pinakaunang papremyo upang may sasabihin. Lumabas ito nang nakahubad ang pang-itaas, ang jeans na puti ay kumpletong nakabutones pa with matching itim na belt na tamang-tamang lapat na lapat lamang sa walang kataba-tabang waistline. Nakapaa. Nanluluwa ang mga mata ng kababaihan at kabaklaan sa ganda ng walang saplot na pang-itaaas na katawan at ang bato-batong muscles at mga hugis pandesal na abs. In fairness, maganda talaga ang katawan niya. May taas na 5’9, maputi, clean-cut. May hitsura. Nakakabingi ang palakpakan, hiyawan at sipulan ng mga tao. Tumungo siya sa gitn ng stage at nagsalita sa harap ng mikroponong nakalagay sa stand. “Ako po ay si Alvin, 19 years old, at nasa third year ng kursong Information Technology. Ang expertise ko po ay ang tumugtog ng gitara. Kung sino man po ang makakuha sa akin, maari po niya akong patugtugin ng gitara, haharanahin siya, o kung sino mang iuutos niyang puwedeng haharanahin ko. Maliban sa paggigitara, marunong din akong kumanta. Nagpalakpakan ang mga tao. Naghihiyawan, nagsisipulan. Pagkatapos ay tumayo siyang naka military, “tikas hinga.” Tinawag ang isang administrator ng college upang hugutin ang winning number. Inannounce ito at noong makumpleto ang pagbigkas sa lahat ng digits, isang bakla na naglupasay sa tuwa. Ngpalakpakan at naghiyawan ang lahat. Wala namang sinayang na oras ang masuwerteng estudyante at nagtatakbo itong papunta sa stage. Nang makaakyat na, agad-agad ding pinapirma sa kontrata, at pagkatapos ay ipinosas ang tig-iisang kamay nila ng papremyo boy atsaka ibinigay sa kanya ang susi, pahiwatig na nakatali na at pag-aari na niya sa loob ng 365 hours ang binatang napanalunan. Agad silang bumaba ng stage. Tinawag ang sunod na papremyo. Naka-hubad din ng pang-itaas at kagaya ng naunang papremyo boy, hindi ito nagpadaig sa kaseksihan ng katawan ng nauna. Makisig siya, may magandang ngiti, may 5’10 ang taas. Nghihiyawan uli ang audience. Nagsisipulan, nagpalakpakan. “Ako po si Sammy, 20 years old at nasa 4th year ng kursong Mechanical Engineering. Ang expertise ko po ay ang pagkanta. Hindi po ako propesyonal na singer at ang totoo, sa banyo lang po ako kumakanta. Ngunit maswerte pa rin ang makakapanalo sa akin dahil sa kanyang paliligo, sasabayan ko siya sa banyo. Kakantahan ko siya habang marahang hihilurin gamit ang aking mga palad ang mga libag sa kanyang katawan...” Naghihiyawan uli ang mga tao. Humugot muli ng number ang isang administrator at binasa ito. Isang grupo naman ng kababaehan ang matinding naghihiyawan dahil ang isang barkada nila na siyang nanalo ay nahihiya at nagtangkang magtatago. Pinilit naman nilang hilahin siya patungong stage. At noong nasa stage na, hindi ito magkamayaw sa pagyuyuko at pagtatakip ng mukha dahil sa matinding hiya. Muli ay pinapirma siya ng kontrata at pagkatapos ay pinosasan. Ang sunod na papremyong tinawag ay ganoon din ang pormang nakahubad pang-itaas. At kagaya noong dalawang mga naungang papremyo, hindi rin ito patatalbog sa ganda ng katawan, tangkad at kapogian. “My name is Adrian, 18 years old lang po, at nasa second year ng kursong Kumersyo. May paalala lang po ako sa sinu mang makakapanalo sa akin. Please handle me with care po. Baka po kasi mabasag ninyo ako. Nakita naman po ninyo sa aking pagmumukha na tunay na wala po akong kamuwang-muwang sa mundo. Ako po ay never been touched, never been kissed and never been damaged.” Nagtawanan ang audience. Nagpalakpakan. May sumigaw ng, “Di nga?” Nguniti siya at nagpatuloy. “Noong sumali po ako sa Cool Guys, Inc., wala po akong talent. Ngunit dahil kailangan daw magkaroon nito kaya pinilit kong matutong magluto. Hindi nga lang ako sigurado kung masarap. Ngunit wala pong problema dahil kapag ng makapanalo sa akin ay hindi siya masarapan sa niluto ko, pwede pong ako na lang ang kanyang tikman. D’yan po... nakasisiguro po ako, na masarap po ako...” Grabe, halos hindi matapos-tapos ang hiyawan at palakpakan ng mag tao. Ang dating kasi ng papremyong iyo ay talagang mukhang inosente, babay-face, at parang hindi makakabasag ng pinggan. Lalo tuloy nag-init ang mga audience at mistulang nagwawala ang mga ito. “Huh! Grabe!’ sambit ko sa aking kaibigan. Nakakaaliw pala ang mga activity ng grupong ito. Ang saya-saya pa! At nakakapag-init ng katawan” “Sabi ko na sa iyo eh!” ang sagot ni Fred. Iyon ang banat ng mga papremyo boys. Witty, nakakaaliw, nakakapag-init. Kaya euphoric ang mga audience sa bawat paglabas ng mg papremyo boys. Parang sinasaniban sa magkahalong kaseksihan nila at pananalitang may bahid panunukso. Subalit doon na sobrang nagwala ang audience noong ipinakilala na ang jackpot prize ng president ng club. “Ladies and gentlemen! It is Cool Guys, Inc’s privilege that this year we were able to convince one the most sought-after bachelor of this planet to be our top prize boy. He is 6 feet tall, taking up Computer Engineering, with basketball as his favorite sport although he is also the current regional champion in lawn tennis. It’s my greatest honor to introduce to you, the campus’ most sought-after bachelor, your student council president, Mr. Aljun Lachicaaaaaaaaaaaaa!! Wooooohhhhhhh!!” Halos babagsak ang bubong ng gymansium sa lakas ng hiyawan ang palakpakan ng audience. At lalo na noong lumabas na si Aljun. Pati ako ay napatalon din. Lumabas si Aljun na nakangiti, halatang naiilang. Nang nasa gitna na soya ng stage, dahan-dahang tinanggal niya ang kanyang t-shirt at tumambad ang kanyang pang-itaas na katawan. Nakakabingi ang ingay ng audience. At nang itinapon pa ni Aljun ang kanyang hinubad na t-shirt sa mga tao, lalong nagkakagulo ang mga ito. Pagkatapos niyang maitapon ang t-shirt a dahan-dahan naman niyang tinanggal ang kanyang belt habang pilyong tinitigan ang isang direksyon ng audience. “Dito! Dito sa banda naming!” ang sigaw nila. Naghiyawan uli ang mga tao. Nang tuluyang matangagl na ito, inihagis din niya ito sa audience. Ngunit doon na muling humihiyaw na parang nagdedeliryo ang mga tao noong game na game nitong ibinaba ang zipper ng kanyang maong pants, sapat upang tumambad ang kanyang puting boxers shorts at ang bahgi ng kanyang bukol. Grabe ang ingay. Parang sasabog ang buong gymnasium sa lakas ng tili at palakpakan ng mga tao. Rumampa si Aljun na patuloy pa ring nanunukso. Habang binaybay niya ang rampa, nariyang isingit niya ang kanyang kamay sa ilalim ng brief na para bang inayos ang kanyang p*********i at pagkatapos ay igapang ang kanyang kamay mula rito, patungo sa kanyang pusod, dibdib, leeg hanggang sa bibig at pagdating sa ilong ay aamuyin niya ang daliring isiniksik sa kanyang brief. Nariyan din iyong hihimasin niya ang kanyang dibdib pababa sa kanyang abs at harapan. At ang nakababaliw niyang ginawa bago bumalik sa likod ng stage ay ang isinukbit niya ang isa niyang kamay sa ilalim ng kanyang brief, habang ang isang kamay naman ay nilawayan ito at inihimas-himas sa kanyang u***g, paminsang-minsang sinisipsip ang daliri habang binitawan ng isang nakakalokong ngiti at nanunuksong tingin. Grabe talaga ang hiyawan. “Aljun1 aljun! Aljun! Aljun!” Hanggang sa nakalabas na ng stage si Aljun at dumiretso siya sa likod nito kung nasaan naroon ang dressing room. “Thank you Aljun! You will have more of Aljun when we come back. Maestro... music pleaseeeee!!!” ang sigaw ng emcee pahiwatig na ituloy muna ang disco bago ang final raffle para sa jackpot prize. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD